Kabanata 4

6 0 0
                                    

Chapter 4: Reigan

Lahat ay nakatingin sa nakangiti niyang mukha at nang marealize niyang tapos na ang palabas ay agad ring nagbago ang emosyon niya. Fierce niyang tinaasan ng kilay ang buong team. Pero ng mahagip ng mata niya si Lion ay agad na nagkaroon ng mapanuksong ngiti si Elisha.

Napansin naman niya ang paglabas ni Cougar sa headquarters nang tumunog ang cellphone nito. Gusto man niyang makiusyoso at mangialam ngayon kay Cougar ay may mahalaga pa siyang sasabihin sa kaibigang si Lion.

"Lion!" Masigla niyang tawag sa kaibigan. Si Lion naman ngayon ang napataas ang kilay. "What's with the face?" Tanong nito sabay pitik sa noo ni Elisha. Napasimangot ito sa ginawa ng lalaki.

"How dare you! Lagi mo nalang binubully noo ko." Pagrereklamo niya dito. Tinawanan lang naman siya ni Lion at naglakad na papuntang table nito. Sinundan siya ni Elisha at kinawit ang kamay sa braso ng lalaki. Nakangiti niyang kinausap ang lalaki. Yun bang ngiting may gagawing masama.

"What's your bet?" Napakunot noo lalo si Lion. "Bet in what?" Tugon nito.

"Look Lion, hindi na bago sa atin toh. And you never ask me like that before you always say your bet first before the topic," pagrereklamo na naman niya.

Tinanggal ni Lion ang kamay ni Elisha sa kanyang braso at tinignan ito. "Cause I have this intinct that you'll cross the line this time," seryoso't kalmadong saad ng lalaki.

"What if I do? Will you abandone me then?" walang takot niyang tinanong ito. Napailing iling nalang ang lalaki sa tanong nito. Isinasaad na para bang hindi niya naiintindihan ang sitwasyon.

"Fine, Its the case...I'll make him fall inlove with me and then I won't love him back so that the suicide thing won't happen." Seryoso niyang sabi at puno ng confidence siya ngayon. Tinignan naman siya ng mabuti ni Lion at sinbi sa sariling tama nga ang kanyang hinala sa bet nilang ito.

"It looks like you're not in your usual self today, El. You must rest," napapailing na sabi ni Lion at iniwan siya doon.

Gustuhin mang makiusyoso ng iba pang member ay sinamaan naman sila ng tingin ni Elisha kung kaya'y napabalik sila sa kanilang mga gawain. Sinundan naman niya si Lion na ngayon ay nakatopless na. Binatuhan niya ng face towel si Lion.

"Gross, " maarteng komento nito sa pawisang katawan ni Lion. Maganda naman ang katawan ng binata at kung tutuusin maraming babae ang gugustihing makita ito. Ngunit hindi ordinaryong babae si Elisha kung kaya't pinandidirihan niya ito.

"Inggit ka lang" sagot nito na ikinairap ni Elisha. "Whatever" ang tanging tugon niya.

"But anyway, kailangan mong pumayag sa deal dahil gusto ko ng may kaBet para naman magpursigi ako" pamimilit nito sa kaibigan. Bored siyang tinignan ni Lion.

"Anong makukuha kong kapalit naman diyan?" Panghahamon nito. Napaisip ang dalaga ngunit walang pumapasok sa isip niya.

"Kahit anong gusto mo nalang?" taas kilay nitong sabi. Napasmirk naman ang lalaki. Magkaibigan sila kahit na alam ni Elisha na may pagtingin sakanya itong si Lion. Napag-usapan nila ito noon at halos isang buwan din ang itinagal ng kanilang hindi pag uusap.

Inilapit ni Lion ang kanyang mukha kay Elisha. Hindi naman inilayo ni Elisha ang mukha niya. Hinawakan niya rin ang pisngi ng dalaga bago bumulong. "What if ikaw yung gusto ko?"

"What do you mean?" ang tanging sagot niya. Hindi siya sigurado sa iniisip ni Lion. Ngunit kung ano man ito, kinakabahan na siya ngayon sa maririnig.

