Kabanata 2

13 1 0
                                    

Chapter 2: Cougar

Kasalukuyan ngayong pinapagalitan ni Zeus ang kapatid. "I told you not to follow him but--" pinutol siya ni Perry.

"I didn't follow him. Nakasalubong ko lang siya. NA.KA.SA.LU.BONG!" gigil na sagot naman niya. At nagpatugtog gamit ang wireless earphone.

Hindi na rin nakapagtimpi si Zeus at hindi nalang kinusap ang kapatid. Habang si Bayron naman ay nagpipigil sa pagsasalita. Dahil kapag parehong bad mood ang magkapatid, hindi maganda ang aabutin mo kapag nangealam ka. Nasa dugo na nga kasi talaga ata nila ang pagiging palaban. At sa sobrang palaban nila, isang suntok lang, tulog na.

Nang makarating sa mansyon ay nagpaunahang lumabas ang magkapatid. Parehong kunot noo at pagkainis lang ang makikita sa ekspresyon nila. Kung kaya't ang mga madadaanan nila ay nagsisilayuan. Para bang takot na takot silang dumikit kaahit ang dulo ng hibla ng buhok nila sa mga ito.

Kahit ang mga laman sa elevator ay nagsilabasan nang makita sila. Iba talaga kapag isa kang Pearson. Ang Zues at Persephone ay ang kanilang team leader code names. Iba pa dito ang tunay nilang pangalan. Emmanuel Pearson at Elisha Pearson, ang magkapatid na kinakatakutan sa Olympus.

Magkaibang floor ang headquarters nila. Si Eman or Zeus ay sa 3rd floor ng mansion habang ang kay Elisha ay sa basement 5. At dahil babae si Elisha at bunso, siya pa rin ang inuna ni Eman. Minsan lang makitang sweet ang dalawang yan, madalas kasi silang makikitaan ng seryoso, galit at walang emosyon, yan lang talaga halos makikita sa mukha nila. Lalo na kapag magkasama.

"AISH!" sigaw ni Elisha nang makarating sa headquarter ng baseball team sabay hagis sa kanyang jacket. "Ugh" bigla niyang inda sa sugat at napaupo.

"TL!" sigaw ng buong team syaka siya dinaluhan at kinarga sa isa sa mga kama nilang nandodoon. Si Cougar, ang team Captain ng baseball team, ang nakaharap ngayon kay Elisha at para bang alalang alala dito.

"Tell me that this wasnt because of Ares again." Nanlalaki ang mata ni Cougar sa pagtingin sa kanya. Cougar is actually, the love of her life but sadly, may girlfriend tong iba. Pero hindi siya nito mapipigilan. "Kung ang asawa naaagaw, boyfriend pa kaya" ang nasa isipan niya ngayon.

Hinaplos niya ang mukha ng lalaki at malanding nilapit ang mukha sa tenga. "It is. And I'm hurt, babe" bulong nito. Nanigas sa kinauupuan niya si Cougar. Nakasmirk na nilayo naman ni Elisha ang mukha niya. Ngunit bigla itong nagbago nang makaharap na ulit niya si Cougar. Naging walang emosyon ang mukha nito.

"You..." Hindi niya matuloy tuloy ang sasabihin kaya napairap nalang si Elisha. Bitch? Yes, she is. Lumapit siya kay Lion at hinubad ang t-shirt ng biglaan. Napagasp ang lahat dahil of course, puro lalaki sila. Pero wala lang ito kay Lion. Sanay na siyang makitang nakabra't panty lang ang dalaga.

"Please pakilinis pa. Ang kalat kasi gumawa ni Bayron" pagrereklamo niya at dahan dahang tinanggal ang telang nilagay ni Bayron kanina, nakalimutan daw kasi niya yung kit.

"Aish. Sakin okay lang eh, pero bakit ka naman naghuhubad sa harapan ng mga yan?!" Inis na sabi nito at hinila ang babae pabalik sa kamang inuupuan nito. Sinamaan ng tingin ni Lion ang mga titig na titig kay Elisha. Mga nagsiiwas naman sila ng tingin.

"Ikaw talaga, ikaw lang naman ang hahawak sakin, hanggang tingin lang yang mga yan, " kababata niya si Lion kaya medyo Zeus din ang pakikitungo nito sakanya. Kaya marami ring tao ang ngtataka dahil sa kabila ng dalawa niyang overprotective boys ay nakakalandi pa siya ng sobra. Kung hindi niyo kasi natatanong ay, suki yang si Elisha sa iba't ibang bar dito.

"Kahit na. Lalaki pa rin sila--" pabalang siyang sinagot ni Elisha.

"Bakit ikaw, hindi?!" Taas kilay nitong sabi. Napadako naman ang mata niya kay Cougar na nakatalikod sa kanila at may kausap sa telepono. "Kausap na naman si Love NIYA" inis na sabi niya sa kanyang utak. Kaya naman napairap siya.

"Mata mo!" Suway sakanya ni Lion. Kaya naman bigla siyang nawalan ng emosyon at kahit nahahapdian ay wala pa ring makikitang emosyon. At dahil sa dakilang kaibigan si Lion ay diniinan niya ang pagdampi sa sugat.

"Ahhhh. Putangina mo ka!" Agad na sabi nito at sinamaan ng tingin si Lion habang siya ay tawa lang ng tawa.

"Ginigising lang kita, " napataas kilay si Elisha sa sinbi nito.

"Mukha ba akong tulog?" Sagot nito sabay irap. Napadako ang mata niya sa aid kit na nasa tabi ni Lion. Naalala niya dun ang lalaking nakita niya kanina. "Lion remember the story I told you?" tanong nito habang hindi tinatanggal ang mata sa aid kit.

Tiningala siya ni Lion ng matapos niyang tapalan ang sugat. "Which one?" Tanong nito at inabot sa dalaga ang kanyang damit.

Hinarap siya ng dalaga at tiningnan ito na parang natatakot siya. Kaya hinawakan ni Lion ang kanyang kamay. "The..." Napahingang malalim siya at pumikit. Nagmulat ulit siya at seryoso na siyang nakatingin kay Lion ngayon.

"Yung panaginip ko. Isang babaeng kamukhang kamukha ko, n-nagsuicide dahil sa isang lalaki. Remember that?" Napakunot lalo ang noo ni Lion ngunit tumango naman siya.

"And so?"

"I saw him" napatawa ng malakas si Lion kaya lahat ay nasa kanya ang tingin. Pinalo naman siya ni Elisha. "I'm not joking, you idiot!" Pinatayan ni Cougar ang kausap niya sa telepono at lumapit kay Elisha.

"What's wrong?" Tanong niya pero inirapan lang siya ni Elisha at humarap ulit kay Lion.

"Paano mo siya makikita huh? It's just a dream. Kailangan mo na nga talagang magising--" sinampal ni Elisha ang sarili kaya naman nagulat ang lahat dahil sobrang lakas ng tunog. Dinaluhan agad siya ni Lion.

"What are you thinking?! Hindi ko naman sinbing sampalin mo ang sarili mo!" Inis nitong sita sa kanya. Inagaw naman ni Cougar ang mukha ni Elisha at tinignan ang pisngi niyang pulang pula ngayon. "Are you hurt?" Tanong nito pero wala siya sa mood kaya hinawi niya lang ito.

Natahimik ang buong kwarto. "I'm awake, okay? I prove it already." Matigas nitong sabi. Napalayo naman sakanya si Lion at hinarap itong muli.

"It's just coincidence, El! Shut it, " galit siya sa dalaga dahil ayaw niyang isiping mag susuicide ito dahil lang nakita niya sa panaginip niya iyon. Kilala niya kasi ang dalaga, kapag nanaginip ito, siguradong mangyayari. Napatunayan na niya ito ng maraming beses.

"But you know me. Pagnanaginip ako, nagkakatotoo" napabulong nalang niya ang huling salita. Napapikit ng madiin si Lion at tinignan siya ng masama. Ang isiping magpapakamatay ang babae ay hindi kinakaya ng isipan niya.

"SO WHAT?! Magsusuicide ka?!" Gigil na tanong nito.

Dreams Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon