DK. 07

410 27 0
                                    

"Ay maaga'ng nag-out si Kisses, eh." Sabi ni Riva nang tawagan ko ito para magtanong tungkol kay Kisses.

Kanina ko pa kasi siya tinatawagan para ipaalala na 'wag niyang kakaligtaan ang kumain pero hindi niya sinasagot ang tawag ko.

"Bakit daw?" Nag-aalalang tanong ko. Ngayon lang nangyari 'yun. 'Yung maaga'ng mag-out si Kisses.

"Masama raw ang pakiramdam, eh." Sagot nito.

Mas lalo akong nakaramdam ng pag-aalala. Nagpasalamat ako kay Riva tsaka pinuntahan ang boss ko para makapagpaalam na kung pwede ay mag-e-early leave ako. Buti at mabait si boss kaya pinayagan ako.

Mabilis kong pinasibad ang kotse ko patungo sa bahay nila Kisses. Ang alam ko, wala ang parents niya dahil umuwi ang mga ito sa Masbate para yata sa business nila.

Pagkarating ko kila Kisses ay pinagbuksan ako ni Manang Wilma ng pintuan.

"Manang." Bati ko sabay mano sa kaniya. "Si Kisses po?"

"Aba'y nasa kwarto niya. Nilalagnat." Sagot ni Manang kaya napatakbo ako sa kwarto ni Kisses.

Binuksan ko 'yun at nadatnan siyang natutulog. I sighed. Medyo kinakabahan ako kasi grabe lagnatin si Kisses. Ilang beses ko na siyang nakitang nilagnat at grabe talaga. Tapos wala pa ngayon sila Tita Carrie. Si Tita talaga ang may alam kung paano alagaan si Kisses 'pag ganitong may sakit, eh.

Saglit akong bumaba ng kusina para kumuha ng maligamgam na tubig.

"Manang, nakainom na po ba ng gamot si Kisses?" Tanong ko habang hinahanda ang tubig.

"Oo. Pinakain ko kaninang pagdating saka pinainom ng gamot. Mamayang alas-cinco ang inom niya ulit." Sagot ni Manang. "Mag-merienda ka muna?"

"Mamaya na po siguro, Manang. Pagkagising na ni Kisses."

Nagpaalam na rin ako kaagad pagkatapos kong maihanda ang maligamgam na tubig sa may basin.

Lumapit ako kay Kisses at kinuha ang nakatupi na towel sa noo niya. Muli ko 'yung nilublob sa tubig saka piniga at muling inayos sa noo niya.

Napansin ko ang digital thermometer sa bedside table. Kinuha ko 'yun at inalam ang temperature ni Kisses.

39°C.

Shit.

Bigla siyang umungol ng mahina at napansin kong medyo nanginginig siya. Agad kong tinawag si Manang kasi sobrang kinakabahan na ako.

"Kisses, love?" Masuyo kong tawag sa kaniya habang binabalutan siya ng isa pang blanket.

She's breathing heavily. Mukhang tulog siya pero tuloy pa rin ang mahinang pag-ungol.

"Manang, nasabi n'yo po ba kila Tita Carrie na may sakit si Kisses?"

"Oo, hijo. Uuwi sila agad. Pero mamayang gabi pa ang nakuha nilang flight." Ani Manang. "Kukuha lang ulit ako ng maligamgam na tubig."

Tumango ako at muling bumaling sa girlfriend ko. Ginaw na ginaw siya. Kinakabahan talaga ako 'pag ganito. Ako na lang sana ang nilagnat. Lagi ko 'yung naiisip 'pag nagkakasakit siya. Mas kaya ko pa kasi 'yun kesa 'yung ganito na nakikita ko siyang nahihirapan.

Inalis ko ang malaking teddy bear sa tabi niya. 'Yun pa 'yung regalo ko sa kaniya nung first monthsary namin. Buti pa 'tong si DK (name ng teddy bear), laging katabi ang Kisses ko.

Pagkaalis sa higanteng teddy bear ay humiga ako sa tabi ni Kisses at saka siya niyakap. Sobra na rin akong na nagpa-panic talaga kaya tinawagan ko 'yung kaibigan kong doctor.

