Kabanata 1

14 1 0
                                    

Chapter 1: Perry

Habang nagkakatuwaan ay biglang napapreno ng malakas si Rad, ang kanilang driver for today. Kaya lahat sila ay naumpog.

"Aish! Mag-ingat ka nga!" Inis na sigaw sakanya ni Zafirah. Isang chinitang model na kasulukuyan nilang tinatakas sa shooting.

Nakatanggap naman siya ng batok mula kay Reighza. Isang mayamang beauty queen. "You damn jerk! Pasalamat ka at hindi nagalusan ang maganda kong face."

"What's with the break, Rad!?" inis na tanong naman ni Triton at sumulyap sa harapan ng sasakyan. Isang dalagang nakahilata ang kanilang natagpuan.

"Oh my gosh!" Gulat na sigaw ni Zafirah bago dali daling lumabas at dinaluhan ang dalaga.

Isa-isa na rin silang naglabasan mula sa sasakyan. "Paano na toh? I'm such a jerk!" Paninisi ni Rad sa sarili. Habang si Zafirah naman ay binibigyan na ng paunang lunas ang dalaga.

"Elisha?" Mahinang bigkas ni Triton pero sapat na para marinig ng lahat. Kaya lahat sila ay napatingin sakanya.

"You know her?" takang tanong ni Reighza. Lahat ay nag-aabang ng sagot niya nang biglang magising ang dalaga. Nawala kay Triton ang atensyon at napalipat lahat sa dalaga ang tingin.

"Ayos ka lang? May masakit ba sayo? Sorry, miss. I'm really sorry. Wag mo kong ireport, please?" Sunod sunod na sabi ni Rad sa dalaga.

"O-okay lang ako, " nakangiwi niyang sagot. Iginala niya ang kanyang mga mata at para bang hindi siya makapaniwalang buhay pa siya. Napahinto ang kanyang tingin sa lalaking kasalukuyang nakatayo sa harapan niya. Nagulat siya at hindi alam ang gagawin. Dahil muli na naman niyang nakita ang mukhang pinakahuli niyang gustong makita.

Nagkatitigan sila ng lalaking ito. Gulat ang makikitang ekspresyon sa dalaga habang pagtataka at pagkamangha ang sa lalaki. Hindi na ito nakayanan ng dalaga at biglang tumayo ngunit hindi niya kinaya ang sakit ng katawan at muntikan ng bumagsak muli kung hindi lang siya naalalayan ni Zafirah.

"May first aid kit ba kayo? Tatanggalin ko lang yung bala sa tagiliran ko" casual niyang sabi na ikinamangha ng lahat.

"M-meron. I'll get it, " agad na sagot naman ni Reighza at dali daling pumunta sa sasakyan. Inakay naman ni Zafirah at Rad ang dalaga papasok ng sasakyan habang ang tulalang si Triton ay hindi makakilos sa kinatatayuan.

"What's your name?" tanong ni Reighza nang ibigay niya ang first aid kit sa babae. Tinignan siya nito at sa isip isip niya "which one bitch? I have a lot" but she decided to just gave her code name as the team leader of Olympus' baseball team.

"Persephone, Perry will do" she said habang pilit na tinitiis ang sakit. Sa katunayan ay dapat sanay na siya sa mga ganito. Dahil tuwing nadadamay siya sa misyon ni Ares which is hindi naman niya ginusto ay lagi siyang napapahamak.

Nakatawag na naman siya sa headquarter nila at nakumpirmang susunduin siya ni Bayron. Ngunit dahil sa traffic na pilit nilalaban ni Bayron ay hindi pa siya makarating dito.

"Malapit na ako. Nasan ka?" Biglang sambit ni Bayron mula sa wireless earphone na nasa loob ng tenga niya, nakalagay ito dito kaya hindi masyadong halata pero dahil inis na inis siya ay napasigaw siya habang nakahawak sa earphone.

"YOU IDIOT! SINABI KO NG MAAGA! IDADAMAY NA NAMAN AKO NG HINAYUPAK NIYONG ARES. WHY AREN'T YOU STILL HERE HUH?! I ALMOST--" naihagis ni Bayron ang Earphone sa likod ng sasakyan niya dahil hindi niya natagalan ang lakas ng boses ng dalaga.

