This is the final chapter. Thanks for reading. ❤
10:
Nasa mood ako ngayon na parang gusto ko nang mag-quit sa trabaho. Siguro dahil sa pagod na nararamdaman ko ngayon. Ilang linggo na rin kasing nako-consume ng trabaho ko ang halos buong araw ko.
Pero hindi pwede. Paano na lang ang future? Dapat nga magpasalamat pa ako na ay trabaho ako, eh. Hirap kayang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon.
Bago ako umuwi ay dumaan muna ako sa isang fast food chain para makapag-take out ng pagkain. Dun na ako sa Pizza Hut tumungo dahil naalala kong nabanggit ni Misis (naks, tatlong buwan na ang nakalipas nung kinasal kami pero kinikilig pa rin ako) kahapon na nag-ke-crave raw siya sa pizza. Alam kong medyo nagtatampo na 'yun dahil nga sa kaabalahan ko sa trabaho pero buti na lang at sobrang understanding niya. Ayun, 'di pa rin naman ako hinihiwalayan.
Maluwang ang ngiti ko pagkauwi, pero wala akong Kisses na nadatnan sa sala.
Nakakapagtaka.
Araw-araw kasi ay sinasalubong ako ni Kisses. Gustong-gusto niya raw ang feeling na maging isang ulirang housewife. Sus. Ayaw nga niya mag-resign dun sa trabaho niya. Pero syempre, I promised to support her in whatever she wants to do in life.
Pumunta ako sa kusina para ilapag ang dalawang box ng pizza na binili ko. Wala pa rin si Kisses.
"Love?" Tawag ko sa kaniya, sapat para marinig sa buong kabahayan. Hindi naman kasi kalakihan ang bahay namin ni Misis. Sakto lang para sa isang mag-asawa na may tatlong anak at namumuhay ng masaya.
I checked our room. No Kisses.
The other rooms? Still, no Kisses.
Sa mga banyo? Wala pa rin.
Study room? Still, no Kisses.
Okay. Medyo kinakabahan na ako. Wala naman siguro akong mababasa na letter na nagsasabing nag-alsa-balutan na siya 'di ba?
Dun ko napansin ang isang nakatuping bond paper sa may bedside table.
Habang napapalunok ay binasa ko 'yun.
Para sa magaling kong Mister,
Hindi ko alam kung mababasa mo ba 'tong sulat ko or mapapansin mo ang nawawala kong presensya. Bahala ka sa buhay mo!
Doon muna ako kina Riva. Sunduin mo na lang ako 'pag may oras ka na'ng maibibigay sa 'kin. Kung wala pa rin, mag-break na tayo at 'yang trabaho mo na lang ang pakasalan mo!