DK. 01

881 41 3
                                    

DISCLAIMER:

This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, locales, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner.

Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

-

Short story |Fanfiction

Status:

C O M P L E T E D
-

Playlist:

Marry your daughter
- Brian McKnight

I swear
- All 4 One

---

01:

"Bro! Ano? Tuloy tayo sa Regan's mamaya? Manlilibre raw si Nigs." Sabi ng kaibigan kong si Marcus. Kakatapos lang kasi ng klase namin at pakiramdam ko ay sobrang natuyot ang utak ko.

"Pass muna, bro. Hanggang five pm pa 'yung klase ni Kisses. Hihintayin ko kasi siya." Sabi ko.

"Grabe, bro. Ang tagal mo nang hindi sumasama sa mga lakad, ah?" Ani Marcus habang sinasabayan ako sa paglalakad papunta sa tambayan. Doon ko kasi balak hintayin ang girlfriend ko.

"Nag-basketball tayo last weekend." Paalala ko sa kaniya. Alam ko naman na 'di na ako katulad ng dati na G sa lahat ng lakad. Syempre, sa ngayon, may change of priorities na. Ehem.

"Oo nga pero sa mga lakad, 'di ka na sumasama."

Mukhang masama na talaga ang loob sa 'kin nitong lokong 'to, ah?

Natatawa akong inakbayan siya. "Bro, alam kong iba na 'yang nararamdaman mo para sa 'kin. Pero may Kisses na kasi si Donny."

Malakas niyang sinapak ang braso ko. "Lumayo ka nga sa 'kin at kinikilabutan ako sa 'yo!"

Natawa ako ulit ng malakas. "Galingan mo sa pagtago niyang feelings mo sa 'kin. Malakas pa naman makaramdam si Kisses. Bahala ka, ikaw din. Baka ilayo niya ako sa 'yo. Syempre susundin ko siya. Boss ko 'yun, eh. Mawawalan ka na ng mga nakaw na sandali kasama ako." Patuloy kong pang-aasar. Wala lang. Gusto ko lang talaga kalimutan ang exam kanina na mas mataas pa ang probability na bakla nga si Marcus kesa sa makapasa ako.

"Alam mo, bro? Akala ko kailangan ko pang mag-confess sa 'yo. Ramdam mo na pala?" Biglang sabi ni Marcus. Seryoso siya.

Seryoso siya?!

Agad akong napalayo sa kaniya at 'di makapaniwalang tumingin sa kaniya.

"O, 'di ba? Alam mo na kung gaano nakakakilabot mga sinasabi mo?" Natatawa niyang sabi bago ako iniwan na nakatanga pa rin sa kinatatayuan.

Loko 'yun, ah?!

Napapailing na nagtuloy ako sa tambayan. Naisip kong ibili si Kisses ng chocolates kasi alam kong stress din 'yun dahil sa exam niya. I know she'll ace her exam. Sobrang talino kaya ng girlfriend ko na 'yun! Nakaka-proud!

Napatigil ako sa paglalakad nang may humarang na babae sa 'kin.

"Yes? Can I help you?" I asked her.

For The Love Of Donny |√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon