5 years ago when we married each other, who wouldn't believe that even though we're married he's still possessive of me! I've read some books it shows there that not all couples after marriage are still together. In short - nag hihiwalay din.
But I believed in my parents' relationship. Sila ang definition ko ng pagpapaksal. Dahil hanggang ngayon ay kitang kita pa rin ang pagmamahal sakanilang mga mata.
And i believe that Brent will be like my dad too.
"Baby, I'll go get some groceries today, may gusto ka ba? o gusto mo sumama?" Brent asked.
tiningala ko siyang kabibitaw palang kay Celeste, our 2nd baby.
He saw me stealing glances kaya binalik ko ang tingin ko sakanya "Strawberries?"
I smiled. He still knows my favorites!
"Alright, mahal. I'll be quick para ay matulungan kita dito" he said at binigyan ako ng halik saaking labi.
Ngumuso ako ng tanggalin niya ang labi niya saakin. He saw my reaction kaya ay tumawa siya. He sighed and gave another peck.
"My wife is so in love with me," proud niyang saad.
Inirapan ko siya at binalikan na si Lucian sa kwarto niya. He's now 4 years old, lumaking kamukha ni Brent! But he got my smile and eyes.
Habang wala pa si Brent ay ginugol ko muna ang oras ko para sa pag linis at pag ligo. Lalo na't marunong mag bantay si Lucian kay Celeste.
Pagkatapos kong maligo ay napansin ko agad ang sticky notes na naka dikit sa may drawer ko na katabi ng drawer ni Brent.
"Let's have a date. Ricci will come over para bantayan ang mga bata. I miss you, wifey"
Umiling ako at kinilig. Look at this man!
Brent's POV
After kong mag groceries ay pumasok pa ako sa Tiffany and Co. para bilhin ang new set of jewelries nila na nakita kong binibrowse ni Kath kagabi. It's just a random day pero gusto ko siyang idate. Iyon ang hindi namin nagawa noong estudyante palang kami. I did't had the chance to date her as us, a couple. It's past 5 kaya ay umuwi na 'ko.
Pag bukas ko ng pintuan namin ay sila Ricci at ang kanyang girlfriend ang bungad saakin. Hawak niya si Lucian habang ang girlfriend niya ay hawak si Celeste. Tignan mo nga naman itong tukmol na to, he fell inlove with his fangirl. Hindi lang in love, sobrang whipped! She's from San Beda Alabang kaya ay itong mokong na ito ay laging dumadayo. Estudyante pa e, college student.
"Tangina, bagay na bagay ah. Nako bilisan mong grumaduate gusto na niyan-"
"Ulol ka Brent, I respect her and kung kailan niya gusto..."
Tinitigan ko sila ng nakaka loko. Kita mo nga naman tong tigang na to.
"Bolero ka Ricci, kunin mo na yung groceries ni Brent. Brent akyat ka na nag aantay na si Kath sa taas.."
Walang nagawa si Ricci sa utos ng girlfriend niya, "tanginamo talaga pasalamat ka" bulong niya sakin
Umiling ako at umakyat nalang para hanapin ng asawa ko.
Ugh music to my ears. Asawa. Ko.
Pag pasok ko sa kwarto ay naka upo pa siya sa kama habang nag ccellphone. I got her attention kaya ay mabilis niyang binitawan ang cellphone niya para yumakap sakin.
She's wearing a red fitted red v neck dress na hanggang tuhod niya. And she's fuming hot! She age like a fine wine, nakaka miss ang Kath na noong sinusundo kong naka clip pa ang buhok. Now she's such a grown up. I'm so proud dahil nakita ko siya sa lahat ng iyon minus the one that I left.