Chapter 3 Text message

40 2 0
                                    

11:49 pm

Exactly nakatulog na nga sya. Hindi parin ako makatulog non dahil naiilang ako sa kanya. Tinitigan ko nalang sya hanggang sa unti-unti akong nakatagpo ng antok at tuluyang nakatulog...

**

Day 2, 7:39 am.

"Clinggggggg! Clinggg-clingggggg!" Malakas na tunog ang bumungaw sakin. Grabe naman pala tong alarm clock ni Karl. Parang hindi na magigising kung makatunog. Tumunog ulit ang alam clock.

"Cllllllingggggg!" Binging-bingi nako sa ingay kaya pinatay ko na. Pero si Karl, tulog mantika. Tumunog nat lahat lahat ang alarm clock, hindi parin gising. Kaya naman pala laging late nato pag pumupunta ako sa kanila. Hayst!

"Hoy Karrrrrrrrl! May sunog, tulong Karl." Sigaw ko sabay kunware ubo-ubo pa. *uhh-uho* Sa tindi ng ingay na ginawa ko, ayun nagising ang loko. Pag gising nya tingin kagad sa paligid tas umamoy kung amoy usok ba.

"Wala naman ah?" Tanong ni Karl sakin.

"Duhhh! Syempre wala talaga. Edi kung meron iniwan na kita dito." Sabi ko sabay taray ng mata sa kanya. May kumatok sa pinto..

*Tok-tok* Binuksan ni Karl, pag bukas si Tita Sharon pala. "Asan ang sunog? Anong nasusunog? Asan?!" Nag aalalang tanong samin ni Tita Sharon habang tingin sa paligid.

"Juice Colored"

"Uhm, Tita wala po. Niloloko ko lang si Karl. Tulog mantika kasi. Hehe :p" *smirk*

3:00 pm

Nasa bahay nako. Nakauwi, nag ligpit ng bahay. Nag luto ng pagkain. Siningil ang bayad sa upa ng mga boarders. Then finally, nakapag pahinga narin.

Habang papahiga palang ako, tumunog ang phone ko. *tuuuut* one new message..

"Jane, samahan moko please I need you now... :(" - KarlBest. Nagtaka kagad ako sa text nyang yun. Bakit kaya? Anong meron? Totoo kaya to? Nag reply ako para malaman kung bakit.

reply- "Hi Karl. Whats the problem?" Sending...

*tuuuuut* message not send! Tae, wala pala kong load. Hayst! So agad nakong tumayo para puntahan sya. Nag bihis ako kahit di pa naliligo para mag mukhang presentable sa pag comfort ko sa kanya. Meanwhile ay nag lalakad nako papunta kila Karl at may nakita akong naka-upo sa harap ng gate nila. Lumapit pako lalo para makita ko kung sino. Baka nag mamalik mata na naman ako si Kyle pala. Pero nung lumapit ako, hindi si Karl nga.

"Karl?" I asked him in a very anxious way. "Anong problema? Bakit ka umiiyak?"

Agad nya kong hinila at niyakap. Mas mabigpit pa, ayan hindi na talaga ko maka hinga. Bubulong na sya... "Jane, i was hurt by someone..." Nagtaka ako..

"Ha? May sumapak sayo? Sino umaway sayo? Bakit grabe ka yata maka-iyak?" Tanong ko sa kanya then mas lalo pa nyang hinigpitan ang yakap nya hanggang utal utal na talaga ako mag salita.

"Ka-ka-Karrr-l, hi-hindi nako ma-ma-makahinga." Hanggang sa binitawan na nya ang pag kakayap sakin. Pag harap nya, nagulat ako sa nakita ko.

"Karl? Why are you crying? Sino bang nanakit sayo? Bantan ko na?"

"Si Zaira, ayaw na nya sakin.."

Halos tumigil ang mundo ko sa pagkarinig ko sa sinabe nyang yun. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko na marinig kung ano pang sinasabe nya. Basta ang alam ko lang, si Zaira ang dating classmate ni Karl na naging ex na nya ngayon. At hindi ko pa alam.

Napatulala ako sa mga narinig ko.. "Jane mahal ko sya. Jane bakit niya ko sinaktan? Jane!!" Sabay iyak ni Karl.

Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Bakit ako nasasaktan? Eh, bestfriend nya lang pala ako. Wala nga palang kame...

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon