Isang linggo akong hindi pumasok sa trabaho kahit hiyang hiya na ako kay kuya Rasheed pero pinangako 'ko naman sakanya na babawi ako. Sa isang linggong 'yon ay isang linggo ding nasa amin si Brent pero hindi ko siya nilalabas. Sila kuya lang ang nakaka usap niya maliban kay kuya Ricci
Kasabay pa ng paso ko ang pagkakaron ko ng lagnat. Malas.
Nasa kwarto lang ako ngayon dahil andiyan sa labas si Brent, sige nga paano ako kakain, pango? Pilitan akong nilalabas ng nanay ko para kausapin si Brent pero nag eend up nakakasalubong lagi si kuya Cci kaya hinihila niya ako uli papasok ng kwarto.
"Anak kausapin mo na si Brent. Paano kayo maayos? Sige na babain mo na," utos ni mommy na kapapasok lang sa kwarto ko
"Mom wag mo na pilitin si Kath ku-"
"Paano papayag lagi mo tinatago? Ricci anak let them talk." Matamaang sinabi ng nanay ko
"Paano ko papayagan mommy eh may kasama nga dibang babae? Wala pa nga silang dalawang buwan nag loloko na?" Si kuya Ricci
Napasapo ako at tumayo na para bumaba, okay. Kakausapin ko si Brent.
"I'll talk to him,"
Bumaba ako at nakita siyang naka upo sa sofa namin katabi sila kuya Donny, tumayo siya at lumapit sakin para yakapin.
"Baby, sorry please? 'Wag mo 'ko iiwan," bulong niya habang mahigpita pang nakayakap saakin.
Badly. Sadly. I wanna hug him too. Miss na miss ko ang Paraiso ko, pero kailangan makita niyang matapang ako, na kahit sa loob ay sirang sira na ang puso ko.
"Okay-o-kay. Move, we'll talk."
Umalis ako sa tabi niya at dumiretso sa library ng bahay namin, hindi masyadong nagagamit ang library na 'to dahil sa naging busy na ang lahat. Pero dito ako madalas kapag wala sa kwarto.
"Baby..." malambing niyang boses
Taas noo ko siyang nilingon ng naka upo na ako sa sofa, tumayo siya sa harap ko at kinuha ang magkabila kong kamay. How can I resist this gwapo? Suot niya ang itim na slacks at puting polo na long sleeves na nakatupi ang hanggang siko.
Hinawakan niya ang noo ko, "Okay ka na?" Mabilis ko namang hinawi iyon
"Oo."
Umupo siya sa tabi ko. "Haaay. I'm really really really sorry. Naging busy lang ako dahil kailangan kong ayusin ang partnership namin sa mga Erinque. They requested me to marry-"
Nanlaki ang mata ko at parang pinana ang puso ko SA SAKIT na nadinig ko. Is he really serious??
"What do you mean? Makikipag hiwalay ka sakin? Dinadahan-dahan mo na hindi ako kausapin para makipag hiwalay ka sakin?" Nabutas ang boses ko, hinahayaang tumulo ang luha ko.
"No baby no, hindi ko gagawin iyon. Kaya nga nakipag usap ako sakanya noong nakita mo kami, i told her na 'wag na ako ipursue kasi, ikaw yung mahal 'ko."
Mabilis akong umirap sakanya at tinago ang mukha ko sa magkabilang tuhod ko.
Hindi nga niya gusto, e, kung gusto siya? May magagawa ba? Lalandi lalandi iyong babaeng 'yon sakanya! Mga alagad talaga ng ahas!
"Hey pands," agap niya at itinaas ang mukha ko.
Kung tutuusin mukha akong kawawa ngayon! Sobrang gulo ng buhok, maga ang mata sa kakaiyak.
"Ayoko!!" Sigaw ko sakanya
"Baby.. promise wala akong iba-"
"Eh bakit hindi mo ko tinext? Kasi ano? Busy ka makipag LUNCH sa kabit mo?"