DK. 02

585 27 2
                                    

Lulugo-lugo akong lumabas ng office ni Prof. Calumpang. She talked to me about the results of my exam. Malaki ang posibilidad na bumagsak ako. I need to take a remedial exam and ace it if I want to pass her subject course.

I took a sigh at lumakad patungo sa library.

Ginagawa ko naman ang lahat ng makakaya ko. I took BS Accountancy because of Kisses. Nakilala ko kasi siya nung mga panahon na hindi ko pa alam kung ano ang gusto kong gawin sa buhay. Tapos ayun, she's going to take BSAc kaya 'yun na rin ang kurso na kinuha ko. At first, si Kisses lang ang dahilan pero nung nagtagal, nagustuhan ko na rin ang kurso ko. Nakakaya ko rin naman pero papahirap na talaga ng papahirap ang mga subjects. At weakness ko talaga ang law-related subjects kasi mahina ako sa memorization.

I need to study harder. Ayoko naman na ipahiya si Kisses. She's one of the outstanding students in our college. Sobrang proud ako sa kaniya kaya gusto ko rin na maipagmalaki niya ako.

Natagpuan ko si Kisses sa usual spot niya. Sa bandang gilid, malapit sa aircon. Kahit stressed, napangiti pa rin ako nung nakita ko siya. Masaya lang talaga ako sa tuwing naiisip ko na 'yung magandang babae na 'yun na abala sa pag-aaral ay girlfriend ko.

"Hey, love." Mahina kong bati sa kaniya. Nilabas ko kaagad ang mga books na kailangan kong pag-aralan. I only have three days to review.

"Love, kumusta 'yung pag-uusap n'yo ni Prof. Calumpang?" Tanong ni Kisses.

"Ayun, love, nakakadurog ng puso. Pero kaya naman." Nakangiti kong sabi.

Ayoko naman kasing bigyan siya ng dagdag-isipin. Alam kong marami rin siyang mga kailangan isipin at gawin.

"Sige na. Aral ka na ulit. Magpapakadakila rin muna ako." Sabi ko sa kaniya sabay buklat sa may Business Laws and Obligations book ko.

Napatingin ako kay Kisses nang maglapag siya ng stapled bond papers sa harap ko.

"I prepared that last night." Alanganin niyang sabi. "When you told me yesterday na kailangan kang kausapin ngayon ni Prof. Calumpang, hindi ko napigilan ang sarili kong kausapin siya agad. I know I'm being nosy but I'm just worried and I know that you won't tell me kung ano man ang napag-usapan n'yo. I'm sorry about that. I, uh, jot down the possible questions for your remedial exam, too." Sabi niya at umusog palapit sa 'kin. Nanatili lang akong mangha na nakatingin sa kaniya.

She pouted. "I-pi-print ko sana pero naisip ko na baka mas matandaan mo 'pag sinulat ko kasi lagi mong name-memorize 'yung laman ng mga letters ko for you, eh. I highlighted the important terms na rin. Pero 'yung yellow highlights, 'yun ang pinaka-importante tapos 'yung sky blue highlights naman 'yung mga keywords na pwede mong tandaan." Tumingin siya sa 'kin.  "Pag-aralan mo- love? Hala. Why are you crying?" Nag-aalala niyang tanong. Doon ko lang na-realize na lumuluha na pala ako.

Sobra kasing nakaka-overwhelm 'tong ginagawa niya para sa 'kin.  Basta sobra kong na-a-appreciate ang lahat ng ginagawa niya.

Napasinghot ako at nagpunas ng luha. 'Di naman ako nahihiya na umiyak, eh. Parang naglaho lang talaga 'yung bigat na naramdaman ko kanina. Binuklat ko 'yung ginawa niyang reviewer. Pansin ko na may messages and encouragement quotations siya sa mga gilid.

"Love... 'Di mo naman kailangan mag-abala ng ganito. May exam ka pa mamaya, 'di ba?" Kaya pala mukha siyang nag-ka-cramming sa pag-re-review ngayon.

"Ano ka ba? Hindi ka abala, okay? I want to help you out. Sige na. Stop the drama and let's review na, okay?" Sabi niya. Sus. If I know naiiyak lang din 'to, eh. Ayaw niya lang talagang umiyak kasi nahihirapan daw siya makakita 'pag namamaga 'yung mga mata niya.

"Sa apartment tayo tumuloy mamaya para matulungan kita sa pag-re-review." Pahabol niya saka bumalik sa pagbabasa.

"Thank you, love." Sabi ko. Sobra akong kinikilig ngayon.

"You're welcome, love. Basta kaya mo 'yan. Ikaw pa ba? You always make me proud nga, eh. So don't you dare give up, Donato Antonio.

Shit. Mahal na mahal ko 'tong babaeng 'to.

After namin mag-lunch ni Kisses, ay hinatid ko siya sa classroom nila. Alam kong handa na ang girlfriend ko sa exam nila kasi naka-tatlong cup ng rice siya kaninang lunch. Yeah. Hindi ang good luck ko ang kailangan ni Kisses kundi ang great love niya. Foods.

Tumuloy na rin ako sa apartment ni Kisses after. Gustuhin ko man siyang hintayin kaso giniit niyang mauna na akong umuwi para mas makapag-review ako ng maayos.

Pagkarating ko sa apartment, nagtuloy ako sa kusina para humanap ng crackers. Pansin ko ang mga unwashed dishes sa sink kaya hinugasan ko muna ang mga 'yun.

Sa kwarto ako ni Kisses pumwesto para mag-aral. Langhap ko kasi ang bango niya dito sa kwarto niya. Tapos napapaligiran pa ako ng pictures niya kaya inspired talaga akong mag-aral.

Natutuwa talaga ako sa ginawang reviewer ni Kisses. Ang cute pa ng penmanship niya. May mga notes pa siya gaya ng 'Fighting love' or kaya gagamitin niya sa hugot 'yung ibang terms kaya siguradong matatandaan ko 'yun. Nagmamarka kasi sa utak ko lahat ng ginagawa niya kaya siguradong effective 'tong reviewer na ginawa niya para sa 'kin!

Hindi ko na namalayan kung ilang oras na akong nag-aaral nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang maganda kong girlfriend sa kwarto.

"Love. Kumusta 'yung exam?" Nakangiti kong bati. Namiss ko talaga siya agad!

"Hello, love. Okay naman." Sabi niya na may pagod na ngiti.

Naku. Mukhang napagod ang girlfriend ko. "Ipaghanda kita ng merienda?"

She shook her head and slumped on the bed. "Nag-take-out na ako ng pagkain. Hinugasan mo 'yung mga dishes sa sink?" Tanong niya. Tumango naman ako. "Sorry naabutan mong madumi ang kusina. But thank you."

"Wala 'yun." I guided her head on my lap and gently comb her hair. Na-re-relax kasi siya 'pag ginagawa ko 'to. Mukhang na-knockout talaga si girlfriend.

"Tulog muna ako saglit, love, ha. Nasa labas 'yung food. I'll help you review later." Sabi niya saka pumikit na.

"Rest then, love." Sabi ko. Ayun, mukhang tulog na nga. Napagod talaga.

Pinagpatuloy ko ang paghaplos sa buhok niya habang nagbabasa para sa remedial exam.

At dahil sa effort ng pinakamamahal kong girlfriend, na-perfect ko ang remedial exam at naipasa ang lahat ng subjects ko.

For The Love Of Donny |√Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon