Masarap ba maging single?
'yan ang tanong na di masagot ni Cath, Aica, Ai and Ysa.
Para sa kanila, ang buhay single ay masaya na puno ng kabaliwan.
Ang grupo nila ay "single ladies" kung tawagin ng mga nakakakilala sa kanila.
Si Ysabell "Ysa" Francisco ay NBSB. "No boyfriend since birth"
Puro lalaki ang kapatid at siya pa ang bunso kaya siguro takot ang mga lalaki na ligawan siya.
Si Aimee "Ai" Gomez ay ganun din. NBSB. Para sa kanya, wala pa ang right and perfect guy for her. At willing siya hintayin ito kahit kailan.
Si Cathlyn "Cath" Fernando ay hindi NBSB. Nagka-bf na siya pero nasaktan siya ng husto at ayaw niya na ulet itong maranasan.
Si Jamaica "Aica" Dela Cruz ay NBSB din. Si ang muse ng buong campus. Madami siyang manliligaw pero hindi niya type ang mga ito.
Habang naglalakad ang apat sa campus...
"Ayan na ang single ladies." ani ng lalaking nakashades.
"Hi Aica. Tulungan na kita magbitbit ng gamit mo." wika ng isang tennis player.
"Naku wag na. Di kita type. Kung may bibitbit ng gamit ko yun ay si Enrique Gil." Masungit na sambit ni Aica.
Nagtawanan ang tatlo at lumakad patungo sa kanilang favorite place.
"Ano ka ba naman Aica? Kawawa naman si James, pinahiya mo." Wika ni Ai.
"Tama lang yun sa kanya. Para hindi na mangulit. Nakakairita eh. Hanggang bahay sinusundan ako." Paliwanag ni Aica.
"Teka, maiba ako, sasama ba kayo sa tour?" singit ni Cath.
"Go lang ako dyan. Pinayagan na ko ng parents ko." Pagmamalaki ni Ysa.
"Ows?! May iba pa ba? Magugulat ako kapag di ka pinayagan." pang-aasar ni Ai.
"Syempre may tiwala ang parents ko saken." pagtatanggol ni Ysa sa sarili.
May tour ang buong Bachelor of Science in Tourism Management (BSTM) sa Baguio. Required na sumama ang lahat para sa subject nilang humanities.
BINABASA MO ANG
Single Ladies
TeenfikceThis story is dedicated to my friends. You know who you are. :)