"Ipagpalagay nalang natin na, magiging habang buhay kang akin? kung matatalo ka man?" Nakangiting sabi ng binata at inilayo na ang mukha. Naglakad ito papunta sa mound.

"What you're talking about? Marriage?!" Hindi inaasahan ni Elisha ang magiging kapalit o ang gustong itaya ng kanyang kaibigan. Ibang usapan na kasi ang kasal. Ito ay sagrado.

Nakangiting nagkibit balikat naman si Lion at nagpitch ng isang 2 seamer fastball. "Reigan! Are you being serious!?" Inis na sigaw nito sa totoong pangalan ni Lion. Reigan.

"Hell fvcking yes. If it will stop you from doing crazy things, I will surely do it," confident nitong sabi at muling nagpitch. Hindi na nakatiis si Elisha at nilapitan na si Reigan para hilahin papuntang dugout.

"Marriage is a fcking sacred thing and it will or should happen once in a lifetime. Don't talk about it like its just a simple thing!" Pangaral nito habang hinihila ang lalaki.

"I know. And I also know that you knew my feelings towards you, right? Kaya walang problema sakin yon. Dahil italo o ipanalo mo man ang bet, its either magkaibigan tayo o magka-ibigan. I have nothing else to lose, afterall" pagdadahilan nito.

Napatigil saglit si Elisha. Blanko siyang nakatingin ngayon sa lalaking may kandong na kahalikang babae. 'She's the legendary girl of Cougar eh?’  sabi niya sa kanyang isip. Na para bang dissapointed siya kasi sa isang mababang uri ng babae nahulog ang kanyang minamahal. Sinsabi niya sa kanyang isipan na wag nalang silang pansinin ang dalawa ngunit kahit anong kumbinsi ay hindi niya ito magawa. Nasasaktan siya kahit alam niyang wala siyang karapatan.

Mukhang hindi pa sila napapansin ng magkasintahan kung kaya't napangiti ng mapait si Elisha. 'You're a bold girl, you can't cry self please' paalala nito sa sarili. Naniniwala kasi siyang ang pag iyak ay para sa mahihina lamang at hindi siya kabilang doon.

Nagkatitigan sila ni Cougar. Makikita sa mata ni Elisha ang pighati habang nakatingin sa kanya. Hindi naman niya alam kung ano ang gagawin o kung may kailangan man siyang sabihin. Hindi maiintindihan ni Cougar ang sarili. Alam niyang mahal niya ang kasintahan ngunit bakit may parte ng sarili niya na parang gustong magpaliwanag kay Elisha.

Dahil sa pagtititigan nilang ito ay napatigil yung babae sa paghalik kay Cougar. Akmang tatawagin silang dalawa ni Cougar nang biglang halikan ni Elisha si Reigan habang matalim na nakatingin sakanya.

Ramdam ni Reigan ang inis at hinagpis ni Elisha sa halik nito. Hindi ito ang unang beses siya nitong hinalikan. Si Elisha yung kaibigan niyang galit sa pag-ibig at hindi pinahahalagahan ang mga ganitong bagay. At gustuhin man ni Reigan magalit kay Elisha dahil sa ginawang paghalik ay hindi niya magawa. Dahil kahit nasasaktan siya dito, alam niya sa sarili niyang gusto niya rin kahit mali.

Matapos ang halik na ito ay wala siyang narinig na imik kay Cougar habang yung babae naman ay panay ang pagpapacute at pangungulit dito. Hindi na nakapagpigil si Elisha.

Hinarap ni Elisha si Reigan sabay sabing, "I accept the marriage." Kahit si Reigan ay nagulat.

He didn't mean it. Ang pagsuggest ng kasal sa dalaga bilang taya ay hindi niya rin gusto. Dahil gusto niyang sa maayos na paraan niya ito papakasalan, hindi sa ganitong sitwasyon.

"El..." wala na siyang iba pang nasabi kung kaya't umalis na din agad si Elisha. Puno ng lungkot at galit ang nararamdaman niya ngayon.

Dreams Of RealityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon