Chapter 6: Captain
Hindi nalang ako nagsalita pa hanggang sa hindi ko na alam kung saan papunta tong sasakyan. Nang biglang mag buzz ang special gadget wireless earphone ko. Pinindot ko ito para marinig sila.
"TL kagulo na dito. Nasan ka ba?!" Inis na bungad sakin ni Tiger, ang ace namain.
"Bakit ba?! Anong nangyayari diyan?" bulong ko kaso mukhang hindi dinig yun. Eh paano ko naman sila makakausap ng ayos dito eh katabi ko lang si Triton oh.
"TL pakilakas. Wala akong narinig" as expected. Napasulyap naman ako sa cellphone ni Triton. Shoot! Bakit ba hindi ko naisip yun?! Antanga ih.
Agad kong hinanap yung cellphone ko. Kaso hindi ko ito makita. Shit! Ano na? Putek. Wala na akong panlusot.
"Pwede makiharam ng cellphone? Nawala ko kasi ata yung sakin, " awkward kong tanong kay Triton na busy sa pagdadrive. Wala naman niyang imik na binigay sakin yung cellphone.
Pagkabukas niya ay nagulat agad siya sa nakita. Picture niya ito kasama si Triton at nakakiss sa pisngi niya si Triton. Nagulat siya kaya hindi agad siya nakakibo at napatingin siya kay Triton.
"TL hello? TL!" Kung hindi pa siya sinigawan ni Tiger ay hindi niya mailalagay sa tenga niya yung cellphone.
"Ano bang nangyayari?" Tanong ko dito na hindi ko na binubulong. Ramdam ko ang pagsulyap ni Triton sa akin pero hindi ko na ito pinansin pa.
"Nagbubugbugan sila Cougar at Lion! Nandito din kuya Zeus mo TL pero pinipigilan niya kaming awatin yung dalawa," nangangamba niyang sabi. Naguluhan naman ako at nataranta. Hindi naman ako pwede umalis ngayon dito jusko.
"Ang tanga ah. Nanggigigil ako! Anong kalokohan na namang yan ha?! At bakit nandiyan si kuya?" Naiinis kong tanong. Konti nalang talaga at baka masigawan ko na siya.
"Mahalaga pa ba yon?! TL kailangan ka namin dito. Asan ka ba?!" Ntatarantang naiinis na rin siya. Putek baka binabagyo na ngayon yung headquarter namin dahil sa dalawang yun.
"Hindi ako makakapunta ano ba?! Narinig niyo naman siguro kanina hindi ba?! Gumawa kayo ng paraan, please?! Kung kailangan niyong bubugin si kuya gawin niyo!" I'm holding my temper pero baka maya maya lang ay sasabog na ko.
"TL naman. Malalagutan naman kami ng maaga sa pinag uutos mo eh," pagrereklamo nito. Konting konti nalang talaga.
"Eh anong gusto mo ha?! Pumunta ako diyan para ako naman yung mabugbog?!" Napapahigpit yung hawak ko sa cellphone sa inis.
"TL mahal ka nung dalawang yun, hindi nila yun gagawin," nagdahilan pa! Pinipigilan ko talagang hindi ako sumigaw.
"TL ano na?! Nasan ka na?" Hindi na ako nakapagpigil pa.
"Hindi nga sabi ako pwedeng pumunta!" Napapreno si Triton sa sigaw ko. Nasamaan ko tuloy siya ng tingin. Muntik ng masubsob yung mukha ko ha.
"Sorry" sabi nito at nagdrive na ulit.
"TL maawa ka naman sa headquarter, sirang sira na siya." Napairap nalang ako. Alam ko namang makakabili pa rin kaami ng bago. Mayayaman ata yang mga yan.
"Ispeaker mo" nawalan na ako ng emosyon.
"Okay na TL"
"Stop it. Hindi niyo gugustuhin kapag nakita kong magulo diyan" kalmado at walang emosyon ko pa ring sabi. Narinig ko ang dahan dahang pagtawa ni Lion.
