ꕥ JEALOUSY ꕥ

15 1 0
                                    

WARNING!!!
This Chapter contains strong languages. Read at your own risk.

Chapter 1

February 25, 1995
8:16 PM

MARAHAS na napabuntong-hininga si Samantha nang hindi niya macontact ang driver na susundo sana sa kaniya.

"Nasaan na ba si Kuya Peter? Bat wala pa siya dito? Ang usapan namin bago mag 8 pm dapat nandito na siya ahh?"

Naiinis na umupo si Samantha sa pinakamalapit na bench at muling naghintay. Dahil kasi sa tambak tambak na school activities na gaganapin sa eskwelahan nila, alas siete na siya ng gabi natapos. Kinailangan niya pa kasing i finalize lahat ng napagdesisyunan nilang mga myembro ng SSG para maipasa na ito sa kanilang handler at nang wala na silang poproblemahin para sa mga susunod na araw. Kailangan niya na din kasing mag review dahil nalalapit na ang exam nila.

Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa driver niya ngunit wala paring dumarating, ilang beses niya na ding sinubukang kontakin ang mga kasamahan niya sa bahay pero mukang busy ang mga ito. Gustuhin man niyang lumabas para umuwi na lamang mag-isa ay hindi naman pwede dahil masyadong mahigpit ang security ng eskwelahan niya. Kinakailangan muna kasing ipakita ang message of approval ng magulang o guardian ng estudyante para mapatunayang alam ng magulang nila na sila ay lalabas sa eskwelahan ng mag-isa.

Lahat kasi ng mga estudyante na naga aral dito ay anak ng mga importanteng tao sa bansa kaya ang top priority ng eskwelahan ay ang kaligtasan nilang mga naga aral dito. Kapag naman sila ay susunduin ng kanilang driver, ipapakita muna ng mga ito ang kanilang government issued na IDs. Bukod pa rito, kapag ang pangalan nila ay hindi tumugma sa pangalang ibinigay ng magulang ng estudyante, mabilis na kikilos ang mga security guards upang i corner ang driver at tatawag sa pulis upang hulihin at masampahan ito ng kaso.

Tatawagan sanang muli ni Samantha ang driver niya nang maka receive siya ng message of approval na ikinangiti niya. Mukang nabasa na ng Mamá niya ang ipinadala niyang mensahe.

From: Mom ❤️
'I, Stefanie Asuncion is allowing my daughter, Samantha Asuncion to go outside of the Athena's International Academy alone. This means that whatever happens to my daughter, the owner of the AI ACADEMY, as well as its board of directors, the Dean, The Teachers, and the security guards has nothing to do with the possible accidents that might happen outside after letting my daughter to go outside alone. Thank you for understanding'

'Thanks Mamá', reply niya pagkatapos ma receive ang text ng kaniyang Mamá

From: Mom ❤️
'Don't mention it sweetheart, ingat sa byahe okay? I'll wait for you, send me a message kapag malapit ka na. I'm sorry kung ngayon lang ako nakapag reply. Love you sweetheart'

To: Mom ❤️
'It's okay Mamá, I understand, yes po I'll be extra careful so don't worry Mamá. Love you too po 😘'

Mabilis na tumayo si Samantha at naglakad na papunta sa main entrance ng eskwelahan. Malayo layo ang kailangan niyang lakarin dahil mula sa waiting area sa Parking lot, apat na building pa ang kailangan niyang daanan para makapunta sa main entrance ng school. Napabuntong hininga nalang siya habang mabilis na naglalakad. Bukod sa nagugutom at napapagod na siya, kailangan niya pang maglakad ulit parating sa sakayan.

Nang makalagpas siya sa pangalawang building, napahinto si Samantha nang may maaninag siyang lalaki sa entrance ng pangatlong building na parang may mabigat na hinihila. Napangiti siya nang malamang hindi lang pala siya ang naiwang estudyante  sa eskwelahang iyon. Mabilis siyang lumapit papunta rito at nakangiting kumaway.

She Who DiedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon