Chapter 2 Karl & Kyle

52 3 0
                                    

8:49 pm

Natapos na ang kahibangan ko. Tinanong kung bakit sya nandito. "Oh? Why are you here?" Tanong ko sa kanya.

"Wow, english yun ah! What was the means of this?" (carrabao) Tanong ng balubaluktot na english ni Kyle.

"Hindi ka talaga nag babasa ng Dictionary kahit kailan! You know, mas mabuting umuwi kana at mag basa ng Miriam Webster at Thesaurus para matuto mag english!"

"Aba bakit?" Tanong ni Kyle habang nakataas ang isang kilay. "Ikaw lang ba pwede dito? Hello, tindahan to kaya pwede rin akong bumili."

"Oo nga no." Sabi ko sa isip ko. Hindi naman pala saming lugar at tindahan to. "Then why are you here nga?"

"Im buying..!" Pag mamayabang nya. "Ah okay?" Halika, dun ka nalang kumain samin. Pagyayaya ni Kyle. Ako naman, mag papakipot tapos aayaw.

"Ayoko nga! May bahay naman ako, dun nalang ako kakain." Tapos dudukot nako ng pera. No choice, naiwan ko pala yung wallet ko sa kwarto kaka emo kanina. Pilit parin akong mag mamatigas at aayaw. Tapos pupunta pauwi sa bahay. Kaso pag dating ko, kamalasan! naiwan ko pati susi.

"Naknang! Ang malas ng araw na to." Pinilit ulit ako ni Kyle. Hanggang sa ayun, no choice na talaga ko kundi sumama sa kanya. "Okay fine, lets go!"

**

Meanwhile...

Nakarating na kami sa bahay nila Karl. Pag katok namin ng pinto, binuksan ni Karl ang pinto. Naku grabe! Dalawang Karl pa ang nasa harapan ko ngayon. Hays.

Nag yaya na silang kumain hanggang sa hindi ko na naman namalayan ang oras. 9:34 na! Naiwan kong bukas ang mga ilaw sa bahay. Kailangan ko ng umuwi.

Tumayo nako ng upuan tapos mag papaalam na kay Tita Sharon para umuwi. "Ta, thank you for inviting me here! Uwi napo ako." Paalam ko sabay punas ng tissue sa bibig.

"Anong oras na ah? Baka kung mapano ka pa. Dito kana tulog, friday naman ngayon sabado bukas walang pasok." Sabi ni Tita habang nag liligpit ng pinag kainan.

"Uhm, tita may gagawin pa po ako eh?" Palusot ko kay Tita. Pero ang totoo, ayaw ko talagang matulog dun kasi alam kong mag kakatabi kami ni Karl. Ayoko pa dahil masama pa loob ko sa kanya sa nakita ko kanina.

10:37 pm

Nakaligo nako. Nakapag ayos. At ready na para matulog. Zzz! Oo na, dito na talaga ko matutulog. Kasama ko na si Karl. Nakaligo na kaming pareho. Biglang huminto ang orasan at nag slowmo na naman...

Omg! Si Karl naka topless, boxer lang ang suot. Napanganga ako hanggang sa tumulo na ang laway ko. Sabay punas tapos lunok!

"Oy bakit? Namangha ka na naman sa taba ko." Hays, ang kapal talaga ni Karl kahit kailan. Lakas makapag asar. Pero totoo, kahit medyo chubby at may apat na layer ng bilbil eh ang hot parin nya tiganan. Medyo basa ang buhok, tumutulo pa sa katawan nya habang nakangiti sakin.

Yayakapin na naman ako ni Karl tapos bubulong tapos kikilitiin sa tenga. Ayan na naman! Kikiligin na naman ako. *blush* Tutulakin ko naman si Karl tapos iiwas ng tingin.

"Ang manyak mo! Dyan ka na nga." Sabi ko sabay pasok ng kwarto. Ibabalibag ko sana ng sara ang pinto kaso naalala ko, hindi pala namin bahay to. "Arrrrrgh!" Nakapasok na si Karl tapos yayakapin na naman ako tapos kikilitiin.

"Ang kulit mo!" Sabi ko pero nakangiti na. Yayakapin nya ulit ako ng mas mahigpit na tapos ako mag pupumiglas. Tapos ayan na, bubulong na naman sya "Parang hindi mo naman to first time!" Nagulat ako sa tanong nyang yun.

"Huh? Anong ibig mong sabihin." Nag iinit nako tapos nag papawis habang naka ngiti parin sya sakin. "First time! First time matulog katabi ko." Sabi nya saken tapos tumawa.

**

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon