CHAPTER 4 - FIRST DAY OF CLASS

555 22 0
                                    

dahil sa sobrang pagod ko kahapon hindi ko na naisipang gumising kagabi kaya maaga na ako nakagising hindi man lang ako nakakain ng dinner kagabi.

Good Morning! Hello it's monday, ito na first day of school super excited akong pumunta sa school to meet new friends, new faces, nag iwan ng message sakin si tramyar na sa school nalang kami magkita.

Time check it's 6:20 AM, naligo na ako, after 15 minutes ay nagbihis ako ng pang sibilyan kasi wala pa kaming prescribe uniform kasi kailangan pa naming magpatahi, so for today's outfit I'm wearing my plain white Vneck tshirt with cute little rainbow logo on the chest my favorite shirt at gray pants and white shoes kaya para cute na bakla kung tignan hehe. Bumaba ako dahin tinawag ako ni kuya para mag almusal. Ang cool ni kiya sa outfit niya, tapos na kaming kumain we lock the house at nagmaneho si kuya, papunta na kami sa school ngayon it's been 7:30 na kasi.

Nasa school na kami ang daming students pano ko kaya makikita si tramyar ngayon? Na e park na ni kuya ang kotse nya at hinatid niya ako sa STEM classroom sabagay siya naman ang mas nakakaalam sa campus, section 1 classroom ko kaya matatalino mga kaklase ko, mga magaganda at gwapo mga kaklase ko umupo nalang ako sa isang vacant seat sa likuran mukhang matatagalan pa naman ang teacher namin excited ako ma meet siya, may isang kaklase ko na lumapit sa akin at nakipag kilala...

"Hi I'm Nico Cyrille Ortega, nice to meet you" sabi niya, OMG ang cute niya chinito siya, maputi, ang kinis ng balat at mapula pulang labi na ang sarap kagatin, cheeee ang landi ko...

"ahh h-hello I'm Jake Andrei Torres, nice to meet you too" pagpapakilala ko naman, nag shake hands kami at ang lambot ng kamay niya parang teddy bear ko na inaakap tuwing gabi, ngumiti ako sa kanya at bumalik siya sa upuan niya. Wala akong katabi vacant rin kasi, nasan naba ang baklang yun si tramyar, speaking of the devil I mean speaking of dumating si tramyar at OMG magklase kami, agad ko siyang sinalubong nang yakap dahil sa saya, Smart gay din tung si tramyar consistent honor din. tumabi si tramyar sakin at nag kwentuhan kami.

Ilang minuto ang nakakalipas ay dumating ang adviser namin sj maam Pearl Osorio...

"Good Morning Mrs. Osorio" bati ng lahat

"Good morning too class, so today we are not going to start our module yet I am going to give you this following requirements" sabi niya, nakinig kami sa kanya habang binibigay ang requirments, nagpaalam si tramyar dahil naiihi daw sha nag okay naman ako, pagkalabas ni tramyar ay may lalaking pamilyar ang pumasok...

"Ohh so you are Mr. Abella right?" sabi ng teacher namin

"Yes maam where should I sit po?" sabk naman niya

"Pwede kang umupo sa tabi ni Mr. Torres duon sa likuran" sabi ni teacher na ikinagulat ko kasi hindi alam ni teacher na katabi ko si tramyar

"Maam but I have a seatmate already" sabi ko kay maam

"wala pa naman seatmate mo don't you worry Mr. Torres we will have our seat plan as soon as possible" explain ni maam

hindi na ako nakapagsalita at tumabi na ang lalaki sa akin, bwesit tung baklang si tramyar to wrong time kung umihi, kaya pala pamilyar siya sakin e kasi siya lang naman ang one and only enemy.

"hey I know you ikaw yung..." sabi niya, hindi ko siya pinatapos

"chee oo ako yun at ikaw yung suplado" sabi ko naman sabay snob sa kanya.