"Lagot ako nito. Shvt! Bugbog na naman ang aabutin ko kay Zeus" nangangambang bulong ni Bayron sa sarili. Ang hindi niya alam ay may isang lalaking nagtatago sa likuran ng kanyang upuan at siya ang nakinig at gumamit sa earphone na siyang itinapon ni Bayron sa backseat.

Hindi niya matanggal ng tuluyan yung bala sa tagiliran niya dahil sa sobrang sakit.p "Pagkarating natin sa headquarters, si Zeus na ulit ang bahala sayong kupal ka! Inuna mo na naman yang kalandian mong hayup ka. Ikaw tong--" patuloy lang siya sa pagsasalita at panenermon sa earphone dahil hindi naman niya alam na kasalukuyan nang nagdadasal si Bayron na wag sana siyang ipabugbog ulit kay Zeus.

Tulala lang naman ang tatlo sakanya. Para bang manghang mangha sila dahil ang akala nilang babaeng nakahandusay sa kalsada ay walang alam sa karahasan at nabiktima lang, mukhang nagkamali ata sila.

Malakas na preno ang narinig nilang lahat. Ang apat ay nagitla habang ang babaeng nagdudugo pa ang tagiliran ang siyang agad na tumayo ngunit napahawak agad sa sasakyan dahil sa sakit. Padalosdalos kasi siya sa sobrang inis niya. Kung kaya't muling nagsilabasan ang lahat.

Nang makita ni Bayron ang isang sasakyang nakatigil ay agad niyang tinignan ang lokasyon ni Perry. Nang masigurong iyon ang tamang lokasyon ay bigla siyang pumreno kung kaya't kahit ang lalaking nagtatago pa kanina ay napapuntang unahan. Nanlaki ang mata ni Bayron at wala pang isang segundo ay nakalabas na agad siya ng sasakyan kasama ang kanyang mga gamit sa paggagamot.

Sinalubong niya ang dalagang nanginginig ang tuhod, puno ng dugo ang damit at maputla. Napansin niya rin ang mga lalaki at mga babae sa likuran nito. "Natanggal mo na ba ang bala?" tanong niya habang may kinakalkal sa kanyang dalang gamit nang bigla siyang tinulak pagilid nung lalaking nakasakay sa kanyang sasakyan.

"You came, too?" Gulat na tanong ni Perry sa lalaking mabilis na naglakad palapit sakanya. At walang kung ano ano'y niyakap agad siya nito. Napangiti naman siya at niyakap rin ang lalaki.

"How could you do this to me? I'm so worried sick. I warned you not to go near that Ares the Bastard" mahinahon nitong sabi habang hinahaplos ang buhok ng dalaga.

"Is my brother sick? Bago sa pandinig ko yun ah. Isa pa nga, " panunukso niya sa nakatatandang kapatid.

"Hoy! Kayong dalawa'y tumigil diyan. Masakit sa mata" pang-aawat ni Bayron bago paupuin si Perry sa sasakyan nung apat ulit.

Ang apat ay tila ba nagtataka at namamangha sa mga nakikita kung kaya't ang pagsasalita ay para bang na-banned sa kanilang mga katawan. Nilapitan naman sila nung lalaking kasama ni Bayron.

"Thank you for helping her" seryoso ang tono nito bago naglabas ng pera at calling card. "This will be your reward. And here, call me if its not enough" sabi pa nito. Mukhang nainsulto naman si Zafirah sa sinabi nung lalaki.

"We don't need it, jerk. We have tons of that. And what? Reward? Pag tumulong kailangan may reward? Hindi ba pwedeng bukal sa puso yon?!" Nanggigigil na sabi ni Zafirah.

Inaawat siya nung dalawa habang si Triton naman ay nakatingin sa ginagamot na babae at kasalukuyang nag-iisip. Hindi pa rin kasi nagpoproseso sa utak niya ang mga nangyayari ngayong araw.

"Do I really need to answer your--" naputol sa pagsusungit ang lalaki nang tawagin siya ni Perry.

"Zeus, let's go!" Tawag niya at muling sumulyap kay Triton. "I have finally a thing to be scared of"  sa isip-isip niya.

Dreams Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon