Isang hingang malalim.
Ah. Tapos na naman ang isang araw. Napangiti ako ng maluwang at excited na kinuha ang cellphone ko para makausap ang love ko.
Miss ko na talaga siya. Sobrang busy kasi namin pareho sa trabaho kaya halos limang beses lang kami magkita sa isang linggo.
Oo. Hindi pa sapat 'yun.
Gaya nga ng nasabi ko, medyo clingy talaga ako. Kailangan palagi ko siyang nakikita para ma-energized ako.
I-da-dial ko na ang number ni Kisses nang may tumawag sa pangalan ko.
"Donny?"
Napalingon naman ako syempre. Kaso wrong move.
'Yung pinsan pala ni Nigs. Si Trisha.
"Ui. What's up." Bati ko naman. Ilang taon na rin naman ang nakalipas. Hindi naman siguro ganun katindi ang naging kamandag ng kagwapuhan ko sa kaniya, 'di ba? Ehem.
"I'm fine. Nag-wo-work ako dyan sa may hotel malapit. Kumusta ka na? Pwede ba tayong mag-dinner? Catch up lang..." Nakangiti niyang sabi.
Teka. Close ba kami para kailanganin ang catch up?
Alanganin akong ngumiti. "Naku, okay lang naman ako. Nag-ta-trabaho na. Gwapo pa rin naman." Biro ko. "Higit sa lahat, mahal pa rin si Kisses at mahal pa rin ni Kisses." Doon ako tuluyang napangiti. 'La, eh. Sarap kaya sa pakiramdam na mahal ako ng mahal ko. Gusto kong ipagsigawan sa mga tao'ng single. Biro lang. 'Di naman ako ganun ka-brutal.
Medyo nakahinga ako ng maluwag nang tumawa siya. Mukhang naka-move on na nga! Buti talaga.
"Alam ko naman 'yun. Follower mo 'ko sa IG, eh. Araw-araw yata ang post mo na may hashtag May Kisses na si Donny." Natatawa niya pa rin na sabi.
Natawa na rin ako. "Ganun talaga. Sobrang mahal ko, eh."
Napataas ang kilay niya. Naalala ko tuloy si Kisses. Miss ko na talaga 'yung labidabs ko. Hindi kaya nakakabastos kung magpapaalam na ko dito kay Trisha? Sapat naman na siguro 'yun para sa catch up.
"Walang forever. Baka mamaya sa 'kin pa rin bagsak mo." Biro niya.
Well, tingin ko naman biro lang talaga ang sinabi niya?
"Naku, 'wag ka nang umasa Trisha. Nanunuot sa buong pagkatao ko ang pagmamahal ko kay Kisses. Tsaka may forever." Nakakabading naman 'tong topic pero kailangan ipaglaban. "Kami ni Kisses, pang-forever, pang-lifetime o kung ano man yan. Hindi ako papayag na hindi."
"Aww. Love." 'Ika ng boses sa likod ko.
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Kisses at mas lalo akong napangiti nang maramdaman ang yakap niya mula sa aking likuran.
"Hi, Trisha." Bati niya habang nakayakap sa 'kin. Ui, possessive.
Iba din talaga 'tong girlfriend ko, eh. Ramdam niya yata 'pag lumalapit si Trisha sa 'kin.
"H-Hi, Kisses." Bati pabalik ni Trisha. "S-Sige, mukhang may pupuntahan pa yata kayo... Mauna na ako." Paalam niya rin agad.
Tumango lang ako kaya si Kisses na ang sumagot. "Yup. Mag-de-date kami. Ingat ka, Trisha."
Nang tuluyan nang makaalis si Trisha ay nilingon ko si Kisses. I wrapped my arms around her. "Miss you." Sabi ko sabay halik sa kaniya. Saglit na halik lang naman. Sarap.
"Miss you, too." Nakangiti niyang sabi nang maglayo ang labi namin.
Ramdam ko pa rin 'yung magnet ng labi niya. Hinahatak ulit ako. Aba'y magpapakipot pa ba ako? Syempre hinalikan ko ulit siya. Ramdam ko ang pagngiti niya kaya natawa ako nang tapusin niya 'yung halikan namin.
"PDA much?" Ani Kisses.
"PDA? You mean, Puso ni Donny Asa'yo?" Banat ko. Wala lang. Maitawid lang ang PDA. Tsaka totoo naman 'yun. Napangiti ulit ako nang matawa si Kisses. Lakas talaga ng tawa niya. Siguro dahil sa ka-corny-han ko.
Nang humupa ang tawa niya, "I love you." Sabi niya all of a sudden. Gustung-gusto ko talaga 'pag sinasabi niya 'yun randomly.
"I love you, too." Sabi ko sa kaniya at panatakan siya ng halik sa noo.
Makapag-isip pa nga ng mga ka-corny-han.
•••
"Love, curious lang ako. Nararamdaman mo ba 'pag lumalapit sa 'kin 'yung si Trisha?" Tanong ko habang kumakain kami ng fishball, kwek-kwek at kung anu-ano pang street food.
Natawa si Kisses at bahagya akong siniko. Pero masakit 'yun, ah. Ang tulis kaya ng siko niya!
"Baka deep inside nararamdaman ko?" Sagot niya. "Pero pupuntahan naman talaga kita ngayon, eh. Maiba lang. Ikaw kasi ang laging sumusundo sa 'kin, eh. Gusto ko rin mag-effort for you."
"Naks, sweet talaga ng girlfriend ko." Sabi ko at saka kinagat ang balikat niya dahil sa kilig. "Pero 'di ka naman nagselos o ano?"
She looked at me. "May dapat ba akong ika-selos?"
"Aba'y wala!" Sagot ko kaagad. Bakit ba kasi nagtanong pa ako ng tungkol dun? Hay. Wrong move again. Lagi ko kasi talagang inaalala 'yung nararamdaman ni Kisses, eh. Ayoko 'yung nasasaktan ko na pala siya ng hindi ko pa alam. Sobrang gago lang ng ganun..
Kisses pursed her lips. Sarap halikan. "Hindi naman ako nagselos. Mukha rin naman na naka-move on na s'ya sa 'yo."
"Akala ko ang isasagot mo ay dahil pinagkakatiwalaan mo 'ko at alam mong ikaw lang ang mahal ko." Kunwa'y tampo kong sabi.
She pinched my cheeks. "Automatic na 'yun, love!" Aniya. Bigla siyang ngumuso. Jusko. Ang cute lang! "Pahingi pa ng kwek-kwek."
Natigil naman ako. 'Yun lang. Iisa na lang ang kwek-kwek sa plastic cup ko. Bitin nga, eh.
"Love, please?" Sabi ni Kisses tapos may pa-puppy eyes pa.
Wala na. Sige na nga. Mahal ko naman, eh.
"Okay, love." Tinusok ko 'yung kwek-kwek gamit ang stick ko at inilapit sa bibig niya. Masaya naman niya 'yung sinubo. At dahil hiningi niya ang kwek-kwek ko, nanghingi rin ako ng halik sa kaniya.
Ganun talaga! Hashtag Galawang Donny.