Jake's P.O.V
Good morning world! FRIDAY MORNING! Kakagising ko lang mula napaka sarap kung panaginip yung panaginip na ako ang prinsesa at yung banda hahalikan na ako ng aking prinsipe ay may--- *slap slap slap* "aray" bwesit ginising ako ni kuya at sa mukha pa talaga? sampalin ko tung mokong na to eh! by the way my kuya is CLIFFORD TORRES gwapo isa sa campus crush, magaling sumayaw dahil kabilang siya sa dance troupe nila kaya palagi siyang pinapansin nang mga girls! balik tayo haha
"eh bat mo ba ako ginising? natutulog yung tao" sabi ko sabay simangot sa mukha ni kuyang nakangisi sa akin na parang clown sa kanyang ginawang kalokohan
"Hoy! pasalamat ka nga ginising pa kita tingnan mo yung oras ha? araw ngayon nang enrollment jake!" pasigaw na sabi ni kuya sabay talsik ng kanyang laway sa aking mukha
Tiningnan ko yung oras OMG 7:30 na kailangan kung maligo nang mabilis dahil may cut off na time yung enrollment sa school na papasokan ko!
"Ew! laway mo oh tumalsik na mukha ko" sabay alis nang laway na nakadikit sa pessslak ko.
"aleast mabango bibig ko presko bagong ligo, eh ikaw?" nang aasar pa talaga tung si kuya ehhhh
"oh sige na maliligo na ako ng mabilis maghintay ka nalang sa baba" sabi ko sa kanya at agad namang lumabas ng kwarto ito. Si kuya kasi nag aalaga sa akin dahil si ate at nanay tatay ko nasa resort sa Cebu eh kami nalang ni kuya nag aaral dito sa Maynila eh, bakit pa kasi kami dito nag aral e may paaralan naman sa Cebu, sabi kasi nang parents ko mas advantage daw samin na mag aral dito kasi kilala nila ibang teachers sa school kaya mas madali nilang ma approach kapag may ginawa kaming mali. Balik tayo kay kuya si kuya ang hatid sundo sa kin sa eskwelahan siya ay 2nd year college sa Barden University de Manila at kursong Medicine at ako naman mag eenrol sa school nila as Senior high school student Grade11 with academic strand of STEM gusto ko kasi engineering *chaaarr matalino bida nyo* kaya sabi ni kuya sa school nalang nila ako mag enroll dahil high equip ito sa kagamitan at High Class Students! Ngayong araw sasamahan ako ni kuya mag enroll para hindi raw ako mawala sa loob ng campus dahil sa laki nito. Natapos na kong naligo at nagbihis kaya bumaba nako wearing plain Vneck shirt at black pants and white shoes ang cool tingnan, nakita ko si kuya sa sala na nakatulog dahil siguro sa katagalan ng aking pagbibihis. Opssss oras na para makaganti, ang cute niya parang halimaw na natutulog lang hahaha patutuluan ko ng malamig na tubig ang mukha niya para magising sa inis, nung namalayan na niya na parang may tumutulo ay agad siyang bumangon na basa ang mukha at ako naman tawa lang ng tawa.
"anong ginagawa mo bat binasa mo ko?" tanong ni kuya na halatang naiinis
"ayan kuya patas na tayo kanina inisturbo mo ko sa pagtulog ngayon ikaw naman hahahaha" sagot ko sa kanya na siyang nakainis lalo sa kanya, sanay na kami ni kuya na mag kulitan at gumawa ng mga kalokohan kaya close na close kami sa isa't isa.
"nakakainis ka! tara na baka maabotan kapa ng cut off sa enrollment" sabi niya sabay alis papuntang kotse, nakapag enroll na kasi ang kuya ko kaya ako nalang ang tinutulungan niya para makapasok sa school at yung parents namin every week nagpapadala ng allowance.
"hali kana sakay na!" sabi ni kuya na parang nagagalit at wala sa mood, sumakay na ako sa kotse at habang nagmamaneho ay wala kaming imikan magkapatid at hindi ako sanay sa ganoon kaya ako na ang umunang magsalita
"kuya?" sabi ko sa kanya at tumango siya sakin
"kuya galit kaba?" tanong ko habang sad face
"hindi! naiinis lang ako sayo pero okay lang patas na tayo, hindi ko naman kayang magalit sa pinakamamahal kung kapatid" sabi ni kuya habang nagmamaneho na ikinasigla ko naman
BINABASA MO ANG
RAINBOW LOVE
RomanceM2M Love story, related as part of LGBT Community, Love is no gender we must spread it all over with respect to each other, contains SPG parts!