Chapter 15 Pagbabalik

14 1 0
                                    

Saturday 8:32 AM

"Paglisan mo? Kailan ka aalis.."

"Bakit ngayong okay na tayo..."

"JANE!!" pero hindi parin nag sisink-in sa isip ko ang lahat.  Isang malakas na sigaw ang naririnig ko mula sa isang magandang paraiso.

"Bakit mokong iiwan??"

Nagulat nalang ako ng biglang—nasa kwarto ako nila Karl? Tapos biglang may sisigaw na naman.

"Hoy Jane! Nako, anyare na sakanya Karl? Binabangungot. Baka hindi magising! Buhusan naten ng malamig na tubig!"

Booggssh!

Hindi tubig ang naramdaman ko. Mabigat. Mabigat na bagay! Pero parang tao. Chubby at malambot ang mga katawan neto.

"Jannnne!"

Bigla akong mapapatayo. "Ha? Nasan ako??" tanong ko.

"Nasa bahay! Nasa kwarto. Dito sa kwarto namin ni Karl!"

Ha? Sa kwarto nila Karl? Wala ako sa room? Wala ako sa tabi ni Karl. Hindi ako umiiyak. Hindi ko sya kausap? Walang maiitim? Wala ako sa schoooool?!

Pag tayo ko, wala pako sa sarili. Hindi pa buhay ang diwa ko. Nakatulala lang ako sakanila. Malayo ang distansya mula sa kanila. Parang naka hawak ako sa buhok ko.

"Jane???" sabay kaway kaway ni Kyle sa harap ko. "Gising kana?"

"Gising?"

Magugulat ang dalawa. Curious si Kyle and Karl. Parang naloloka sakin. "Oo gising.. Hello!" sagot ni Kyle.

"Wala tayo sa school? Karl?!" sabi ko na nag aalala na.

"Wala naman na, talaga tayo sa school eh!" sagot ni Karl.

Gulat ako. Bigla nalang akong mapapakamot. Mag iisip ng mga nangyare. Bakit ako nasa kwarto nila Karl? Bakit wala ako sa room. Anyare?

Panaginip lang ang lahat?

Pilit kong inalala ang lahat. Hanggang sa bumalik ang diwa ko ng alugin ako ni Kyle. Buong katawan. Gising agad ang isip ko.

Ano ba talagang nangyare?

Teka, balikan naten...

Nag uusap kami ni Karl. Nag sorry sya. Nag kaayos kami. Nangakong gagawa ng magandang memories. Naluha. Nag drama. Nag goodbye. Tapos— Clingggg! Nag ring ang bell.

Uwian, magkasabay kaming tatlo umuwi. Pero hindi sa bahay, kundi kila Karl!

"Paglisan..."

Naalala ko, kaya pala... Sa sobrang lungkot ko dahil sa sinabe sakin ni Karl. Wala nakong naalala kundi yun. Ang salitang "Paglisan."

Pagdating sa kanila, kumain, nag linis, nag hugas, panay ang tingin kay Karl habang... "Paglisan" sabi ko sa isip ko.

Nakatulog pala ako! Hanep, mula tanghali hanggang umaga? Hindi ako nagising. Lakas ng tulog ko. Parang ngayon lang ulit nakapag pahinga ng ganon.

**

Pagkatapos namin mag usap. Masaya na pala kaming umuwi. Kahit may konting lungkot, atleast kasama ko si Karl. Kaya maginhawa ang pag tulong ko. Pero nasobrahan naman.

"Jane? Nananaginip ka." sabi ni Karl sabay kaway sa mga mata ko.

Napalunok lang ako kahit badbreath pako, ughh! "Panaginip lang?"

180 days, 4minutes and 29 seconds with my bestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon