Hi! So eto ako ngayon, nakaready na at naglalakad pababa ng dorm. Medyo naiba yung paraan ng maglalagay ko ng entries ko dahil parang hindi naman pang-diary ang dating nung mga una kong entries. Psh. Tsaka good mood din ako ngayon eh. Nagtaka nga si Samantha kanina kasi nakangiti ko syang binati ng 'Good Morning'. Aba'y sinampal pa nya ang sarili nya dahil baka nananaginip pa sya. Ayun! Kinurot ko ang pisngi nya. Jusko! Totoo ako. Mayghad.
Sabay kami ngayon ni Samantha as usual naman eh. HAHAHAHA. Madalas na kaming magkasama dahil nagiging busy ang jowa nya. Nakarating na kami sa receiving area ng dorm namin at nagpaalam na kay Tita Maelyne. Tuloy parin ang paglalakad namin ni Samantha patungo sa building namin. Pareho kaming gumagamit ng cellphone ngayon habang naglalakad. Naisipan ko syang tanungin.
"SamSam! Anong ginagawa mo?", I asked at sinamaan nya ako ng tingin. Aba! Ano namang trip nya?
"Reah?? Is that you? Nawiwindang na ako sa mga kinikilos mo ha. Kung nagpapanggap kang si Reah, please lang, ilabas nyo na sya. Utang na loob naman oh", she said at hindi ko napigilang matawa.
"Ano ka ba naman Samantha?! Ako 'to. Totoo 'to. Jusko. Ano nga kasi ginagawa mo?", I asked at mas kumunot pa ang noo nito.
"Reah? Nabobobo ka na ba dahil kay Adrien? Kita mong hawak ko 'tong cellphone ko, ano sa tingin mo ang ginagawa ko? Ano ka ba naman Reah?! Bad influence si Adrien sayo kaya lumayo ka na sa kanya", she said at napakunot na rin ako ng noo. Bat ako lalayo?
"Excuse me, Samantha... Bakit ako lalayo kay Adrien Marco? Aba'y bakit?", I hissed. Nakapamewang ako nan kasi nagtataka talaga ako.
"Kasi nga bad influence sya sayo. Mygoodness!", she said at sinamaan ko sya ng tingin.
"He's not a bad influence in my life. So I don't have any reason to stay away from him. Okay?", I said at inirapan lang ako.
"Whatever", she hissed at nauna nang maglakad. Hinabol ko ito pero mas binilisan nya pa ang paglalakad. Hinahamon nya ata akong habulin sya. Patakbo na sana ako ng may humila ng kamay ko.
"Aww! Ang sakit!", I said. Sobrang sakit ba naman kasi nagpapakahila sa akin kaya ganun naman ang reaksyon ko. Nilingon ko sya at nagitla nalang ako kung sino yung humila sakin.
"Ay! Sorry Aldreah! Pinapahanap ka kasi sa akin ni Marco. Pumunta ka daw sa canteen ngayon", sabi ni Charles. Yeah, that's Charles. At ano daw? Inutusan ni Marco? Si Adrien? Bakit namman ako pinapapunta nun sa canteen? Hayst.
Sa pag-aalangan kong pumunta, tinext ko muna si Marc. Malay ko ba kung pinagtitripan lang ako ni Charles.
Composed Message
To: Marc
'Hey Marc! Good Morning! Pinapapunta mo daw ako sa canteen sabi ni Charles?'Sinend ko agad iyon at nagpatuloy sa paglalakad. Medyo binagalan ko lang ang lakad dahil baka totoo ngang pinapapunta nya ako doon. Malapit kasi ako sa may canteen.
One Message Receive
From: Marc
'Ah! Good Morning! Yeah, I asked him to find you para may makasama ako sa canteen. Hindi pa kasi ako nag aagahan. Nag agahan ka na ba?'Composed Message
To: Marc
'Not yet >_< Hindi pa ako nag aagahan. Tsaka walang gana si Samantha eh. Kaya di na rin ako dumaan sa canteen'One Message Received
From: Marc
'Nice timing! Can we have breakfast together? My treat! May sasabihin din kasi ako sayo'Compsed Message
To: Marc
'Then tell me now. Kung ano man yang sasabihin mo, sabihin mo na ngayon. And yeah, I can be with you for breakfast'
BINABASA MO ANG
Still Not Enough (On-going:>)
Teen FictionA story of a girl who started to hate her life because of her own problems... Si Aldreah Maris, isang tipikal na babae na makakaranas ng mga problema na hihila sa pag asa nya na mabuhay at pipilit sa kanya upang naisin nyang tapusin ang buhay nya. ...