WARNING!!!
This Chapter contains strong languages. Read at your own risk.Chapter 4
July 15, 2015
9:37 PMIsang buwan na ang nakalipas mula nang unang pumasok si Chester. Sa isang buwang iyon, napakarami niyang natuklasan sa eskwelahang pinapasukan niya at kung gaano kapangit ang pamamalakad dito. Nalaman niyang patalinuhan, palakasan ng kapit at payamanan ang mga estudyanteng naga aral dito. May magagandang privilege na natatanggap ang lahat ng mga estudyanteng nakapasok sa Keen 50.
Keen 50 ang tawag sa mga estudyanteng pinagkalooban ng katalinuhan. Ang basehan para makapasok sa Keen 50 ay ang maipasa ang bawat exams na mayroon ang paaralan. Nalaman ni Chester na habang tumataas ang ranggo ng isang estudyante sa Keen 50 ay mas dumadami din ang pribilehiyong natatanggap nito. Isang halimbawa ay kapag si Student A na nasa rank 50 ay iba ang natatanggap na pribilehiyo kay Student B na nasa rank 25. Kung ipagkukumpara ang privileges ni Student A kay Student B, mas maraming privileges mayroon si Student B. Sa ngayon ay wala pang ideya si Chester kung ano-ano ang mga pribilehiyong natatanggap ng mga estudyanteng nasa Keen 50.
"CHESTEEEERRRR!!!", minulat ni Chester ang mga mata niya nang marinig ang nakakarinding sigaw ng multo sa kaniya.
"Ano?", Inis na tanong niya dito.
"Gala na tayoooo, sabi mo dati gagala tayo pero hanggang ngayon hindi mo naman tinutupad. Bilis naaaa", nakangusong pamimilit nito sa kaniya. Oo nga pala, nangako pala siya ritong gagala sila sa eskwelahan niya pero dahil sa pagiging busy niya sa panonod ng anime ay nawala na sa loob niya. Bumuntong hininga nalang siya saka kinausap ito.
"Wag kang maingay kung gusto mong samahan kita, kailangan ko ng konting katahimikan", sabi niya at ngumingiting tumango ito sa kaniya.
Nang maging tahimik ang paligid ay saka lang pinikit ni Chester ang mga mata niya at saka nagfocus. Nang maramdaman niya na lumulutang na siya ay tsaka lang ni Chester iminulat ang mata niya. Tiningnan niya ang katawan niyang mahimbing na natutulog at saka binalingan ng tingin ang multong ngiting ngiti sa tabi niya.
"Tara na bilis!", nakangiting sabi nito saka siya hinila at sabay silang lumipad patungo sa napag usapan nilang paggagalaan.
Ang tawag sa ginawa niya kani-kanina lang ay Astral Projection kung saan hiniwalay niya ang kaniyang Astral Body, o mas kilala sa tawag na kaluluwa, sa mismong katawan niya. Nasa edad na 13 niya nadiskubre na kaya niyang paghiwalayin ang astral body at ang katawan niya. Para sa mga taong hindi alam ang ganitong pangyayari, aakalain lang nila na natutulog lang siya dahil sa malalim na paghinga ng katawan at nakapikit niyang mga mata.
"Chester ayun yung school mo! Tara biliis!", nakangiti nitong sabi sa kaniya at masaya siyang hinila.
Nang marating nila ang eskwelahan niya ay mabilis siyang lumpipad patungo sa pangalawang building. Base sa naka post sa bulletin board sa unang palapag nito, ito ang building ng mga grade 7. May limang building kasi ang eskwelahang pinapasukan niya. Ang pinaka unang building ay para sa faculty teachers at kasama na doon ang guidance, registration at principal's office. Mayroon itong apat na palapag.
Sa pangalawang building ay ang building ng mga grade 7 students. May pitong palapag ito, ang nasa unang palapag ay ang apat na section. Mayroon kasing tig-siyam na section kada grade levels at makikita sa tatlong palapag ang mga classrooms ng grade 7 students. Ang apat namang natitirang palapag ay may tig-tatlong kuwarto. Mukhang konektado ang mga kuwartong ito sa natatanggap na privileges ng mga estudyanteng nasa Keen 50 dahil may mga pangala ng estudyante ang nakaukit dito.
BINABASA MO ANG
She Who Died
TerrorLet's join Chester to his journey on collecting a bunch of weird companions while helping his ghost 'friend', (atleast that's how the ghost that's keep on tailing him thinks) to help her remember her mission and the reasons why she died and not goin...