"Bakit? Anong gagawin mo ha? --" naputol siya. "Ano ba?! Bitawan mo kong hayup ka!"
"Shut it Rei! Alam mong hindi maganda ang mood ko--" si kuya naman biglang nagsalita.
"Then go here. Stop that stupid bet," seryoso ring saad ni kuya.
Napangiti nalang ako ng mapait. "So yun yung rason kung bakit kayo nagkakagulo diyan? Then stop it dahil wala akong balak baguhin ang desisyon ko," balak ko na sanang patayin ang tawag naang biglang magsalita si Cougar.
"I told you, hindi siya magbabago ng desisyon kahit bugbugin mo pa ako hanggang mamatay" sabi niya ngunit hindi sa akin.
"Eh anong gusto mo? Ikasal kaming dalawa?!" Bulyaw ni Reigan kay Ramiell siguro.
"Hindi ba yun ang gusto mo?!" Balik na sigaw naman ni Ram. Narinig kong muling tumawa si Reigan.
"Sa tingin mo mangyayari yon? Ikamamatay niya muna bago kami magpakasal gago ka ba?!" Galit na sigaw ni Reigan. "Bitawan niyo nga ako!" Bulyaw na naman niya.
"Tama na, pwede ba? Kasi baka mauna pa kayo kesa sakin sa mga pinaggagagawa niyo. Kaya please? Hindi ko kakayanin kapag may nawala ni isa sa inyo. Mahigpit at mataray man ako, mahal ko pa rin kayo--" naputol ako nang biglang magsalita si Reigan.
"Mahal? Si Ram lang naman mahal mo" sabi nito na halos ikairap ko na. Narinig ko ang pagbukas at pagsara ng pintuan. Napakagat labi tuloy ako. Ngunit hindi pa nakakaisang minuto ay mag narinig naman akong malakas na galabog. Kinabahan ako bigla. Masama yung kutob ko sa galabog na ito.
"What happened?" Nag-aalala kong tanong.
"C-captain" mahihina nilang sabi. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. At dahan dahang lumabas ang mga luha ko. Ngunit pinatay na nila ang tawag.
Napaluwag ang hawak ko sa cellphone kaya nalalag ito. Hindi na ako nag-abala pang pulutin ito at nagpatuloy nalang sa pag iyak. Ramdam ko ang pagsulyap sulyap sa akin ni Triton ngunit wala akong narinig sa kanyang kahit ano.
Huminto siya sa tapat ng isang gate. Agad kong pinunasan ang luha ko at pinilit na ngumiti sa kanya. Nauna siya bumaba at pinagbuksan ako ng pinto. Inalalayan niya akong makalabas bago binuksan ang gate.
"Nasaan tayo?" Tanong ko dito habang hinahaplos ang mga bulaklak na madadaanan. Wala akong nakikitang bahay so I guess garden toh?
Pero kahit anong ganda non, hindi ko maappreciate. Dahil bukod sa masmganda ako dito ay hindi mawala sa isip ko ang mga narinig kanina. Malakas kasi ang kutob kong konektado yung kalabog kay Cougar. Siya lang naman ang nag-iisang captain ng team.
"Welcome to my garden" medyo namangha ako kasi mayaman pala talaga ang taong toh para magkaroon ng ganito. "You're the second person I brought here" sabi pa nito.
Naglakad lakad pa ako para pagmasdan ang ilan pangbulaklak. "Who's the first then?" I ask while looking at the marigold here.
"Si Elisha" seryoso niyang sabi na ikinataka ko. Ano daw? Elisha? Ako ba yon? Nagkakalokohan ata kami ah?
BINABASA MO ANG
Dreams Of Reality
Teen FictionSeducting a person with two bodies? Who will he choose? The real or the other? Seduction 1 Started: April 15, 2019