Chapter 9 Day 24 6:15 am

24 2 0
                                    

Wala na namang nangyare. Umasa na naman ako. Muling nasaktan. Nagpaloko na naman sa ako sa taong, akala ko mahal ako...

Ang tanga-tanga mo Jane! Bakit hinahayaan mong lamunin ng puso mo ang isip mo? Nasaktan ka na naman. Hinayaan mo na namang mawala ang mga taong nagmamahal sayo.

"Kaibigan? Kailangan moko dahil kaibigan moko? Karl naman! Sana nag period ka muna! Sana hindi sa ganitong paraan mo sinabe yan..." sabi ko tapos hindi ko na napigilang umiyak.

"Hindi kita kayang mahalin Jane...Im your friend. Im your bestfriend." sagot ni Karl na halatang naiiyak narim sa mga nangyayare.

"TANG-INA NAMAN! YUN LANG?!" parang sabog na akong nag isip sa sasabihin ng mga sandaling yon. Desidido na sa pagmamahal ni Karl.

"Karl, ang tagal kong hinintay na mahalin mo rin ako.. Kahit konti, kahit katiting. Kahit bilang babae lang. Yung hindi bilang isang bestfriend. Hindi bilang isang kaibigan..."

"Jane im sorry.." sabi ni Karl tapos tatalikod. Maglalakad na sana. Pero hindi ko hinayaan. Pilit kong hinawakan ang mga kamay nya.

"Karl wag mokong iwan.. please Karl! Karrrl.." halos nagmakaawa ako sa kanya. Lumuhod at hinawakan ang paa. Wala nakong pake kung magiskandalo man. Basta mahal ko siya.. Yan lang ang alam ko ng mga sandaling iyon.

Pero wala. Walang nangayre sa mga ginawa ko. Hindi kinaya ng powers ko ang pigilan sya. Nagpaka tanga na naman ako. In second time, ako na naman ang nasaktan. Puso ko na naman ang nasugatan.

**

Parang isang nobela lang ang nakalipas. Limang araw kaming hindi nagkita. Ako, hindi nakapasok sa sobrang kahihiyan. Wala nakong mukhang ihaharap pa sa kanila. Parang bulang biglang naglaho..

"Cleng-cleng! Cleng-cleng!!" Nagising ako sa sobrang lakas ng tunog ng alarm clock. 6:15 am, may 45 minutes pako para mag isip. Papasok ba o hindi?

Sandali akong naupo sa sofa. Biglang naalala ang mga nangyare sa nakaraan. Naiyak, nalungkot, hindi napigilang sisihin ang sarili at umiyak.

"Jane tama na! Tama na.."

Hanggang sa narealized ko. Hindi koto ikamamatay. Mas ikamamatay ko pag pinalayas ako ng mga kuya ko dahil hindi ako makakapasa. Studies before love muna!

"Tama, hindi ko sya ikamamatay. Kahit masakit, pipilitin ko. Kakayanin ko. Para sa pag aaral ko! Makaka-move on din ako!"

Sabi ko sa sarili ko na parang adik lang at automatic akong napagalaw. Napapunta sa kwarto. Kinuha ang mga uniforms. Maayos na pinlansya. Naligo, nag ready para sa school. Hindi para kay Karl!

Kailangan ipakita ko sa kanila na kaya ko. Na hindi ako nasasaktan.. Makaka move on ka din Jane!

Pagkatapos maligo, masinop kong inayos ang sarili ko. Sinigurado ko na walang duming makikita. Sinigurado kong presentable akong pupunta sa school makalipas ang isang linggo.

Ilang sandali pa. Handa nako, ready na ang lahat. Pati ang excuse letter na ibibigay ko kay Sir Magteach. Ang terror teacher namin sa Math. Sya ang first period namin kaya dapat handa ako.

Nag ready nako papasok. Ilang lakad nalang at makakarating nako sa school. I've fully sure na hindi ako mukhang malungkot. Kaya binuksan ko ang bag. Kinuha ang headset. Sinabayan ng masasayang tugtog. Yung mala disco! Tapos nag pabango.

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon