Nakarating kami sa restaurant at tama nga andoon sila kuya Ricci at ibang kapatid ko, kasama rin sila kuya Bryce, hindi ako nainform na may paganito sila. Magkahawak kamay kaming dumiretso sakanila,
"Finally andito na kayo" kuya Ricci sighed
Hindi pahalata kong sinulyapan ang dalawa: si kuya at si Brent. Walang halong gulo ang nasa gitna nila kahit na ramdam ang inis ni kuya Ricci kay Brent, pero bakit naman siya nag pakulo 'neto?
"Take your seat,"
Binalot kami ng katahimikan na kahit si Bruce ay naka titig lang nag aantay ng may mag sasalita samin.
I tried to fake cough. Naagaw naman nila 'yon. Ano ba gagawin naming dito? Magtititigan?
"Ku-" mabilis na naputol ni kuya Donny ang dapat kong sasabihin.
"Brent, seryoso 'ka na ba talaga?" si kuya Donny na seryoso ang mata sa pag tatanong
"'Cause you know we don't have time for playing, kung mag lalaro 'ka pa ay 'wag na ang kapatid naming ang laruin mo." Matigas na bigkas ni kuya Prince
"Kuya, please?"
"Not a bias pero Diko ano tong tinawag sakin ni mommy na you're bound to marry someone?" ngayon ay si kuya Bryce naman ang nag sasalita
Tahimik lang ang kanyang mga kapatid na babae, ni hindi makapag salita dahil siguro gulat pa sila sa narinig. I don't like this. No. Gigisahin ng gigisahin ni kuya Ricci si Brent. At ayoko mangyari 'yon.
"Okay. Can I speak?"
"No. baby, let me." Gumalaw ang adam's apple niya dahil sa pag lunok. Umupo siya ng maayos at tinitigan ang lahat bago nag salita,
Hindi 'ko alam kung tama pa ba itong katarantaduhan ng mga kuya 'ko, dahil alam kong tinatakot lang nila si Brent, at pinapaamin.
"It's my right to refuse Enrique's offer ako ang boss at hindi siya, 'yun ay ang pakasalan 'ko ang kanyang anak. Ricci, Prince, Rasheed, Donny, Bryce, Brendan, Bruce, Bernice, I'm not dumb para pakasalan ang taong hindi ko naman mahal. Anong ginagawa 'ko dito kasama si Katherine kung papayag ako sa pagpapakasal sa babaeng 'yon? Kath fought for me and ofcourse I'll fight for her kahit alam kong galit kayo sakin"
Naputol ang pag sasalita niya nang nakuha ko ang atensyon niya dahil sa pinatong ko ang aking kamay sakanyang legs.
"Baby," ako
Halakhak ang narinig namin kay kuya Ricci at Prince na agad napukaw ng atensyon naming lahat! Sinasabi ko na nga ba! Nang gogoodtime nanaman tong mga 'to!
Humalakhak si kuya Ricci "Tangina Brent! Hindi ko kinaya sobrang seryoso mo! Hindi ako sanay!" halakhak niya uli
Sunod sunod na mura ang nilabas ni Brent at agad tinuktukan si kuya. Buti nalang talaga hindi seryoso tong mga pinag sasabi ni kuya dahil pati ako mismo nagulat sa pagka seryoso ni Brent! Tanginang Ricci! Ang lakas ng tama!
"I thought kuya Brent's about to cry!" sabay tawa ni Bruce
"Enough enough, kumain na tayo"
Umilling ako sa pagkaing nilahad ni Brent sa harapan 'ko. It's kinda weird. Agad kong tinapik ang kamay ni Brent na agad niyang ikinagulat.
"What's wrong? Ayaw mo? Ano gusto mo?"
"Here shob,"
Paglahad ng strawberry cake sa harap ko ay hindi na ako nag antay pa, kumuripas na ako ng takbo sa malapit na common comfort room para dumuwal. Stinky!
"Ach, okay ka lang?" si Bernice na kapapasok lang
"I'm fine,"
Humawak ako sa ulo 'ko dahil sa biglang pagkahilo.