"By the way I'm Jay Shin Abella, and you are Ms. Clumsy" sabi niya, anong sinabi niya ako pa talaga clumsy ngayon? eh siya naman ang wala modo

"Jake Andrei Torres sir" sabi ko sabay snob sa kanya

"Shin nalang itawag mo sakin" sabi niya, hindi ko siya pinansin ay maya't maya ay dumating na si tramyar kinindatan niya ako dahil kilala niya si shin kaya umupo siya sa harapan namin sa tabi ni Nico, ito talagang baklang to ang harot ayun naki pag kwentuhan kay Nico gugustuhin ko sanang tumabi kay Nico pero itong Shin nato ang nakatabi ko..

*krrrrriiiiiinnggggg* tunog ng bell recess na lumapit si tramyar sakin upang magkasama kami sa canteen..

"Jake samahan pwede sumama ninyo?" sabi ni nico

"sure why not" sabi ni tramyar

"eh bess ikaw ba ang tinatanong?" sabi ko.kay tramyar, natatawa sa amin si Nico

"yes Nico you can join us" sabi ko sa kanya

pumunta na kami sa canteen at nakapasok kami nakaupo na kami sa isang table at...

"jake ano gusto kainin? treat ko" sabi ni nico

"ahh wag na, ako nalang bibili, nakakahiya kasi" sabi ko naman, hindi nakaimik si tramyar dahil busy tumitig sa mga lalaki, ang landi talaga. Nag order na nga kami, habang umoorder ay may lalaking sumingit sa pilahan sa canteen.

"Hoyy! Shin wag ka ngang sumingit pumila ka nga ng maayos!" sabi ko sa kanya

"pakialam mo Jake!" sabi niya

hindi nalang akk pumalag sa kanya at pinabayaan ko nalang siya sa kanya ginawa, after recess ay bumalik na kami sa aming classroom at YES katabi ko nanaman ang loko.

"kailan paba ang seat plan ni maam" bulong ko sa sarili ko

"anong sabi mo" sabi niya, oppsss narinig niya na may pinagsasabi ako

"ah wala sabi ko cute ka" sagor ko naman sabay snob,

"sure ka cute ako?" sabi ni shin sabay lapit sa mukha niya

bakit ko naman nasabi na cute siya baka naman mas lalong kumapal pa ang mukha nito...
pumasok na subject teacher namin at as usual sa mga first of class requirements!,

*launch break*

after launch break ay ganun parin ang mga subject teachers puro pakikilala lang at introduce yourself until afternoon subjects requirements parin lahat. Wala kaming imikan sa katabi ko sino ba naman may gustong makig pag kausap sa taong kaaway mo, kaya nung narinig namin ang pang last subject na bell ay nag paalam kami sa teacher namin at lumabas ng classroom para umuwi, habang naglalakad kamj ni tramyar ay nakita namin ang mga barkada namin sina efren, kianny, ay channy nai kwento nga nila na dito sila mag aaral kaso ibang strand sila si Kianny at Efren ay Accountancy and Business Management (ABM) samantalang si Channy naman ay Arts and Design kasi fashion designer, ikwenento nila ang kanilang first day of class pati narin kami ni tramyar puro lalaki lang ang topic namin. Nagpaalam na kami ni tramyar nina channy kianny at efren kasi magkaiba kami ng daanan pauwi ng bahay namin. Sinabi ko na kay kuya na hindi ako sasakay sa kanya kasi mas masaya pag nag lalakad. 5:30 na ng nakarating ako ng bahay agad kung trinabaho ang requirements ko sa school. Ganyan naman talaga tayong mga pinoy eh kapag kakabukas palang ng klase todo tayo kung gumawa pero kung natagalan na ay magsasawa din hahaha, natapos ko na ang aking gawain at tinawag ako ni kuya upang mag dinner. Pagkatapos naming mag dinner ay nag online muna ako nakita ko na nag add friend sakin si Nico at ibang ka klase ko at pati na din si Shin, I confirm them all excepr kay Shin chooossy lang ate nyo haha.

After online ayy nag half bath muna ako then after ay tulog agad may pasok pa kasi bukas...

____________________________________

Author's Note

hey guys! hope you like this chapter and sorry kung hindi ako maka update after few days but I'll promise magbabalik ang magandang author niyo! 😊 guys hope you keep on voting and reading, if you have questions just comment or message me my following accounts

instagram: @raymartyyy
twitter: @raymartyyy🌈
facebook: Raymart Amarado Dabucol

thank you guys! 😘🎉

RAINBOW LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon