Chapter 4 Jane VS. Zaira

31 1 0
                                    

"It's not about you. It's about me. Actually, it's all about my feelings for you."

12:22 pm

Makalipas ang ilang oras, hindi ko na namalayan na nakatulala na pala ako at umiiyak. Sa harap mismo ni Karl.

"Jane? Bakit ka umiiyak?" He asks me.

Ako, patuloy sa pag luha at walang masabi. Hindi ko alam kung bakit. Pero feeling ko hindi ko na magalaw ang buong katawan ko. Nag stock na nga yata ang buong katawan ko dahil sa narinig ko. Para akong na-coma na boses lang ni Karl ang naririnig ko. Sobrang sakit. Hindi ko maipaliwanag...

"Jane whats the problem?" tanong parin nya pero wala parin akong masagot.

"Nah... Dont mind me, mag babati rin kayo non. Sige, mauna nako..." Sabi ko sabay tayo, punas ng luha, konting singhot tapos ayos ng damit. Then I walk away from him.

Bakit ganon? Feeling ko talaga ako yung nasaktan. Feeling ko ako yung broken hearted. Wala ako sa sarili ko habang nag lalakad. Nag sslowmo na naman ang mundo ko.

"Let me be the one to break it up so you wont have to make excuses. We dont need.."

Nahihibang na naman ako. Yun pa talaga yung naisip kong background music eh hindi nga pala kame.

**

Day 6 5:29 am.

Lumipas ang mga araw, hindi kami nagkikita ni Karl. Naisip ko na okay narin yun. Para hindi na nya ko tanungin kung bakit ako umiyak at iniwan sya.

Patuloy na nag daan ang oras. Nasa school na kami pareho. Mag classmate kami pero hindi kami nag papansinan. Hindi ko rin alam kung bakit, pero nahihiya talaga akong kausapin sya.

Uwian na, nag bell na at nag labasan ang lahat ng estudyante sa campus. Agad agad akong nag ayos kinuha ang bag at mabilis na nag lakad pababa.

May tumawag. "Janeeeee!"

Sino yun? Tanong ko sa isip pero dirediretso parin ako sa pag lakad ng mas mabilis. Hanggang sa ayun, natapilok ako at may nabangga.

"Whats your problem Ms. Zabarte?!"

Nagulat lang ako. Tingin sa baba, sa paa. Babae ang ang sapatos. Pag taas ng tingin ko. Ay patay! Si Maam Barcy pala. Ang masungit at terror teacher namin sa Biology!

"I'm sorry maam. Excuse mee."

Mabilis akong tumakbo. Akala mo may humahabol na holdaper o aso o anumang masamang nilalang. Hingal na hingal ako pag dating ko gate. Pag lingon ko, walang tao sa paligid. Wala si Karl, hindi ako hinabol?

Nag lalakad nako, pero teka oops! Nagulat ako sa nakita ko. Si Karl, may kasamang babae. Halatang nag aaway. Nakapamewang ang babae habang nakatalikod kay Karl.

"Malamang si Zaira yun!"

Huminto ako sa gilid tapos pinakinggan ang pinag uusapan nila. "Hah? Ano daw?"

"Zaira sorry, hindi ko kayang mawala ka. Please Zaira, patawarin mo nako." Pag mamakaawa ni Karl.

"Karl, mahal din kita. Pero sa tuwing nakikita kong magkasama kayo. Nasasaktan ako. Sobra!"

Sinong babae ang tinutukoy ni Zaira? Bakit pinag pipilitan ni Karl ang sarili nya kay Zaira? Grabe, iba nato.

Nakinig pako, "Zai, im sorry! Im begging you."

Tapos may biglang sumigaw sa likod ko. Nagulat ako! "Hooooy! Anong ginagawa mo dyan? Ikaw ha." Tanong sakin ng kambal ni Karl.

"Wala, bibili ng candy! Napadaan lang tapos nakita ko sila nag aaway." Palusot ko kunware.

"Eh bakit nandyan ka pa? Yun lang ba talaga?"

Sa lakas ng salita ni Kyle ay narinig na kami nila Karl. Tumingin si Karl at Zaira saken. Si Zaira ang una kong tinignan. Tumingin din sya sakin, mula ulo hanggang paa.

Malungkot at halatang nangingiyak si Zaira sa pag tingin nya saken, hindi ko alam kung bakit.

Umalis na si Zaira, iniwan si Karl na nakatayo lang habang tinitignan sya paalis.

"Anong problema ng mga to? L.Q?"

Nag lakad na si Karl pauwi tapos hinatak narin ako ni Kyle para isabay.

"Aray ko! Nasasaktan naman ako."

Hindi parin kumikibo si Karl. Nag kakagulo na kami ni Kyle sa kalsada sya tuloy parin sa pag lakad.

"Nakikinig ka sa usapan nila Karl no?" sa lakas ng tanong ni Kyle saken, narinig ni Karl tapos biglang tumigil. Kami rin ni Kyle napatigil.

Lumingon si Karl samin tapos tumingin sakin. Hindi ko mawari kung ano, mukhang malungkot, galit at naiiyak.

Iniwas ko lang ang tingin sa kanya.

"Jane, can we talk? Tayong dalawa lang." Sabi ni Karl sakin tapos nag tuloy sa pag lakad.

Nag init na naman ang buong katawan ko. Pinag pawisan. Natulala, tumulo ang laway sabay punas tapos lunok. Feeling ko huminto na naman ang mundo ko. Nag sslowmo na naman.

"Bakit kaya?" sabi ko sa isip ko habang hindi parin ako makalakad.

**

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon