Pagka gising ko ay nakita ko si Brent na nasa gilid ng aking kama! Anong ginagawa neto dito? At bakit dito siya natulog? Pumikit ako ng maisip ko ang nangyari kagabi. Punyeta! Totoo ba iyon?! Pati ang halikan na nangyari ay pumasok sa utak ko! Fuck! Napahawak ako sa sintido ko at bumaling kay Brent na nasa gilid ko. Payapa siyang natutulog sa sofa habang naka yakap sa paborito kong unan na regalo saakin ni Kuya Cci. Gumalaw siya at onti onting dinilat ang kanyang mata! Agad akong tumalikod at nag talukbong ng kumot.
"Goodmorning.." saad niya. Naramdaman ko ang pagka lubog ng aking kama at ang yakap na dumalot saakin
"Brent...?" Tawag ko habang naka talukbong pa din sa kumot. Nahihiya akong makita niya na namumula dahil oo! Ramdam na ramdam ko ang pag init ng aking pisngi. Kahit nawala siya ay siya pa din ang hinahanap ko at ngayon segurado na ang puso ko. Onti onting may nag tanggal ng kumot ko. "Why are you hiding?" Ani niya at sinundot sundot ang pisngi ko.
"I thinj you should go out na bago pa tayo mahuli nila kuya" naupo ako at nakaramdam ng hilo dala siguro ng alak na ininom ko kagabi. Naramdaman ko ng may nag lalakad sa pintuan ng aking kwarto. Agad na nag bukas ang door knob nito at iniluwa si kuya Ricci
"Aba! Pango ka! Anong ginagawa mo sa kwarto ng kapatid ko?!" Sigaw ni kuya Ricci kay Brent at hinila ako paalis sa tabi niya
"Alam mo bang kanina ka pa hinahanap hanap ng mga kasama mo sa kabila? Aba! Brent wag mo sabihin dito ka natulog?" Nag tinginan kami ni Brent at si kuya namang tumingin saakin, oh no. "Katherine Louise?!"
"Yes kuya?...dito siya... na..t-tulog opo pero hindi kami tabi! Promise! believe me! Sa sofa siya natulog!"
"Eh bakit kayo magka tabi kanina? Magkayakap kayo! Kitang kita ko! Brent gago ka ang sabi ko hahayaan kong mag usap kayo! Hindi ko sinabi na matulog ka dito!"
"Cci nag usap na kami kagabi. Sobrang nalasing si Kath kagabi, hinatid ko siya dito at promise hindi ko ginalaw ang kapatid mo. Alam mong malaki ang respeto ko sa kapatid mo. Mahal ko si Kath. Alam mo yan Cci kaya hindi ko magagawa sa kapatid mo 'yon" explain ni Brent at tumingin sakin. Binasa ko ang bawat tingin niya saakin at hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nito o sadyang sobrang lakas ng tibok ng puso ko kaya hindi ko maintindihan! Kagabi? Nag usap kami? Ano? Ang tanging naalala ko lang ay yung halik at ang pag sabi niya saakin na mahal niya ako. Wala ng iba! Wala ng usap usap!
"Okay. Pero ano yung sinabi ni Bettina kanina sa breakfast na kayo daw?" Si kuya
"Wait! Brent sabi mo mahal mo 'ko? Why did she even called you 'babe' kahapon? Liar! I'm taking back kung ano man ang sinabi ko sayo kagabi!" Napatingin ako sakanya at nag taas ng kilay. I hate him! Sinungaling! May Bettina siya tapos sasabihin niya na mahal niya ako? Ano to joke time? Napa hawak siya sa bewang niya at napatingin saakin. Bumaling ako sa kama at biglang naalala ang sinabi ko sakanya na dito siya matulog! Tang ina! Ginawa ko ba 'yon?!
"Omaygad! No! I'm taking back kung ano ang nasabi ko sayo! I don't love you!" Saad ko sakanya. Kunot noo tumingin saakin si kuya. Si Brent na gulong gulo
"Kath.. Inexplain ko na ang lahat saiyo kagabi. Hindi kami ni Bettina. You know I cant resist you. Kath. Mahal na mahal kita alam ng kuya mo yan" saad niya. Biglang nag sink in lahat saakin ang kagabi! Lahat lahat!
Tunalikod ako at pumasok sa isang common comfort room. Tang ina! Totoo ba to? Sobrang gulo ng buhok kong humarap kila Brent? Omaygad! Sobrang nakakahiya ako! Sobrang kadiri ng mukha ko!
Agad akong naligo at sumulyap ako sa labas ng aking kwarto at nakita si Brent na naka upo pa din saaking kama. Lumabas ako at naagaw ko naman ang atensyon niya. Tumingin lang siya saakin habang kumukuha ako ng aking damit.