ꕥ WHO ARE YOU ꕥ

6 1 0
                                    

July 16, 2015
08:40 AM

"Oy pre, ano yun?", bungad na tanong ng kaklase ni Chester na nagngangalang Miguel Mariano. Busy ito sa pangangata ng fries na binili niya.

"Anong ano yun?", tanong pabalik ni Chester dito habang busy sa paglalaro sa cellphone nito at kumakain ng burger

"Yung nangyari kanina? Ano yun? Bakit nag bow sayo si Mr. Medina? Magkakilala kayo? Kaano ano mo siya? Bakit pati yung principal parang takot din sayo? May position ba Papa mo dito sa school? May—" naputol ang sunod-sunod na tanong ni Mark nang sumingit si Miguel.

"Dahan-dahan lang sa tanong pre, nahahalata pagiging chismoso mo ehh," natatawa nitong sambit kay Mark.

"Gago! anong chismoso, curious lang ehh",

"Curiosity kills the...uhm....the...-", biglang singit ni Creisha sa usapan.

"The cat", dugtong ni Kian.

"Tama! Curiosity kills the cat. Kaya stop you the ano Mark, stop you being the ano curious curious to the things in this world because died you", mayabang na sambit ni Creisha kay Mark.

"HUH?", inis na tanong ni Mark.

"Oo nga pala Chester, naalala ko, diba sabi mo dati Detective ka?", pang iiba ni Rosa ng topic para maiwasang magtalo sina Mark at Creisha.

"Sinabi ko yun?" bored na tanong ni Chester dito.

"Pwede bang kapag tinanong ka wag mong sagutin ng tanong din?! At oo sinabi mo yun, tandang tanda ko pa" nandidilat na banta ni Rosa sa kaniya

"Ahhh? Talaga?", Balik na tanong niya. Nagulat nalang siya nang pabiro na siyang sakal sakal ni Joseph. Kulay mais ang buhok nito at may piercing sa kanang tenga at sa dila nito. Maangas ito kumilos at buong buo ang boses.

"Pre, ako maiksi lang ang pasensya, kaya wag mo nang pahabain pa usapan niyo. Tanda naming lahat na sinabi mo yun."

"Oo nga pala no? Nung nag introduce ka ng sarili mo? Sinabi mo yun" mahinhing pagpapa-alala sa kaniya ni Kiana habang mahinang tinatampal ang braso ni Joseph na nakapulupot sa leeg niya.

Si Kiana ay ang nakababatang kapatid ni Kian at siya ang girl version nito. Kamukhang kamukha kasi nito ang Kuya kaya naman kadalasang napaga akala ng karamihan ay kambal sila. Responsable ito at hindi makabasag pinggan kung kumilos. Matalino din ito kaya ang tanging naiisip lang niyang dahilan kung bakit nasa last section ang katulad ni Kiana ay malamang para makasama ang Kuya nitong puro kalokohan ang alam sa buhay.

"Aahh, ohh anong meron don?" tanong niya pabalik habang inaayos ang nagusot na uniporme.

"Diba kapag detective ikaw yung nagi imbestiga sa crime scene para ma identify ang killer? Ilang crime mysteries na ang nasolve mo?" Balik na tanong ni Rosa

"Ahh, wala", sagot niya

"Huh?", takang tanong ng mga kaklase niya. Sa sobrang lakas ng boses nito ay naagaw na pala nito ang pansin ng kapwa nila kaklase.

"Anong wala?", balik na tanong ni Kiana

"Wala, as in none, zero duhhh", sabat ng multo niyang kasama habang naka-pameywang na umiikot sa pwesto niya.

"Wala nga, naniwala naman kayong detective nga'ko?", balik na tanong ni Chester sa mga kasama

"Ehh pano mo mae explain yung mga sinabi mo, yung kay Ma'am sungit na hinulaan mo pinanggalingan niya tas nalaman mo pa na late siyang pumasok kahit di naman niya sinabi sa'yo?", naguguluhang sambit ni Creisha na kumuha ng atensyon niya.

"What you looking looking at?!", naguguluhang tanong nito nang mapansin ang titig niya

"Bakit hindi ka nalang magtagalog? Dapat pala nililito ka para magamit mo yung wikang Tagalog ehh", nakakunot-noo niyang sagot dito.

"How dare you, I am speaking best at English too you don't just not know to give thanks to it!"

"Ok", naguguluhan niyang sagot. 

Magsasalita pa sana siya nang may marinig silang napakalakas na tili mula sa labas. Mabilis silang nagsilabasan ng mga kaklase niya upang tingnan kung kanino nagmula ang tiling ito. 

Nagulat silang lahat nang makita nila ang isa nilang kaklase na nagngangalang Meredith ang nakalutang at tila nakatirik ang mata. Halos lahat nang nakakakita ay takot at gulat ang nararamdaman ng mga oras na iyon. 

"Ego occidam unumquemque vestrum......ego occidam unumquemque vestrum.....ego occidam unumquemque vestrum..." paulit-ulit nitong sinasabi habang may dugong umaagos mula sa labi nito. 

"Holy sh!t", rinig niyang banggit ng katabi niya na hindi niya pinagtuunan ng pansin. 

"Chester, kaboses niya yung bata sa building na pinuntahan natin", rinig niyang sabi ng multo niyang kasama, kasunod nito ang biglaang panlalamig ng kamay niya. Mabilis niyang tiningnan ito at nakita niyang nakakapit sa kaniya ang multong kasama niya at makikita mo ang takot sa mukha nito.

"Imposibleng mangyari yun", mahina niyang bulong rito.

"Imposible nga pero pano mo maipapaliwanag 'to Chester?, Hindi pwedeng nagkataon lang 'to", ani ng multo niyang kasama

"Isa lang naman ang pwedeng maging expanation dito, pwedeng natuklasan niyang kaklase mo yung lumang building at  pumunta siya doon mismo kaya nagkaroon ng vessle ang espiritu na nakaharap natin", dagdag pa nito. Sasagutin niya sana ito nang makita niyang nakatitig sa kaniya ang kaklase niyang si Meredith. Nakangiti ito habang ang mga mata'y nananatiling nakatirik.

"suus 'been a dum", saad nito na nagpakunot ng noo niya. Mas lalong kumunot ang noo niya nang tumawa ito habang umiiyak ng dugo.

"occiderunt me" , dagdag nito at ang iyak ay napalitan ng malakas na tawa.

"Sic eos quoque necabo, Aequum sonat ius?". muling sambit nito sabay tumawa nang malakas. 

"Anong kaguluhan ito!", naagaw ng sigaw na ito ang atensyon nila at nang makita nila ang may ari ng boses, mabilis na nagsitakbuhan ang iba pabalik ng kani kanilang classroom.

"Si Ma'am Ocampo! Balik bilis! Yari tayo pag nakita tayong nandito!", sigaw ng isa sa mga kaklase ni Chester.

Kahit nagsi alisan na ang halos lahat ng estudyante, mas pinili ni Chester na manatili at tingnan ang mga pwede pang mangyari. Nakita niya kung paano dahan-dahang ibaba ng mga guards ang nakalutang na si Meredith at kung paano himatayin ang kanilang guidance counselor.

Kahit papalayo na ang mga ito ay rinig na rinig parin niya ang tawa ni Meredith na para bang nasa likod niya lamang ito. Nang mapatingin siya sa kasama niyang multo ay nakita niyang gulat na gulat ito habang nakatitig sa papalayonh pigura nila Meredith at ng mga guards.

"Silipin natin ang old building mamaya", aniya sa kasama niyang multo at tinahak na niya ang daan pabalik sa kanilang classroom.


End of Chapter

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

She Who DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon