CHAPTER 2 - SATURDAY NIGHT

878 15 0
                                    

gumusing ako around 8:00 A.M wala sana akong planong gumising kaso naamoy ko ang mabangong linuluto galing sa kusina kaya agad akong pumunta sa banyo upang mag gargle para fresh breath at nabg hilamos para mas lalong fresh ang maganda. Bumaba na nga ako at nagtungo sa kusina nakita ko si kuya nagluluto ng bacon at itlog kay pala ang bango bango

"jake kumain kana paborito mo bacon" sabi ni kuya habang nakangiti

"charrr ang caring natin ah! mukhang masarap to kuya" sabi ko sa kanya

"masarap talaga yan kapag ako nagluto di katulad mo magluto nasusunog naman" paasar na sabi ni kuya sakin, kasi yung time na nag prito ako ng bacon nasunog kasi nagmistulang uling na flat na crispy kaya ako tinutukso ni kuya

"che!" sabi ko, kumuha ko nang plato para kumain naparami ang kain ko kasi minsan lang siya magluto nang ganito dahil kadalasan tamad mag grocery kaya wala kaming stock minsan. Matapos kung kumain ay naisipan kung maligo para super fresh na ako, nang biglang...

*call from Tramyar*

bakit kaya tumawag to? Baka may kailangan, sinagot ko na yung tawag niya

"Hello bess? napatawag ka?" tanong ko sa kanya

"ah bess, free kaba ngayon?" tanon niya naman

"oo boring nga dito sa bahay ehh" sagot ko sa kanya

"tara punta tayo sa mall bili tayo nang school supplies" sabi niya

"sige sige, bibili narin ako nang akin , maliligo muna ako" tugon ko naman

"sige ako rin maliligo na rin ako, bye kitakits" sabi niya

*call ended*

agad akong pumunta sa banyo para maligo, after 15 minutes tapos na akong maligo magbibihis na ako at naghahanap ako ngayon ng masusuot na damit sa wardrobe ko ito nalang siguro susuotin ko isang white Tshirt na may print na LGBT flag logo sa chest at isang maong na shorts na kulay black, no need kasi mag ayos ako ng todo mall lang naman yun ehh after magbihis I undergo my skin care which contains lotions, facial cream,etc. Tapos na ako ready na pumunta ng mall. Teka! hindi ko alam kung saan kami magkikita e tetext ko nalang siya

*Text Message to Tramyar*
*bess saan tayo magkikita?*

*Text Message from Tramyar*
*sa SM mall nalang tayo magkita text ka nalang or tawag kapag na doon kana or sino mauna saatin*

*Text Message to Tramyar*
*sige bess ingat ka*

papunta ako ng SM mall sakay nang isang taxi di naman gaano kalayo ang mall pero mahina ako sa lakaran lalo na kapag walang kasama nakakatakot kaya yun. After 20 of travel nandito na ako sa mall medyo madaming tao kasi nga Saturday walang pasok, papasok na sana ako nang biglang nahulog ang phone ko dahil nasagi nang lalaki

"kuya sa susunod mag ingat tayo lalo na pag maraming tao" sabi ko sa kanya

"wag ka kasing humarang sa daan!" sagot niya sabay lakad palayo, aba! siya pa ang galit eh ako nga itong nagluluksa. Teka! parang pamilyar yung lalaki sa kin. Gwapo siya pero suplado mukhang siya yung lalaki sa campus na naglalaro ng basketball. Nakaka turn off yung pinakita niyang attitude sa akin kanina, di bale na nga ma tawagan ko na tung kaibigan ko asan na kaya siya?

*calling Tramyar*

"hello asan ka?" sabi niya naunahan akong magtanong haha

"nandito ako sa main entrance bilis" sagot ko

"sige papunta na" at pinatay na niya ang tawag maghihintay muna ako sa kanya, nawala ang mood ko sa nangyari kanina kainis, at ilang saglit lang andito na sha!

RAINBOW LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon