Adrien Marco Delos Reyes' POV
So this is Maris' digital diary. Hindi ko binasa ang mga naunang entries nya at tinatype ko ito para maalala nya ang nangyari sa kanya kapag naisip nyang magbasa dito. After naming dumaan sa faculty room para ibalik ang monoblock na ginamit namin ay tinanong ko sya.
"Hey? Are you okay? Kanina ka pa tahimik", I asked habang kinukuha ang atensyon nya by waving my hands infront of her.
"I'm fine. Medyo pagod lang ako", sagot nya at nagaalala na ako sa nararamdaman nya. Parang ilang saglit nalang ay bubulagta ito sa lapag. Muli akong nagsalita.
"Malapit na tayo sa canteen. Kakain ka hah. Para magkaroon ka ng energy", I said at tumango lang ito. Ilang saglit lang ay natumba ito at dali-dali ko syang sinalo. Hinawakan ko ang noo nito at naramdaman kong mainit sya.
May lagnat ito kaya pala matamlay sya. Binuhat ko sya papuntang infirmary at marami ang nakatingin sa akin. Sigurado akong nagtataka sila kung bakit ko buhat buhat si Maris. Nang malapit na kami sa infirmary ay nagring ang phone ko. Kahit na karga ko si Maris, inabot ko parin ang bulsa ko para makuha ang phone ko. Galing kay Samantha ang tawag. Maaaring hinahanap nya na kami.'Hello Samantha??', I started kahit na hinahabol ko parin ang paghinga ko. 'Adrien? Anong nangyayare sayo?', she asked. 'Si Aldreah....', sambit ko habang hinihingal ako. 'Ano? Anong si Aldreah? May nangyare ba??', she asked. Tensed narin sya at kahit na hinihingal ako ay sinabi ko na sa kanya. 'Itinatakbo ko si Aldreah sa infirmary. Nahimatay sya. At nang icheck ko sya, sobrang init nya. Sa tingin ko ay may lagnat sya. Malalang lagnat', I said at nataranta ito sa kabilang linya. 'What?! Why?! Pupunta akong infirmary. Lets just meet there. Make sure na okay lang si Aldreah. I'm on my way', she said at naramdaman ko ang kaba sa loob ko. Patuloy parin ako sa paglalakad ng mabilis para madala si Maris sa infirmary.
Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa infirmary at agad ko syang inihiga sa isa sa mga kama doon. Nabigla din si Doctora Zoey Bartolome, ang incharge sa infirmary nang ganitong oras.
"Doc, I need your help. My friend passed out at ang taas ng lagnat nito. Unconcious parin sya Doc. Please help her", I said at naghahabol parin ako ng hininga.
"What happened to her?", Doctora Zoey asked.
"Nawalan nalang sya ng malay habang papunta kami sa canteen for our lunch break. Matamlay din ito at tahimik. After I asked her kung okay lang ba sya, tumango lang sya at saka bumigay at natumba", pagpapaliwanag ko sa doktor.
"Ano ba ang ginawa nyo bago sya naging matamlay??", tanong ni Doctora habang chinecheck si Maris.
"Naglilibot po kami para magkabit ng mga flyers for the upcoming election day. Hanggang sa naging tahimik na sya at walang gana", I said at chineck naman ni Doctora ang temperature ni Maris. I hope she's fine. Please..
"Mataas ang lagnat nya kaya siguro bumigay ang katawan nya. At nakita ko rin ang recent records nya at nakaranas sya ng overfatigue sa paa nya. Its just that sobrang pagod ang naramdaman nya kaya sya nag-passed out", Doc said.
"Magiging okay po sya diba?", I asked.
"Of course, she will pero kapag hindi pa sya nagkamalay, dadalhin na natin sya sa ospital. Dahil baka lumala pa ang lagay nya", she said.
"Please Doc. Do everything. Kahit magkamalay lang sya", I said.
"Let's talk in my table outside at hayaan muna natin syang magpahinga. Come with me", she said at tumango ako. Iniwan muna namin si Maris sa kwarto sa loob ng infirmary kung saan sya nagpapahinga at iginayak ako ni Doc sa receiving table nya sa labas.
"Adrien Marco, right?", she asked. Teka?! Bakit kilala nya ako?
"Yes Doc. Paano nyo po ako nakilala?", I asked.
BINABASA MO ANG
Still Not Enough (On-going:>)
Teen FictionA story of a girl who started to hate her life because of her own problems... Si Aldreah Maris, isang tipikal na babae na makakaranas ng mga problema na hihila sa pag asa nya na mabuhay at pipilit sa kanya upang naisin nyang tapusin ang buhay nya. ...