Chapter 7 9:27 AM

27 2 0
                                    

Exatcly! 9:27 nakarating ako kila Karl. At sakto pag bukas ng pinto, si Karl pa una kong nakita. Ay patay!

"Uhm, hi? Hello? Hehe. Pinapapunta ako ni tita Sha. May kainan daw? Tara kain na tayo." yaya ko sa kanya tapos diretso sa kusina. "Asan si Tita Sha? Kala ko may foods?"

"Kainan? Walang kainan, walang handaan." Sagot ni Kyle. "Hah? Eh kakatext lang nya sakin ah?"

Ipapabasa ko sana yung text para hindi mag mukhang nag papalusot tapos... "Lahat yun, palusot lang namin ni Karl!" bulyaw ni Kyle saken.

"Ha?" Patay...

Naloko na nga! Nag sabwatan pa ang dalawa. Ginamit pa ang cellphone ni tita Sha para lokohin ako na kunware pinapapunta ako. Naknang! Nag mukha pakong timang kakahanap sa pagkain. Shetmax naman talaga!!

"Palusot lang namin ni Kyle yun. Jane, namimiss na kita. Kami ni Kyle, miss kana namin!" Sabi ni Karl saken tapos hinawakan yung kamay ko.

"What?! Pinaglaruan nyo pako?"

"Hindi naman Jane, gusto ka lang talagang makita ni Karl para malaman kung ano ng balita sayo." Sagot naman ni Kyle. "Alam ko huling punta mo dito nung nakinig ka sa usapan nila Karl tapos nag usap kayo tapos wala. Wala na! Hindi kana nag pakita."

Nagawa pa talagang ikwento at ipaalala sakin ni Kyle ang mga nangyare. Mas lalo akong nag himotok sa galit. Umusok ang ilong! Woaar!

"Kung pinapunta nyo lang ako dito para pag laruan, i'll go. Walang kong lugar dito. Thank you, goodbye..."

Sabi ko sabay walk out...

**

Yun na yun! Huling pagkikita na ulit namin. Hindi na talga ko mag papaloko sa kanya. Tinaggal ko yung sim card ko tapos tinapon ko para sure na hindi na talaga ko maka-receive ng text ni Karl.

"Grrrrr! Puro Karl! Karl nalang ng Karl. Bestfriend ko lang sya pero may iba akong nararamdaman."

Napapaiyak nako.. Nakatingin sa baba habang nag lalakad tapos biglang may nasangi ako. Natamaan ko mukha, nalaglag yung libro. Pupulutin namin ng sabay tapos mahahawakan nya yung kamay ko then mag kakatitigan...

"Uhm, sorry! Sorry! Wala ko sa sarili." sabi tapos napatingin ako sa mukha nya.

"No, no problem! Are you okay?" Sagot nya tapos tingin sa akin. "Nasaktan ka ba?" Tanong pa nya.

"No im not. Thank you!" Sabi ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Nagpakilala sya tapos inabot yung kamay. "Hi, im Ryan! And youre?" tanong nya.

"Im Jane, Jane Zabarte!" sabi ko tapos mabilis na nakipag shake hands sa kanya.

Napatingin ako sa mga mata nya. Singkit, brown ang kulay. Ang mukha, ang kinis. Parang hindi nagka-pimple since birth! Anghel ba to?

**

Ilang saglit pa. Ayun, kasama ko na sya. Nakakwentuhan. Nang libre! Mahilig sa Siomai, naka tatlong order. Ako, ayun panay ang kwento ko tungkol sa mga nangyari kanina.

"Yun na nga.. Nainlove ako sa bestfriend ko. Kaya heto, nasasaktan ako kahit walang kame."

"You mean? You fell inlove with your bestfriend?"

"Yes, absolutely yes!"

Nasarapan yata to sa pag kwento. Todo tanong. Wagas kung maka english! Nosebleed nako. Hayst!

"Uhm, masyado na yata nasarapan kwentuhan natin. Baka hinahanap nako samin. Sige, uwi nako. Salamat ulit! Ryan.." sabi ko tapos punas ng tissue sa bibig.

11:22 AM

Anong oras na pero wala parin akong nagagawa. Nag open ako ng facebook. Tinignan ang timeline nya. Pag tingin ko, may update status..

"I miss someone.."

Nagtaka ako. Hindi ko alam kung sino yung nami-miss nya. Hindi naman siguro ako kasi bestfriend nga lang kami.

Sa mga oras nayun, hindi ko na alam kung anong pumapasok sa isip ko. Nalulungkot dahil wala nakong bestfriend. Nasasaktan dahil hindi nya ko gusto.

Maya maya may friend request notification ako. I clicked the button. "Ryan Santilles send you friend request.."

Capital O-M-G! Pano nya nalaman facebook ko? I go to his timeline. Tapos saka ko sya ina-accept.

**

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon