Chapter 14 Maligno

10 1 0
                                    

"After all those memories."

Pag dating ko sa gate ng school, nakita ko agad na naka tayo si Ryan. Nag hihintay kung dadating ba talaga ako. Hms. Let's begin my day!

Bumaba ako sa jeep. Siksikan! Nanulak pa si ateng taba! Si Lovely, mula sa pagiging hulk kanina, naging Lovely the Lovable ang peg.

"Hi Dan! Mwah."

Sabay kiss sa pisnge ni Daniel na pawisan. Mukhang matagal nag hintay at nausukan ng maraming jeep. Wet look! Babati si Dan ng "Hi babe!" ang sweet lang.

Tapos nakita na ako ni Ryan na bumaba ng jeep dala ang mga mabibigat na libro. Lalapit sya sakin tapos biglang, "Hi Jane! Welcome back..." tapos sabay kuha ng mga librong dala ko.

"Ah.. Hello? Lets go!"

Sabay kaming pumasok. Eto na naman! Hindi ko mapigilan ang mapatingin sa mga mata ni Ryan habang nag lalakad kami. Sa mukha nyang napaka kisig. Ang tindig nya, sobrang hot! Lalaking lalaki. Anag lakas ng appeal.

Habang nag lalakad kami, may mga taong nakatingin samin. Asussual, mga may crush kay Ryan. Halatang nagtataka kung sino ako. Bulong bulungan na naman. Ilang araw na naman kasi akong hindi pumasok kaya ganto!

"Diba si Jane yun?" sabi nung isang babae na malapit sa canteen habang nakatingin samin.

"Oo, sya nga! Gosh girl, kakatapos lang kay Karl ngayon si Ryan naman?" sabay smirk ng babae.

Hindi ko lang pinansin ang mga naririnig ko. Si Ryan, mangingiti lang. Nagulat ako! Bigla nyang hinawakan ang mga kamay ko. Taas noo kaming nag lakad na magkasama. Nakangiti, masaya, sweet, pero WALANG KAME!

**

Habang nag lalakad kami, may mga babaeng nakatingin saakin. Halatang nag bubulungan. Pero malakas ang boses! Nag bulungan pa.

"Oh? Sino kasama nya? Si Ryan ba yon?" tanong ng babaeng KPop fan. Lahat ng pictures ng EXO nakasabit sa leeg. Palo sa pag suot ng boler at loom bands. Kausap ang babaeng mukhang anak ni Gabby Conception. Ang laki ng ano—

"Oo gurl! Sya nga. Kapal ng mukha no?" sabi nung babaeng mukhang taong panga! Lakas makaponytail ng labas ang malalaking panga. Imbes na mapikon ako, matatawa na lang sa mga nakikita ko.

"Mga chismosa... Mukha namang mga maligno! Pangahan!!!" bulong ko sa sarili ko na ako lang ang nakakarinig.

Si Ryan, mahahalata na pinag uusapan na kami. Magkaiba kami ng building, pero dumiretso kami sa buiding namin. Hinawakan pa ni Ryan ng mahigpit ang mga kamay ko. Ihahatid ako mismo sa room.

"Wag mo silang pansinin... hindi sila mahalaga" sabi ni Ryan sakin habang papaakyat sa second floor ng building.

Bitbit ang mga libro ko, halatang napapagod na si Ryan dahil sa taas ng aakyatin namin. Pinag papawisan na. Pero halatang seryosong ihatid ako. Ako naman, mapapatingin lang sa mukha nya.

Ang gwapo talaga!

Nakarating kami sa 4th floor kung nasaan ang room ko at ang mga babaeng maligno.  Hindi ko na hinayaang ihatid pako ni Ryan sa harap mismo ng room. Mahirap na, may mga Darkness! Baka ano na namang isipin. Alam ko fresh pa sa mga utak non ang nangyari.

Madadaan ko ang mga babaeng maligno. "Alam ko na kung saan pinag lihi ang babaeng to!" sabi ni ateng mapanga.

"Saan?" tanong ng KPop fan.

"Sa linta! Isang daang linta!!" ang lakas ng pagkasabi ni ateng mapanga. Mapapalingon ako, nabanas nako sa mga sinabi nya.

Ano ako linta? Eh ano pa sya? Taong panga! Pinag lihi sa balikbayan box! Kasing lapad ng panga nya ang noo nya.  Inis ko pero sa isip ko lang. Lalapit ako para kausapin sila.

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon