Chapter 10: Random girl
Di rin naman nagtagal ay huminto na sa pagdadrive si Zeus at itinabi di kalayuan sa sasakyan ni Triton. Bababa na sana ako nang pigilan niya ako. Saglit na nagkatitigan ang aming mata.
"You need to help me," seryoso nitong sabi. Help? Anong help? Kaya napataas ako ng kilay. "You need to stop your friend from getting closer to her." Napatikom ako ng bibig sa sinabi niya.
I can't do that...
Seryoso ko siyang tinignan. "Sorry, I can't" sabi ko at tuluyan nang lumabas. Ngunit hindi pa ako nakakalayo ay nahawakan na naman niya ang kamay ko. Napalingon ako sakanya. His glaring eyes is giving me chills.
"Then you leave me no choice," he said at mas nauna pa sa akin sa pagpasok. Kinabahan naman ako sa ikinilos niya kaya naman ay sinundan ko siya. Nakita ko nalang na may hawak na siyang baril at nakatutok ito kay Triton. Oh God!
Nanlaki ang mata ko kaya naman nilapitan ko agad siya. "I will do anything, just don't kill him. Please!" Nanginginig kong saad sakanya. Killing him is out of this plan. Wala ito sa naisip namin. She's more dangerous than we expected.
He face me and smirk at me. And boom, naging instant tagasunod na niya ko.
Elisha's POV
Hinatid niya ako hanggang sa park kung saan dapat kami magtatagpo. And from there, nilakad ko nalang hanggang villa.I'm in front of the gate when I heard small voice asking for help? I follow her voice hanggang sa makarating ako sa garden ko and found a girl in her own blood. Nagulat ako and I don't know what to do. If I leave her here baka sabihing ako yung murderer. No, no. That can't happen.
But in her situation, she doesn't seem dying. That's why I checked her pupils. Maayos naman ito. I also checked her pulse. Normal din. That's why kahit hirapan ako ay binuhat ko siya papasok sa villa. Since may small clinic naman ako doon, dun ko siya hiniga sa stretcher. Stretcher lang meron ako eh. Pang akin lang kasi toh, para lang may maupuan ako.
But since may unexpected pasyente ako. Hinanda ko lahat ng pwede kong ihanda. Hindi man kompleto mga gamit ko dito, siguro naman ay sapat na para gamutin siya. May alam naman ako kahit papaano sa mga bukas na balat dahil sa kalagayan ko. You know naman, hindi ako clumsy makipaglaban kaya laging may tama.
Nilinisan ko muna siya. Pinunasan ko ang mga parte ng katawan niyang may dugo para makita ko kung nasaan nanggaling yung dugong bumalot sa kanya. Pero laking gulat ko nang matapos kong linisan ang mukha niya. She...
She looks like me....
I was shaken that time at hindi ako makapag-isip ng ayos. Napatigil ako sa ginagawa ko at nabitawan lahat ng hawak. Do I have a sibling? Twin? Or baka may isa pa? Triplets? But how?! Did mom and dad lie to me? Kuya Zeus is all I have, should I call him?
Ngunit nang paalis na ako para sana kunin ang cellphone ay hinawakan niya ang kamay ko. Hindi ako lumingon at aalis na sana nang magsalita siya. "Tulong..." Mahina niyang bulong. Naawa ako at parang naguilty kasi mas uunahin ko pa yung pagtatanong kaysa sa taong nag-aagaw buhay ngayon.
Dahan dahan akong lumingon. I take a deep deep breath. You can do this El! Pinulot ko ang gunting at binuksan ang damit niya. Bukas ang balat niya sa may bandang appendix. Doon ko tinapat ang ilaw at binuka ang parteng ito para makita kung may nasira pa sa mga muscles niya sa loob. But good thing mababaw lang yung hati. Mukhang ginamitan siya ng kutsilyo nung taong yon.
Kanina pa siguro siya duguan kung kaya't marami ng dugo ang nawala sakanya. At sa mga nakikita kong pasa sa kanya, mukhang pinahirapan muna siya. Kagat kagat ko ang labi habang tinatahi ang kanyang balat.
Napatingin ako sa kanyang mukha matapos kong maayos ang lahat. I look at her eyes to her lips. Xerox copy talaga. I take a selfie with her sleeping face and compared it.
There's no difference, really. Hindi kaya... Eto si Elisha? Yung Elisha ni Triton. Pero sabi niya patay na ito? But since hindi pa natatagpuan ang katawan nito, may posibilidad kayang si Elisha talaga ito ni Triton?
Its already midnight. But since inaamad na akong maglakad papuntang kwarto ay baka pwede naman na akong matulog dito. Bukas nalang din ako magliligo, gusto na talagang pumikit ng mata ko...
KINABUKASAN, nagising nalang ako sa sikat ng araw. Agad akong napatingin sa stretcher. There's no one here. Agad akong kinabahan kaya naman dali dali ko siyang hinanap. Sa CR, wala. Sa kwarto, wala. Sa salas... Hmm, nakaamoy ako ng mabangong pagkain at kusa ako nitong hinatid sa kusina.
At laking gulat ko na yung kamukha ko yung nagluluto dito. Nakangiti niya akong binati na para bang normal lang sakanya. "Good morning!" At bumalik na sa pagluluto. Nagulat man ako at gusto siyang pagsabihan dahil hindi pa maganda ang kalagayan niya para magpalakad lakad ay naamoy ko na ang sarili ko.
Ang lansa ng amoy ko dahil sa dugong bumalot sa akin kagabi dahil sa babaeng ito. At dahil doon ay pumunta nalang ako sa kwarto. Naligo ako sa CR ko doon at nag-ayos. Kailangan kong pumasok ngayon kahit ayaw kong iwan ang stranger na yun sa bahay ko. Malay ko bang magnanakaw pala yun.
Naka black ripped pants, black tube and gray long sleeves blazer with white rubber shoes ako. At dahil naaawa ako sa babaeng yun na wala pang ligo ay inihanda ko na rin siya ng damit. Ripped shorts and loose gray shirt lang ang kinuha ko para sa kanya.
Dumeretso ako sakanya na naghahanda na sa lamesa. Nilingon niya ako at doon ko binigay ang mga damit. "Take a bath" simpleng sabi ko at umupo na. Nakangiti niya akong tinanguan sabay sabing "Salamat" bago siya umalis at dumeretsong CR may unused towel naman doon para sa kanya kaya wala na siyang kailangang isipin pa kundi ang maligo nalang.
Nagsimula na akong kumain. Hmm, masarap naman. Marunong pala magluto ang isang yon? Buti naman at may magiging tagapagluto na ako dito sa bahay. Kailangan ko na sigurong maggrocery nito.
BINABASA MO ANG
Dreams Of Reality
Teen FictionSeducting a person with two bodies? Who will he choose? The real or the other? Seduction 1 Started: April 15, 2019