DK. 04

473 29 1
                                    

Kanina pa masama ang titig ko sa cellphone ko. Hindi pa rin kasi nag-te-text si Kisses. Kanina pang umaga 'yung huling text niya sa 'kin at alas-cinco na ng hapon ngayon!

Ang mas nakaka-bother sa 'kin ay ang kaalaman na kasama niya ngayon si Niel.

Si Niel na may gusto sa kaniya.

Badtrip talaga 'yung si Sir Jaguar. Talagang pinares pa si Kisses dun sa Neil na 'yun para sa internship nila? Pwede naman na ako! Dapat automatic na ako!

Ugh.

"Hui, Donny!"

Napatingin ako kay Sharlene. "Ui." Matamlay kong bati.

"Hindi ka pa ba uuwi?" Tanong niya.

"Uuwi na rin. Pero susunduin ko muna si Kisses." Sagot ko.

"Tingnan mo 'to." Sabi ni Sharlene at hinarap sa 'kin ang cellphone niya.

It was a post of Niel on IG. A picture of him and my girlfriend with a caption 'first day with my first love'

I clenched my fist. Bakit may mga tao talagang hindi kayang rumespeto ng iba? 'Yung alam na nilang committed na 'yung tao pero heto't wala silang sawa na nanggugulo?

Nagpaalam na rin agad si Sharlene. Biniro pa niya ako na mukhang may aagaw na raw kay Kisses. Asa. A-S-A.

Sumakay na rin ako sa kotse ko at saka tinawagan ang girlfriend ko. Kinalma ko muna si self. Hindi kasalanan ni Kisses na masyado siyang maganda. Alam ko naman na mahal niya ako. Ako lang.

Ilang ring pa ang nakalipas bago niya sagutin ang aking tawag. 'Di ba dapat uwian na nila? Ano kayang pinagkakaabalahan pa ni Kisses?

"Love! Kanina pa kita tinatawagan at tine-text. Nakapag-out ka na ba?" Tanong ko kaagad.

"Yeah. Pauwi na ako."

Napakunot ako ng noo sa tono niya at sa sinabi niya. "Pauwi? Susunduin kita, 'di ba?"

She sighed. "Mapapalayo ka pa kasi. Nag-alok naman si Niel na ihatid na ako kaya pumayag na rin ako."

"Nagpahatid ka kay Niel?!" Hindi ko na napigilan ang pagtaas ng boses ko. Anak ng! "Alam mo naman na may gusto 'yang lalaking 'yan sa 'yo, 'di ba?!"

"Donny." Mariin niyang tawag.

Wala na. Masyado na ang selos at inis na nararamdaman ko. "Fine. Sa kaniya ka na rin magpahatid at sundo bukas!" Inis kong sabi at saka pinatay ang tawag.

Huminga ako ng malalim, pinapakalma ang sarili. At nang kumalma na ay doon ko naisip ang ginawa ko.

Tinaasan ko ng boses si Kisses.

Binabaan ko siya ng tawag.

Ginawa ko talaga 'yun?

I groaned. Paniguradong nasaktan ko si Kisses dahil dun! Bakit ba kasi ang babaw ko minsan? Anong masama kung magpahatid si Kisses kay Niel? Ayaw niya lang naman akong mapagod pa sa pagsundo sa kaniya!

Agad kong pinasibad ang kotse ko papunta sa apartment ni Kisses. Nang malapit na ako ay natanaw ko ang girlfriend ko na nakaupo sa gutter sa may harap ng gate ng apartment building nila.

Napatayo siya nang makita ang kotse ko. I immediately climbed out of my car. Agad ko namang naramdaman ang yakap ni Kisses.

"Love... Sorry."

Si Kisses ang nagsabi nun. Siya pa ang nag-sorry. Ang gago lang ng pakiramdam ko ngayon.

I hugged her back tightly and kissed the top of her head. "Sorry din, love. Pasok na tayo sa loob. Malamig dito sa labas." Yaya ko sa kaniya. Tahimik naman siyang nagpahila sa 'kin.

For The Love Of Donny |√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon