"Dude, ano? Okay na?" Tanong ko kay Marcus na siyang nag-set up ng kunwaring trail na dadaanan ni Kisses mamaya.
Kinonsulta ko kasi ang dalawang kaibigan kong itlog para sa wedding proposal ko kay Kisses. Damang-dama ko na din kasing naiinip na ang love ko. Aba. Anim na taon na nga naman kaming nagmamahalan. Pam-pito na nga pala ngayong araw.
"Oo, dude. Okay na lahat. Basta hudyat mo na lang mamaya 'pag bubuksan na 'yung mga ilaw." Aniya.
Huminga ako ng malalim at saka nilibot ang paningin. Napatango ako sa nakita. Maganda ang kinalabasan. Matutuwa si Kisses nito.
Nandito kami ngayon sa roof, kung saan kami nagsolo ni Kisses nung gabi ng graduation day namin nung college. Pinuno talaga namin ng ilaw 'yung paligid. Hindi ko kasi alam kung magugustuhan ni Kisses ang ka-corny-han v. 2.0 ko kaya sabi ni Iñigo ay idaan na lang daw sa ilaw. Loko talaga.
Bale mula sa pinto ng pa-rooftop, may trail kaming ginawa. May sign na Road to forever sa may bungad. And there are pairs of lightbulbs on both sides of the trail that will be lighted pair by pair with every step of Kisses later.
Then, mag-pe-play 'yung ni-prepare kong flashback movie. Tapos bam! I'll ask her the question that will put a period of our what ifs.
"Punta lang akong CR, dude. Basta ha, after five minutes, tatawagan n'yo siya saka n'yo dadalhin dito." Bilin ko sa kanila.
"Oo na. Pasalamat ka't birthday mo, dude." Nakaingos na sabi ni Marcus.
"Sus. Oo na. Sige. 'Yung plano, ha!" Bilin ko ulit saka nagtatakbo palabas ng CR.
Sobra akong kinakabahan na parang masusuka ako. Ito na 'yung araw na makakamit ko ang pangarap ko. Ang oo ng pinakamamahal ko.
Sobrang espesyal lang ng araw na 'to. Bukod sa birthday ko na, 7th anniversary pa namin ni Kisses. Talagang 'yung oo at kasiyahan lang ni Kisses ang gusto kong birthday gift today.
Habang nakatitig sa salamin ay napangiti ako. Grabe. Sobrang pinagpala talaga ako ni Lord sa lahat ng aspeto ng buhay ko. Hindi naging madali ang mga pinagdaanan ko - namin ni Kisses but everything is worth it.
Kinuha ko ang cellphone ko. Kanina pang umaga ang huling text niya. Binati niya lang ako ng happy birthday. Medyo kinakabahan ako kasi ang lamig ng dating! Hindi naman siguro nawala ang pagmamahal sa 'kin ni Kisses sa loob ng halos isang araw?
Napa-kunot noo ako nang makatanggap ng tawag galing kay Riva.
"Hello, Riv?"
"Donny! Si Kisses!" Nagpa-panic na sabi niya. Para namang nahulog ang puso ko.
"B-Bakit? Anong nangyari sa kaniya? Nasaan siya?!" Nanginginig kong tanong. Shit. Wala naman sanang masamang nangyari sa kaniya!
"Basta puntahan mo na siya dito! Hindi ko na alam ang gagawin ko!"
Sinabi ni Riva ang address kung nasaan sila saka tinapos ang tawag. Papalabas na sana ako ng CR para puntahan si Kisses nang 'di sinasadya ay nadulas ako.
Aray.
Shit. Nahulog sa may sink na may tubig 'yung phone ko. Oh, God! Agad ko 'yung dinampot at sinubukang i-on. Kaso ayaw talaga magbukas. Naman, o.
Bahala na!
Hindi ko na muna inisip ang cellphone ko o ang magpaalam sa mga kaibigan ko. Sobrang kabog ng dibdib ko. 'Yung tono kasi ni Riva kanina...