"Donny, p're?" Bungad ni Harry.

"Bro, pwede ka bang pumunta dito kila Kisses? Inaapoy siya ng lagnat." Napatigil ako sa pagsasalita nang gumalaw si Kisses. Mas hininaan ko ang boses ko. "Alam mo naman kung gaano kalala lagnatin ang girlfriend ko, 'di ba?"

Tuwing lalagnatin kasi si Kisses ay ito ang tinatawagan ko. Mas napapanatag din talaga ako 'pag may doctor na titingin sa kaniya.

"Sige, p're. May isang oras akong bakante. Punta ko dyan."

Nagpasalamat ako at saka tinapos na ang tawag. Mas hinigpitan ko ang yakap kay Kisses.

I whispered a prayer. Sana mawala na agad ang lagnat niya. Ako ang aatakihin sa puso kapag ganito, eh.

Ilang sandali pa ay dumating na si Harry. Agad niyang tiningnan ang kalagayan ni Kisses. Nakahinga ako ng maluwag nang sabihin niyang bumaba na ang temperature ng girlfriend ko.

"Gaya ng dati, p're." Aniya sabay abot sa 'kin ng note ng mga gamot na dapat ipainom at ilang bagay na dapat gawin. Nasa wallet ko pa nga ang binigay niya dati.

Nagpaalam na rin siya agad kasi nga may rounds pa daw siya. Ngayon ko talaga pinagpapasalamat na may kaibigan akong doctor. Maloko rin kasi 'yung si Harry.

Nag-text ako kay Tita Carrie at Tito Gilber ng updates tungkol kay Kisses. Baka nasa airport na sila sa mga oras na 'to.

Nang mag-alas-cinco na ay sinabihan ako ni Manang Wilma na gisingin na si Kisses para makainom ng gamot. Nagdala rin si Manang ng mainit na sabaw para mainitan si Kisses kahit papaano.

"Kisses, love... Gising ka muna." Marahan kong niyugyog si Kisses.

Nagising naman siya pero halata pa rin ang antok. Gustuhin ko man na hayaan muna siyang matulog, pero kailangan pa niyang uminom ng gamot para gumaling na siya. Baka 'di ko na kayanin 'pag nagtagal pa siyang ganito.

"Love..." Mahina niyang sabi.

Inalalayan ko muna siyang maupo. Dinama ko ang noo niya at medyo nakahinga ako ng maluwag kasi feeling ko ay bumaba na kahit papaano 'yung body temp niya. I wrapped my arm around her shoulder and let her leaned on me.

With my free hand, I feed her. "Humigop ka muna ng mainit na sabaw."

"Uh-hmm."

I kissed the side of her head. "Do you feel any better?"

"Yeah. Sorry for worrying you." Aniya at mas sumiksik pa sa 'kin. "Baka mahawa ka."

"Kung pwede nga lang na ilipat mo sa 'kin, eh." Sabi ko sa kaniya. Hindi pa rin kasi ako gaanong panatag. Mas mataas pa rin kasi sa normal ang temperature niya. Sobrang putla pero mamula-mula pa siya. Basta ganun ang itsura niya. Ang sakit lang lagi sa puso 'pag nakikita ko siyang ganito.

"Tss. Ayaw ko naman na magkasakit ka." Nakanguso niyang sabi. Kahit kailan talaga, 'di mawawala ang ka-cute-an niya!

"Inumin mo 'tong mga gamot na 'to." Sabi ko pagkatapos niyang kumain.

"Libre mo ko ng pizza 'pag galing ko, ha." Nakalabi niyang sabi.

I chuckled and nuzzled my nose on her neck. Ang init ng balat niya!

"Basta pagaling ka, love. Kahit ilang box pa." Nakangiti kong sabi.

She giggled and gave me a kiss on my cheek. "Thank you for always taking care of me."

Kahit sobrang nakaka-panic na halos atakihin ako sa puso sa tuwing magkakasakit siya, I still always love the feeling of taking care of her.

I want to take care of her.

For the rest of our lives.

For The Love Of Donny |√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon