ꕥ CHESTER'S LISTLESSNESS ꕥ

13 2 0
                                    

WARNING!!!
This Chapter contains strong languages. Read at your own risk.

Chapter 3

June 15,2015
11:14 AM

Mag isang nakaupo si Chester sa silid ng 9- Aguinaldo dahil lahat ng mga estudyanteng nagkakasiyahan kanina dahil sa kalokohang ginawa nila ay pinapunta sa guidance office. Siya lang ang exempted dahil naabutan siya ni Mr. Santos sa labas ng kuwarto at tila sigurado itong wala siyang alam sa binabalak na kalokohan ng kaniyang mga kaklase. Kung alam lang nito na siya ang unang nakapansin ng timba ay siguradong magpupuyos yun sa galit dahil hindi manlang niya naisipang sabihan ito.

Mahigit dalawang oras na siyang nakatunganga dahil wala naman siyang makakausap bukod sa makulit na multong nakabuntot palagi sa kaniya. Kasalukuyan siyang nakatitig sa labas ng bintana at ine enjoy ang magandang view na nakikita niya. Puro puno kasi ang nasa labas kaya kahit dalawang oras o higit pa niyang titigan ito, hinding hindi siya magsasawa. Napatigil ang pagmu muni niya nang may tumikhim at kumuha ng atensyon niya.

"Uhhm...hi? Ikaw si Chester, tama ba?", Mahinhing tanong ng isang babae at mahina siyang kinalabit.

Tinatamad na tumango siya habang patuloy parin ang pagtitig sa labas, wala siyang ganang makipag usap kahit kanino. Ni ayaw niya nga ding alamin kung paano nito nalaman ang pangalan niya.

"U-uhhmm...gu-gusto ko lang s-sanang itanong ku-kung asaan yung mga...mga kaklase n-natin?", utal-utal na tanong ng babae.

Kibit balikat lang ang naging sagot niya dahil tinatamad talaga siyang magsalita.

"HOY CHESTER! WAG KA NGANG SNOBBER DIYAN! HINDI PORKET POGI DADDY MO MAY KARAPATAN KA NG MAGING SNOB! SUMAGOT KA NANG MAAYOS! WAG KANG FEELING POGI DIYAN!", sigaw sa kaniya ng bwiset na multo kaya mabilis niya itong sinamaan ng tingin. Mukhang natakot ata ito dahil mabilis itong kumaripas ng lipad palayo sa kaniya. 'Mamaya ka talaga sa'king lintik ka' nanggigigil na isip niya at saka binalingan ng tingin ang babaeng nagtanong sa kaniya. Nakatirintas ang hazelnut na kulay ng buhok nito na lagpas balikat at naka eyeglasses, mabilis na yumuko ito nang balingan niya ito ng tingin

"They're in the guidance office", sagot niya dito at binalik ulit ang tingin sa bintana.

"A-aahh, o-okay...thanks", sabi nito at mukhang bumalik na sa upuan niya dahil narinig niya ang paghila ng upuan.

Muli uling bumalik ang katahimikan sa paligid ngunit hindi rin 'yon nagtagal dahil mukhang pinabalik na ang mga kaklase niyang nasa guidance office kanina dahil sunod sunod na ingay palapit sa classroom ang narinig niya.

"YO BISKWIT! SAYANG WALA KA KANINA! HINDI MO NAKITA KUNG PAANO NAMIN PINALIGUAN NG EXPERIMENT NAMIN SI SIR BUTETE!", rinig niyang sigaw ng isang lalaki. Kung makapagsalita ito ay parang limang kilometro ang layo ng kausap nito.

'Sir Butete? Si Sir. Santos ba tinutukoy niya?' nakakunot nuong tanong niya sa sarili at gusto niyang matawa sa bansag nito sa guro.

"Hi Marie!, I stress you know? Sir Butete shout us and give order to went us all in guidance office he super disgusting and very dirty because he take a bath on us experiment"', narinig niyang sabi ng isang babaeng kapapasok lang. Palihim niyang hinilot ang sintido dahil sa hindi maintindihang kwento nito.

She Who DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon