Simula

11 1 0
                                    

Ang sumusunod na istorya ay bunga lamang ng imahinasyon ng manunulat. Lahat ng mababanggit na pangngalan ay hindi konektado sa totoong buhay. Ang lahat ng ito ay pawang insidente lamang kung meron mang matulad na kung anong pangngalan sa kabuuang istorya.

Hindi pinipilit ng may-akdang basahin itong istoryang gawa. At kung inyong pahihintulutan, humihingi ng inyong pang-unawa at inyong ipagpaumanhin ang mga gramatikong maling mababasa rito. Ang sumulat nito ay tao lang din at hindi perpekto.

___________________________________________________

Sa isang madilim at walang laman na kwarto ako namamalagi. Iniisip kung tama ba toh lahat. Simula kasi nang mapadpad ako sa mundong ito, wala na ata akong nagawang tama.

Kahit mag-isip pa ako ng mga rason na hindi mali yung nagawa ko, bumalik pa rin sa dahilang ako pa rin yung may kasalanan.

Kaya heto ako, malapit ng sumuko. Hirap na hirap na sa buhay kahit anong pilit kong maghanap ng rason, mabilis din naman akong iniiwan nito. Yung bang pinadaan lang ito sa utak ko.

Napatingin ako sa kutsilyo at lubid na hawak ko. Napag isip isip ko na siguro pagnamatay na ako, lahat ng problemang ito'y matatapos na. Pero mapapanatag kaya ako?

Ako si Alison Robles, ang kilalang pinakamayamang binibini na bumagsak sa kadahilanang naloko ng minamahal. Ang galing hindi ba? Sa kalagitnaan ng mga bakbakan sa pagitan ng Hapon at Amerikano, ngayon pa nagkasira sira ang buhay ko.

Kung hindi ba naman kasi nagpaloko sa isang gwapong lalaki, edi sana rerespituhin pa rin nila ako ngayon bilang isang tinitingalang pinakamagandang mayaman sa buong bansa. Ngunit nangyari na ang lahat ng ito, wala na akong magagawa pa kung hindi ang tanggapin ang resulta nito.

Tahimik akong umiyak. Sa bawat tulo ng luha ko nababaliktanaw ko lahat ng mga alaalang lubos kong pinahahalagahan.

Ayoko ng makaranas pa ng ganitong pighati. Hindi ko kakayanin. Kung kaya't dinampot ko ang kutsilyo at pinagmasdan ito.

"Sa ikalabing walo ng Abril, mararanasan mo ang mga sakit na idinulot mo sa akin,"

Tama na ang sakit. "HINDI KO NA KAYAAAA!" kasabay ng umalingawngaw kong sigaw ang pagtama ng kutsilyong hawak sa aking puso.

"Pangako... I-pina-pangako ko... Na... Kung mag-magkakaroon... Ako... Ng pagka-kataon... Na mab-buhay... Ulit... Hindi... Hindi na... Hindi na muli ibibig pa sayo." halos pabulong ko ng sabi nang makaramdam ako ng pagbigat ng aking talukap hanggang sa tuluyan ng napapikit ang aking mga mata.

Hanggang dito na lamang, mahal kong Markus.

Dreams Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon