Palayo na sana ako nang biglang hilahin ni Marc ang kamay ko. Nadala ako ng paghila nya at tumilapon ako sa kanya. Niyakap nya ako at saka kami nagtungo sa may pinakadulong bookshelf na nasa ganung posisyon.
"Maris? You have-", Marc said. Inihiwalay ko na ang sarili ko sa kanya saka nagsalita.
"Have?", I said.
"Maris? Don't be mad at me but... You have leaks", he said at para akong nabingi sa sinabi nya. Agad kong tiningnan ang palda ko at totoo nga na may tagos ako. Argh!! Kakahiya ng sobra. At si Marc pa talaga ang nakakita. Arggghhhhh!
"Ah-ahh. Marc?", I said. Wala pa man akong sinasabi, agad na hinubad ni Marc ang jacket nya ang itinali nya ito sa beywang ko para matakpan yung mantsa sa palda ko. He help me out of the library and we walk towards the girls dormitory. Patuloy pa rin ako ngayon sa pagtatype ng entry na ito para maitago ang hiya ko. Bakit kasi sya pa?? Sya pa talaga, of all times?
After the silence that we made because of awkwardness, Marc looked at me intently.
"What?", I asked. I'm still into my cellphone dahil sobrang hindi ko talaga makalimutan ang mga pangyayari.
"I'm so sorry", he said.
'For what?!'
I want to ask him kung para saan ang sorry nya pero dahil napakunot lang ang noo ko, naintindihan nya na ito at ipinaliwanag nya ito. "I'm sorry. Just saying sorry. I'm feeling guilty right now. And I don't know why. I think, I owe you an apology", he explained.
"You don't owe anything from me. Yung nangyare kanina, that's my fault. Pinakiramdaman ko na sana yung sarili ko para atleast, hindi na umabot sa ganun. I should be the one to say sorry. Hindi ko alam kung kaya pa kitang harapin because of what happened. Bakit kasi ikaw pa ang nakakita sa akin in that situation? Arghhh! Nakakahiya", sambit ko sabay takip sa mukha. Hindi ko parin naman sya hinaharap habang sinasabi ko iyon. Para lang akong timang kasi lahat ng sinasabi nya at sinasabi ko, tinatype ko. I'm weird.
"That's an accident. Tsaka wala kang kasalanan dahil hindi mo rin naman inaasahan. Wag ka nang mahiya, please? I miss your face that is not covered by your handkerchief", he said at hindi ko mapigilang ngumiti. Buti nalang at natatabunan parin ng panyo ang bibig ko kaya hindi nya ito kita. "You smiled! But... I can't see it because you hide it under your hankie", he added at nakonsensya naman ako. Unti unti kong ibinaba ang panyo na kanina ay nakatakip sa mukha ko. Iniangat nya ang baba ko saka ako pinaharap sa kanya.
"Thank you Adrien Marco. Thanks for saving me, again", I said. He smiled at me. At walang sabi-sabing hinigit ako. Sumalampak ako sa katawan nya. Nararamdaman ko ang kanyang paghinga dahil itinapat nya ang mukha nya sa leeg ko. Yung distansya namin kanina na sobrang kapiranggot nalang, nawala pa. Ngayon ang wala nang distansyang pagitan sa amin dahil magkayap kami. Sobrang higpit na yakap ang ibinigay nya sa akin. And I don't know how to react.
"Ma-Marc?", I said. Niluwagan naman ni Marc ang pagkakayakap, pero hindi parin ito bumibitaw. "Ba-Baka may makakita sa atin", dagdag ko. Humiwalay sya sa akin pero hinawakan nya ang magkabilang pisngi ko. Inilapit nya ang mukha nya. Hindi ako nag-assume na ikikiss nya ako pero... Dahil doon sa posisyon namin, parang ganun yung gagawin nya. No!! Hindi! Hindi mangyayari kung ano man ang iniisip ko. Hindi ko na inisip na hahalikan nya talaga ako pero nagsalita sya.
"Don't hesitate that much. I'm ready to wait for you. Masyado pa tayong bata for this things. I like you Maris. I love you. And I will wait for you", he said at hinalikan ako...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.SA PISNGI!!!!!
Naiwan akong nakatanga nang mga oras na yun. Umakbay sya sa akin at itinangay ako patungo sa dorm ng mga babae.
Patuloy syang nakaakbay sa akin at hindi ko alam kung bakit hindi ko tinatanggal ang braso nya sa balikat ko. I'm still typing here in my phone at buti nalang, hindi nya ako pinapansin. Mukhang napasarap ata sya sa pagkakaakbay sa akin. Marami syang daldal na sinabi at hindi ko man lang ito naintindihan. Nagfaflash back pa kasi sa akin ang ginawa nyang paghalik sa pisngi ko. Shemay naman kasi! Its my first. At sa lalaki pa talaga galing. Mygoodness!***
Ilang saglit lang ay nakarating din ako sa kwarto ko. Hindi ko na naitype ang mga sinabi kanina ni Marc dahil nalowbat ang phone ko.
Ganto kasi yung naging usapan namin kanina...
~~~~~~~~~~Flashback~~~~~~~~~~~
"Ahmm. Ma-Marc?", I asked.
"Go now. Hihintayin kitang makaakyat. About my jacket, you can return it anytime you want. Or... You can just keep it", he said while smiling.
"Tss. Ibabalik ko 'to noh. Parang mamahalin kasi ito eh. Baka makonsensya pa ako kapag kinuha ko", I said jokingly. Dahil sa kanya, mas naging light ang pakiramdam ko. I smiled at him at bigla syang napatalon at humiyaw pa.
"That smile! The smile that I love the most!", he said at nagtatalon sa harap ko. May mga nakakita sa aming dalawa at nang tiningnan ko sila, ang sasama ng tingin nila sa akin. Dahil ba kasama ko na naman ang prinsipe ng buhay nila? Psh.
Nagulat nalang ako ng lumapit sa amin si Tita Maelyne.
"Kayong dalawa? Anong nangyayare? Ikaw Adrien? Bakit ka nagtatatalon dyan? Sinagot ka na ba nitong alaga kong si Aldreah? Aba! Ang babata nyo pa! At ikaw naman Aldreah Maris? Alam ba yan ng mga magulang mo? Nako! Sa akin ka ipinagkatiwala ng mga magulang mo, ipapaalam ko ito sa kanila. Tsk! Tsk! Tsk!", bulyaw ni Tita Maelyne. I want to burst out laughing dahil sa maling akala na binitawan ni Tita sa aming dalawa.
"Tita? Can you stay calm? Wala pong tama sa lahat ng sinabi mo", sambit ko at nagulat naman ito.
"Yes Tita. Wala po talaga. Una po sa lahat, kaya po ako talon ng talon ay dahil napangiti ko na naman itong magandang binibini sa harap ko. Hindi nya pa po ako masasagot dahil hindi PA naman po ako nanliligaw sa kanya", Marc explained. Really Marc?? Pa? Ano namang iniisip mo sa mga salitang binitawan mo? Hayst.
"Hay nako! Kayo talagang mga kabataan. Sya! Sige na! Iiwan ko na kayo", sambit ni Tita Maelyne saka kami iniwan.
Sinuntok ko si Marc sa dibdib. Hindi naman yun sobrang lakas. Baka kasi masaktan ko sya eh.
"Aww! What was that for?", he asked.
"Ano na naman yung mga pinagsasasabi mo?", I said at natawa lang sya. "Ano?! Pagtatawanan mo na lang ba ako?", dagdag ko.
"Ano ba kasi problema mo?", he asked. Mood swings iz layp.
"Ano yung pinagsasasabi mo kanina?", I asked.
"Alin dun? Yung 'magandang binibini' part or yung 'hindi PA' part? Alin dun?", he asked. Aba'y itong mokong na 'to, nagmaang-maangan pa.
"Tsk! Both", I said lazily.
"Ahh. What's wrong with it?", he asked.
"Psh. Bahala ka na nga dyan. Ibabalik ko nalang sayo itong jacket mo. Thanks. And sorry", I said sabay takbo paakyat ng dorm.
~~~~~~~End of Flashback~~~~~~~
BINABASA MO ANG
Still Not Enough (On-going:>)
Novela JuvenilA story of a girl who started to hate her life because of her own problems... Si Aldreah Maris, isang tipikal na babae na makakaranas ng mga problema na hihila sa pag asa nya na mabuhay at pipilit sa kanya upang naisin nyang tapusin ang buhay nya. ...