22: Drown

837 29 1
                                    

Gaya nga ng sinabi ni kuya Cci ay kinabukasan ay nag handa na kami ng mga dadalhin para sa pag punta namin sa Boracay. Dinala ko na ang mga dapat kong dalhin at inilagay iyon sa likod ng kotse dahil mag kikita kita nalang kami sa airport.

Tapos naming maayos ang lahat ay nag paalam na kami sa mga magulang namin at tinahak na ang airport.

Inayos ko ang suot kong maong skirt at puting string tube top ko.

Lumingon ako sa labas at nakita doon sina Brent na may kasama ang mga kaibigan namin at isa pang babae.

"Teka kuya" napalingon sila kuya Cci at Prince saakin dahil sa tawag ko

"Sino yung isa?"

"Ahh kasama ni Brent" ngiti ni kuya Cci

Tumango nalang ako at bumaba na ng kotse

"Kaaaaaaath!!" Tili ni Badeth ng makita niya ako, lumapit ako sakanila at niyakap sila. Lumingon saakin si Brent at ngumiti, agad akong umiwas ng tingin at bumaling sa kasama niyang babae

"Letsgo?" Kuya Prince said at pumasok na kami para mag check in

Pag pasok namin ng eroplano ay agad kaming pumwesto sa mga upuan namin. Pag tingin ko sa pwesto ko ay nakita ko si Brent at ang babae sa tabi niya. Sinadya ba to? O eto talaga to?

Tumingin saakin si Brent. Napa pikit ako at lumingon kila kuya Cci and gave them a look na ayoko doon. Pero wala silang nagawa dahil ayaw nila na mag palit kami dahil katabi nila kuya si Jollo

"Uhm can I sit there?" Tanong ko sa babae na kasama ni Brent

Tumingin siya kay Brent at tinanguan siya nito "stay here sa other side nalang" saad niya sa kasama niya

"Thank you so much" i smiled at umupo na. Si Brent na nasa gitna namin and sobrang awkward!

Sinuot ko ang sunnies ko at tumingin nalang sa bintana dahil kapag lumingon ako ay magkaka tamaan kami ng mata ni Brent.

Sa likod ko ay naka pwesto sina Aljun, Badeth at kuya Kib

"Gurl keri pa?" Bulong ni Badeth galing sa likod

"Oo naman"

Ng naka tulog na ako ay may kumalabit saakin. Binaba ko naman ang sunnies ko at liningon iyon. Si Brent.

"Bakit?"

"Did I wake you up? I'm sorry. Yung food mo and orange juice" he said at tinuro ang orange juice at tinapay na nandoon

"You can have it nahihilo ako" saad ko at umiling

"You should eat then.. para pag punta natin doon ay hindi ka mahilo pa. Ayaw mo ba niyan?" He asked nakaramdam ako ng kuryenteng umakyat saakin!. Naka pikit akong umiling sa sinabi niya at hinilot ang sintido ko

"Excuse me can I have cookies instead?" Rinig ko galing kay Brent

"Pa- Kath kumain ka na I have meds here. Atleast lagyan mo ng laman yang tiyan mo"

Dinilat ko ang mata ko at sinunod nalang ang utos niya. Habang kumakain ay pansin ko ang titig niya saakin

"Here" inabot niya sakin ang gamot

"You should take a rest muna para hindi ka mahilo mamaya ha"

Tumango nalang ako at ginilid ang ulo ko sa upuan para naka talikod sakanya.

Dahil sa kagigising niya saakin ay ayun hindi na ako maka tulog kaya. Kahit naka talikod ako sakanya ay ramdam ko ang titig niya saakin. Gusto ngang lumingon pero nahihiya ako sa pag iwas ko sakanya noong nakaraang taon na gusto niya akong kausapin. Nahihiya ako lalo na ngayong may syota na siya wala na akong panalo. Sunod sunod pa ang nawala talaga. Si Dave tapos ngayon si Brent na may girlfriend na?

Teammates | Brent ParaisoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon