Ilang beses nakaranas ng pagsubok ang relationship nanin ni Kisses during the internship. May mga pagkakataon kasi na kapag busy ako at libre naman siya, ay hindi ko napapansin ang mga texts at tawag niya. And vice versa.
Pero napansin ko na hindi lang kami 'yung nag-mature kundi pati na 'yung relationship namin. Feeling nga namin pati relasyon namin ay napasabak sa OJT.
Masaya naman ako sa kinalabasan ng lahat nang matapos na 'yung internship namin. Mas minahal at pinagkatiwalaan namin 'yung isa't isa. Tapos natuto kaming 'wag i-take for granted 'yung mga oras na magkasama kami. Natukso nga akong isama 'yun sa internship report ko, eh.
Mabilis lumipas ang panahon. Masaya kasi may Kisses sa buhay ko. Hindi naging smooth ang daan pero ang importante ay may nalagpasan na naman kaming kabanata nang magkasama.
"Congratulations, love!" Bati ko sa pinakamamahal kong girlfriend pagkatapos ng graduation ceremony. Tinutok ko ang video cam sa kaniya.
Sobrang proud talaga ako sa girlfriend ko. She graduated with flying colors. Cum Laude. Sana tapos na 'yung pina-print kong tarp niya. Isasabit ko sa harap ng bahay namin.
"Thanks, love! Congrats, too." She faced the camera and pouted, like waiting for a kiss. Naku. Kung wala lang ang parents namin sa paligid, baka napudpod ko ang nguso ni Kirsten Danielle Delavin soon to be Pangilinan.
"May personal videographer ka pa, anak." Natatawang sabi ni Tita Carrie kay Kisses pagkatapos ay bumaling sa 'kin. "Congratulations, anak." Bati niya.
Grabe. Hindi lang pala si Kisses ang marunong magpakilig! Pati si Tita Carrie! Anak daw. Hay. Very very soon, tita.
Tinapik din ako ni Tito Gilbert sa balikat. "Congratulations, hijo."
"Thank you po." Parents-in-law.
My parents congratulated my girlfriend as well. After ng batian ng mga magulang namin ay kinuyog na si Kisses ng mga kapatid ko. Hinayaan ko lang sila habang nakatutok pa rin ang video cam ko sa kanila.
I checked my phone with my other hand. Marami akong natanggap na mga messages. Kino-congrats ako. Mamaya ko na lang sila re-reply-an. Family first.
Magkasamang nag-dinner ang family namin ni Kisses. Masaya ako kasi parang iisang pamilya na talaga ang turingan sa isa't isa ng pamilya namin.
Sobrang ganda at interesting nga ng topic ng mga magulang namin ni Kisses, eh. Kung kailan ang kasal, kung saan gaganapin, kung ilang apo ang gusto nila atbp.
Pulang-pula na nga si Kisses dahil sa mga pinag-sasasabi nila, eh. Ako naman, syempre, ngising tagumpay. Syempre ang dami namin na ganoon ang gustong mangyari. Paniguradong papakinggan kami ni Lord.
Dadating din po tayo dyan, family. Ako ang bahala. Talagang ipagdadasal ko 'yan.
Nang matapos ang dinner ay pinaalam ko si Kisses sa parents niya. I prepared a simple celebration for the two of us.
"Ano'ng pakulo mo, ha, Donato?" Tanong niya habang papaakyat kami sa rooftop ng building kung nasaan ang condo unit ko.
I grinned at her. "Gusto lang talaga kitang masolo, love."
Aba. Buong araw kaya siyang busy sa ibang tao. Na-miss ko kaagad 'yung atensyon niya. Medyo clingy kasi talaga ako, eh.
Pagkaakyat namin sa rooftop ay tumingin ako kay Kisses para makita ang reaction niya. She looked amazed by what I've prepared for us.
Simpleng blanket lang naman na nakalatag ang nadatnan niya. May mga chips, pizza, burger at ice cream na nasa tabi. Ah. Doon siguro sa pagkain na-amaze ang girlfriend ko.
But seriously tho. Na-a-appreciate ko ang appreciation niya sa mga hinanda ko. Sincere kasi talaga 'yung katuwaan sa mukha niya. Ang sarap niyang pasayahin parati. Grabe kasi siyang magpahalaga sa mga bagay-bagay. Maliit man o malaki.
"Love! May ice cream!" Masaya niyang sabi at saka pumwesto na sa blanket.
See?
I sat behind her, placing her in between my legs.
"Thank you, love." Sabi niya sabay halik sa pisngi ko.
"Sarap naman nun. Isa pa nga." Hirit ko. Natatawa naman niya akong hinalikan ulit. "Pero, love, ako 'yung dapat mag-thank you sa 'yo."
Ayan na. Nag-iinit na ang mga mata ko.
"Huh?"
I cleared my throat. Ipinatong ko ang baba ko sa balikat niya. "Kasi, sobrang laki ng naitulong mo sa 'kin. Ang daming beses kong ginusto na mag-give up na, pero nandyan ka parati, para i-remind sa 'kin na kaya ko. Kaya kinakaya ko. Kasi naniniwala ka sa 'kin. I don't want to disappoint you."
Hinawakan niya ang kamay ko at saka nilapat sa kaniyang labi. Pakiramdam ko ay natunaw ako sa ginawa niya!
"Wala ka naman kailangan patunayan sa 'kin, love." Masuyo niyang sabi.
"Alam ko. Pero gusto ko lang din talaga na gawin 'yung best ko para sa 'yo. Para sa future natin. Kaya salamat, love. For loving me and believing in me kahit pa ang daming nagsasabi na you're too good for me."
Aaminin ko na malaki talaga ang insecurity ko. Kisses' an achiever. Ang daming lalaki rin sa university ang nagpapakita ng interes sa kaniya. Guys who are a lot better than me.
But my girlfriend is just so wonderful. Kapag nakakaramdam ako ng insecurity, isang ngiti at love niya lang, okay na. Sobrang okay na.
"Love, you're perfect for me. Okay?" She said softly. "You're the best boyfriend ever. Sobrang thankful kaya ako sa 'yo. You know how I was like. Sobrang uptight. Parang acads lang ang importante sa 'kin." She tilted her body so she can face me. "Before I met you, everything was just plain black and white for me. But then you came and taught me that there are other colors in this life, too. You've showed me not just rainbows but every color life has; be it beautiful or not. Also, you always stick with me even if everything's just too dark. And I love you. I really do." She sincerely said.
Wala na. 'Yung puso ko ay sumabog na.
"Alam mo namang mahal na mahal din kita, 'di ba?" Sabi ko sa kaniya.
Tumango naman siya. "Of course."
Kumunot ang noo ko. "Nasabi ko na ba sa 'yo na mahal na mahal kita?"
She burst out a laugh and pinched my cheeks. "Hmm. Hindi pa?" Pagsakay niya sa trip ko.
I brushed my nose against hers. "Mahal po kita."
She giggled again. "Mahal din po kita."
I raised a tub of ice cream to her. "Para sa future na magkasama?"_
She grinned and get another tub and raised it like what I'm doing. "Para sa furure ni Donny at Kisses na magkasama. Cheers!"