ꕥ ENCOUNTER ꕥ

4 1 0
                                    

WARNING!!!
This Chapter contains strong languages. Read at your own risk.

Chapter 5

July 16, 2015
8:00 AM

Maganda ang mood ni Chester habang papunta sa garahe. Paano ba naman kasi, umuwi na ang ate niya sa sarili nitong bahay at isinauli na sa kaniya ang susi ng pinakamamahal niyang motor. Isang buwan din niyang hindi ito nakita dahil kada tatanggi siyang ipahiram ito sa kapatid niyang hukluban ay nakakatikim siya ng napatamis at punong puno ng pagmamahal nitong suntok at sikmura.

Nakita niyang nakaparada ito at kumikintab sa linis at nakapatong sa upuan nito ang helmet niya na may nakaipit na makapal na puting maliit na envelope na sa hinuha niya ay may lamang pera. Mabilis siyang lumapit dito at napangiti siya ng tama ang hinala niya. Pera nga ang laman nito at ang laman ay puro isang libo na sa tantiya niya ay nasa higit kumulang tatlumpung libong piso. May nakasulat sa envelope kaya naman naka kunot nuo niya itong binasa.

'Bayad yan sa paghiram ko sa baby Phoenix mo, wag kang mag alala pinalinisan ko narin yan at pinuno ng gas. Sa susunod ulit, labyu <3'

Kahit naiinis siya dahil nabanggit nitong hihiramin ulit ang pinakamamahal niyang si Phoenix ay napangiti nalang siya dahil hindi naman siya lugi.

Mabilis siyang sumakay dito at pinaandar ang makina. Isang buwan din niyang hindi ito nasakyan kaya naman ngayon ay excited siyang gamitin ito. Sinuot niya na ang helmet at tinanguan ang mga guard na nagbukas sa kaniya ng gate para makalabas siya. Bibilisan na niya sana ang takbo ng motor niya nang maramdaman niyang nag vibrate ang phone mula sa sa bulsa niya.

From: Gago
'Tol daan ka nga sa 7/11 bilan moq ng limang footlong, tomguds na kasi kami dito, utang q muna yung bayad mo. Bayaran q nalang sa Christmas Party natin. Salamat pre'

Napakunot ang noo niya nang mabasa ang text ni Kian, isa sa mga kaklase niya. Sa loob kasi ng isang buwan ay naging malapit siya sa mga kaklase niya. Nalaman niya rin na lowest section ang section nila at nang tanungin niya ang Ate niya tungkol dito ay nginisian lang siya nito. Ayon dito, baka daw mahawa siya sa pangit na ugali ng mga nasa higher section kaya ang lowest nalang ang pinili nito para naman daw may thrill buhay niya.

To: Gago
'Yoko, tinatamad ako', reply niya dito.

Nang maibalik niya ang cellphone sa pocket niya ay nakita niya ang multong nakabuntot lagi sa kaniya na umiikot sa uluhan niya. Napailing nalang siya at muling pinaandar ang motor at tinahak na ang daan patungong eskwelahan. Dumaan muna siya sa drive thru ng Jollibee at umorder ng bente piraso ng Jollibee yum burger, tatlong bucket ng chicken joy na may tig walong piraso ang laman, spaghetti at napakaraming kanin. Sinamahan niya rin ito ng sangkatutak na drinks at fries pati narin pancake at mga hot chocolate. Naalala niya kasi ang text ng kaklase niya, may pera rin naman siya kaya pinagbigyan na niya.

"Wow Chester, ano yan panic buying? Ilang tao ba papalamunin mo? Ang konti niyo lang namang magkakaklase ahh? Balak mong pakainin lahat ng estudyante sa Grade 9? Grabe naman ata pagka good mood mo ngayon?'', nakapamewang at sunod-sunod na tanong ng multo niyang kasama. Ismid lang ang naging sagot niya at nagsimulang magdrive ulit para kunin ang mga inorder niya.

Nang maiayos ang mga order niya sa motor ay naka receive siya ng tawag at mabuti nalang ay naka Bluetooth earphones siya kaya hindi na siya nahirapang magpipindot habang inaayos ang sarili.

"Oh?", tanong niya at pinaandar nang muli ang motor.

"Ano pre? Nakabili ka na? Inaantay ka na namin dito", bungad ni Kian sa kaniya.

She Who DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon