Nagising nalang ako na katabi parin si Marc. Wait?! What??! At mag uumaga na?? I checked the wall clock in our room at ala una na ng umaga. Ibig sabihin ay simula alas kwatro ay magkatabi na kaming natulog?! Shit! Ang awkward nito kung sya ang mauunang magising. I grabbed my phone and open the flashlight. Inikot ko ang flashlight sa buong kwarto. At wala si Samantha sa kwarto namin?? Saan sya natulog? Argh! Kami lang talagang dalawa ni Marc dito. Wala akong matinong tanghalian kahapon at hindi rin ako kumain ng hapunan dahil maaga nga akong natulog. My tummy wants food. Akmang pupunta na ako sa kitchen ng maalala kong matatakutin ako at takot din ako sa madilim. Nilakasan ko ang loob ko at tumayo. Sa pagbaba ko sa paa ko, kumirot ito at napasigaw nalang ako.
"Aww! Ang sakit", I shouted at nagulat nalang ako ng may magsalita. Sa pagkabigla ko ay natumba ako sa kama ni Samantha.
"Hey? Are you okay?", Marc asked na nagising ko dahil sa sigaw ko. Bagong gising ito at naniningkit ang mga mata, magulo rin ang buhok nya. Ilang minuto natahimik ang kapaligiran at napatingin sya sa paligid. Nagtataka ito at alam ko na kung bakit. Malamang ay tinatanong nya sa sarili nya kung bakit sya nandito sa kwarto namin at dito natulog.
"I-I'm f-fine", I answered at umiwas ng tingin. Bumalikwas sya sa kama ko at binuksan ang ilaw. Mas naging awkward ang paligid. Walang ni isa sa amin ang nagsalita. Walang bumabasag sa katahimikan naming dalawa. Argh! Sobrang awkward. Kinuha ko ang remote sa gilid ng kama ni Samantha at binuksan ko ang mini tv sa loob ng kwarto namin. I opened it at isang advertising program lang ipinapalabas. He looked at me at binasag ang katahimikan.
"Maris??", he called me.
"Hmm?", I uttered pero hindi parin ako makatingin sa kanya. Naramdaman ko ang paglapit nya at kinuha ang monoblock na uupuan nya. Pumwesto ito sa gilid ng kama ni Samantha kung saan ako nakapwesto ngayon.
"Masakit ba ang paa mo? Bakit ka ba kasi tumayo? Sana ay ginising mo ako para maalalayan kita. Mamasahihin ko ang paa mo hah", he said at napatingin ako sa kanya. Nabawasan ang awkwardness sa paligid.
"I'm fine Marc. Wag ka na mag alala hah. And I'm sorry", I said at nagtaka ito.
"For what?", he said at medyo lumapit ako sa kanya.
"Kasi kung hindi talaga nangyari ang mga nangyari kahapon, hindi ka sana naabala ni Samantha at sana ay nakatulog ka ng maayos, sa kwarto mo", I said at yumuko.
"Hmm. Okay lang yun noh. At masaya ako dahil nabantayan kita hanggang sa paggising mo. I like that situation kahit na alam kong maiilang tayo. I didn't expect na magkakatabi tayo matulog. I'm sorry", he said at unti unti akong niyakap. What now Marc? Nagugustuhan mo na ata ang pagyakap sakin. I hugged him back at ilang saglit lang ay tumunog ang phone ko. It's a message from Samantha. Nakawala kami sa pagkakayakap at agad kong binuksan ang text ni SamSam.
'Uyy! Ikaw ha! Magkatabi kayo natulog kahapon. May tinatago ka sakin. Sabihin mo na. HAHAHHAHA. May picture ako nung natutulog kayo, nakaunan ang ulo mo sa braso nyo at nakayakap naman sya sayo. Ang sweet. Nikikilig ako bestie. Nikikilig talaga ako. See you sa room mamaya bestie. Enjoy nyo lang moment nyo'. She texted me this message at hindi ko naiwasang umirap... What is she thinking? At may picture kami ni Marc in that position. No way!!
'Wait? Bago yan, nasaan ka? At saan ka natulog SamSam?? At wag ka ngang magbigay ng malisya. Binantayan nya lang ako at nakatulog sya'
I replied at nagtuloy tuloy na ang paguusap namin.
'Don't worry about me. Marunong akong magtago. Nasa kwarto ako ni Jaevy. Wala naman syang roommate kaya walang nakakaalam na doon ako natutulog. Minsan lang naman. HAHAHAHA. Sus! Bestie naman. Wag ka na ngang mag maang maangan pa. May tinatago kayo sakin ni Adrien. Tell me kapag nagkita tayo hah. Matutulog ulit kami ni Jaevy. Mamaya na tayo magusap. Alas dos palang ng umaga kaya matulog nalang ulit kayo. Byeee~ Enjoy.. Yieee'
BINABASA MO ANG
Still Not Enough (On-going:>)
Teen FictionA story of a girl who started to hate her life because of her own problems... Si Aldreah Maris, isang tipikal na babae na makakaranas ng mga problema na hihila sa pag asa nya na mabuhay at pipilit sa kanya upang naisin nyang tapusin ang buhay nya. ...