"Bro! Buti nakapunta ka." Bati ni Nigs pagkakita niya sa 'kin.
"Happy birthday, Iñigo boy." Nakangisi kong bati sa kaniya sabay abot ng regalo. Actually, si Kisses ang naghanda nun kasi kung ako lang? Baka bilhan ko lang siya ng dalawang piraso ng Boy Bawang.
"Nasaan ba si Kisses at nang makapagpasalamat ako?" Biro niya. O, e 'di sila na ang may alam na hindi nila ako maaasahan pagdating sa mga regalo na ganyan. Sus. Wala rin naman akong natatanggap na regalo sa kanila 'pag birthday ko! Quits lang.
"Pera ko 'yung pinambili dyan, boy." Natatawa kong sabi. "May bible study ngayon sila Kisses." Sabi ko.
"O? Dapat sumama ka sa kaniya." Sabi naman ni Marcus.
"Gago! Sa isang bukas pa 'yung sa cell group namin." Sabi ko na ikinatawa nilang dalawa. Napailing na lang ako. Alam kong medyo awkward sa kanila ang tungkol dun (at hindi ko alam kung bakit). Naisama kasi ako once ni Kisses sa may Tuesday service ng church nila. Ayun. Syempre may nabago sa 'kin. Ramdam kong meron. Hanggang sa sumali ako sa cell group para sa mga kalalakihan dun sa church. Every Wednesday night bible study nila Kisses. Friday night naman 'yung sa guys.
Natigil kami sa pag-aasaran nang may lumapit na pamilyar na babae kay Iñigo.
"Happy birthday, Inigo." Bati nung babae sabay lingon sa 'kin.
Hala. S'ya 'yung nag-confess sa 'kin nung nakaraan, ah?
"Thanks, Trish." Sabi naman ni Nigs. "O, eto nga pala si Donny. Crush mo 'tong gago na 'to, 'di ba?"
Alam ko naman na nagbibiro lang si Iñigo. Pero sinabi ko pa rin ang paborito kong linya. "May Kisses na si Donny."
Malakas silang natawa. "Oo, bro. Alam namin. Araw-araw mo yatang sinasabi 'yan." Sabi ni Marcus. "Ka-anu-ano mo, bro?" Tanong naman niya kay Iñigo.
"Pinsan ko, bro." Sagot ni Nigs at bumaling kay Trisha. "Iba na lang gustuhin mo, pinsan. Masyadong hulog 'tong kaibigan ko sa Kisses niya."
"I want his kisses, too." Nakanguso nitong sabi na nagpatigil sa 'min. Alam naman namin ang tinutukoy nitong kisses.
"You want me?" Singit ng isang boses. Ng paborito kong boses.
"Love/Kisses!" Sabay-sabay naming tawag sa kaniya.
She smiled to us. Ang ganda talaga ng girlfriend ko. As in. Parang nagniningning siya sa tuwing nakikita ko siya. She's just wearing a shirt, pants and rubber shoes pero iba talaga ang dating niya.
"Happy birthday, Iñigo. Hey, Marcus." Bati ni Kisses sa mga kaibigan ko.
Alanganin na ngumiti si Iñigo. Nailang siguro dahil sa mga pinagsasabi ng pinsan niya. "Ui, Kisses. Thanks. Sabi ng boyfriend mo, may Bible study daw kayo?"
Lumabi ang girlfriend ko. Cute talaga. "Hindi natuloy, eh. Alam ko na ngayon kung bakit." Sabi niya sabay tingin kay Trisha na nakasimangot naman.
Alanganin akong tumawa at saka hinawakan ang kamay niya. "Love, tara kumuha ng pagkain. Nagugutom na 'ko." Sabi ko sabay hila sa kaniya papunta sa mesa kung saan nakahanda ang mga pagkain.
"Gosh! Iba talaga si Lord. Kaya pala hindi natuloy ang Bible study namin at bigla kong naisip na pumunta dito!" Bulalas niya.
Natatawa naman ako habang kumukuha ng pagkain para sa 'ming dalawa.
"Dapat sinabihan mo ako na pupunta ka dito para nasundo kita." Sabi ko sa kaniya.
Maraming bisita si Iñigo. Mga schoolmates niya yata tapos mga kaibigan namin. Naghanap kami ng bakanteng upuan. Hawak ko sa dalawang kamay ang dalawang paper plate na puno ng pagkain. Kailangan suhulan ng pagkain si girlfriend para kumalma.
"I want to surprise you, eh." Sabi niya at kinawit ang braso niya sa 'kin. Naks. Gusto ko talaga ang mga ganitong galawan ni Kisses, eh.
"Si Iñigo ang may birthday, hindi ako." Sabi ko at saka binaba ang mga hawak na plato sa mesa namin.
"Pero ikaw ang mahal ko." Sabi niya sabay abot ng tinidor.
Sinabi niya 'yun sa paraan na natural lang. Hindi para magpakilig o ano. Grabe 'yung tibok ng puso ko.
"Pinapakilig mo naman ako." Sabi ko na tinawanan niya lang. Akala niya yata ay nagbibiro ako. Luh. Kinikilig naman talaga ako.
"Kuha lang ako ng inumin." Sabi ko.
Tumango siya. "Okay. Mag-ingat ka mula sa ahas." Bilin niya.
"Opo." Natatawa kong sagot. Humalik muna ako sa balikat niya kasi nanggigigil talaga ako sa ka-cute-an niya.
Masaya akong nagtungo sa area kung nasaan ang mga inumin. Iba talaga ang saya ko 'pag nasa paligid ang Kisses ko.
"Donny..."
Napapikit ako ng mariin. Grabe. Bakit ang kulit ng nilalang na 'to?
"Yes?" Sabi ko na lang nang hindi siya tinitingnan.
"Hindi ba pwedeng ako na lang? I really like you."
Napatingin ako sa kaniya at natawa ng malakas. Oo. Totoong tawa kasi nakakatawa ang biro niya.
"Alam kong gwapo ako. Pero kasi para sa girlfriend ko lang ang kagwapuhan ko." Sabi ko sa kaniya at saka siya iniwan dun.
Patatakan ko nga lahat ng shirt ko ng statement na 'May Kisses na si Donny'.
Bumalik ako sa girlfriend ko at naabutan ko siyang abala pa rin kumain. Nilapit ko ang inumin sa kaniya. She smiled at me and took a gulp of water.
"Thanks, love." Sabi niya.
"Love." Malambing kong tawag sa kaniya. Hindi niya talaga ako inalok ng pagkain, eh. Jusko 'tong girlfriend ko. Basta't sa pagkain, nakakalimutan kaagad ako!
"Hmm, love?" Sabi naman niya. "Sarap ng spaghetti."
Natawa ako at pinunasan ang gilid ng labi nya na may naiwang sauce.
"Ang ganda mo, love. Lubos na pinagpala si Donato dahil may Kisses na dumating sa buhay niya." Sabi ko. Hindi talaga ako magsasawang sabihin sa kaniya na maganda siya at ipaalala sa kaniya na blessing siya ni Lord sa 'kin.
"Lagi rin naman masaya si Kisses dahil kay Donny." Sagot niya.
I kissed her hair. "At mas masaya si Donny kapag masaya si Kisses niya."
"Touché."