ꕥ CHESTER ꕥ

14 1 0
                                    

WARNING!!!
This Chapter contains strong languages. Read at your own risk.

Chapter 2

June 15, 2015
7:45 AM

"CHEEESTEEEERRR!!!! PAG BILANG KO NG TATLO AT NAKAHILATA KA PARIN DIYAN SA KUWARTO MO AKO MISMO ANG KAKALADKAD SAYO PABABANG PUNYETA KANG BATA KA!!!".

Mabilis na napabalikwas ng bangon si Chester matapos marinig ang napakalakas na sigaw ng baliw na Ate niya. Kilala niya ito, kapag sinabi nitong gagawin ang isang bagay ay gagawin talaga nito kahit pa nasa pampubliko silang lugar. Nahihilo siyang napaupo dahil sa biglang pagbangon niya.

"DALAWAAAA!!!", muli nitong sigaw na nagpataranta sa kaniya.

"Dalawa agad?! Nasaan ang isa?!", Natataranta niyang tanong sa sarili niya.

"ETO NA, ETO NAAA!!! SAGLIT LANG INAAYOS KO PA PINAGHIGAAN KO!", malakas na sagot niya bago pa makaakyat ang ate niya at kaladkadin siya pababa.

Nang matapos ayusin ang pinaghigaan ay mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Pagbukas niya ng pintuan ay bumungad sa kaniya ang ate niyang sabog na naman ang buhok, bago ba bumukas ang bibig niya ay mabilis na kinapitan nito ang buhok niya at mabilis siyang hinila pababa papuntang sala.

"Te-teka...araaayyy!!! Wag mong hilain buhok ko! Masakiiiit!!! Eto naaa bababa na!!", Ngumingiwi niyang sabi pero mistulang bingi ang ate niya dahil tuloy tuloy parin ito sa paghila sa kaniya pababa.

Nang makapunta sa kusina ay mabilis siyang pinakawalan ng kaniyang ate at malakas na binatukan. Nawindang ang mundo ni Chester dahil sa lakas ng pagkabatok nito sa kaniya. Pakiramdam niya ay napipi ang utak niya dahil sa lakas nito.

"PAAAA!!! ANDITO NA ANAK MO!", mabilis na sigaw nito sa tatay niya at walang sabi sabing umalis at umakyat. Paniguradong bumalik na ito sa silid niyo.

Naiinis na umupo si Chester at kumain habang kinakamot ang ulo niya kung saan tumama ang kamao ng ate niya. Kahit kailan talaga napaka amazona nito. 'kaya hindi nagkaka boyfriend ehh' naiiinis na isip niya.

Pumasok sa sala ang Tatay niyang ngingisi-ngisi sa kaniya.

"Sinabi ko naman sayo na darating ang ate mo kagabi kaya kailangan mong umayos. Yan tuloy nakatikim ka, bilisan mo nang kumain at papasok ka pa", sabi nito habang pinagtitimpla siya ng kape at nilapag sa tabi niya. Napansin niyang naka uniporme nato at mukang papasok nadin sa trabaho.

"Tsk, bakit ba kasi napagdesisyunan niyang umuwi dito bigla, hanapan mo kaya siya ng manliligaw Pa? Napaka amazona, kaya walang nanli—", hindi na natapos ang sasabihin niya ng may naramdaman siyang matigas na bagay na humampas sa ulo niya.

"ARAAAAAYYYYYY!!!" nanggigigil na sigaw niya habang sapo sapo ang ulo. Nang lingunin niya kung sinong gumawa noon, nakita niya ang Ate niyang nakangisi sa kaniya habang hawak ang sirang laptop nito.

"Tigas ng ulo mo ahh, nice. By the way, gagamitin ko si Phoenix —", nang marinig ang pangalan ng pinakamamahal niyang motor ay mabilis niyang pinutol ang sasabihin nito

"Gagamitin ko siya pagpa—"

"At sinong nagbigay sayo ng karapatang putulin ang sasabihin ko ha?! Gusto mong saksakin ko yang mata mo?!", Nanggigigil na sa sa kaniya ng ate niya habang dinudutdot sa muka niya ng sirang laptop nito.

"Tama na yan, Chester, maligo ka na at ihahatid na kita papasok, hindi ako papayag na umabsent ka na naman. Dalawang linggo ka ng uma-absent mula noong magsimula yung klase. Hindi pwedeng ganiyan ka ng ganiyan. At ikaw naman Catherine, ayusin mo na yung sarili mo dahil may trabaho ka pang kailangang pasukan, tigilan mo yang pananakit sa kapatid mo. Pag yang si Chester nagkaroon ng pamumuo ng dugo sa kahit anong parte ng katawan niya dahil diyan sa pananakit mo, hindi ko alam kung anong magagawa ko sayo. Magsiligo na kayong dalawa, bilisan niyo".

She Who DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon