Chapter 8

18 0 0
                                    

Dumiretso sila sa bahay nila Ai. Nagpadeliver sa Mcdo at nanood ng mga DVDs.

Biglang nag-iba ang topic.

"Cath, kailan mo sasagutin si Nash? Almost 4yrs na un nanliligaw sayo after mo ma-heartbroken ah." Tanong ni Ysa.

"Oo nga. Kala mo kasi magiging panakip butas lang siya. Pero tignan mo, inantay ka talaga nya." dagdag ni Ai.

"Baka hindi mo pa bigyan ng pag-asa huh. Ikaw rin, mahirap na makahanap ng ganyang lalaki sa panahon ngayon. Pero love mo na ba sya?" dagdag pa ni Aica.

Hindi agad nakasagot si Cath.

Mahal niya na kasi si Nash. Alam niya na may pag-asa si Nash para sa kanya. Hindi niya mabigay ang matamis na OO dahil sa deal nila.

Walang ibang nakakaalam tungkol sa deal nila. Silang apat lang ang may alam at bawal sabihin sa mga manliligaw.

"Ahhmm. Hindi pa kasi...." Bitin a sagot ni Cath.

"Anong hindi? Nakikita ko sa mata mo na gusto mo na din sya." pambubuking ni Ysa.

"2months nalang naman maghihintay si Nash eh. Kaya nya un." Sabi ni Ai.

Hindi na sumagot si Cath. Alam niyang pagtutulungan siya ng tatlo.

Plano niya na din naman sagutin si Nash after grad. Kasi bukod sa kanilang 3 ay si Nash ang nagsilbing kuya nya.

Mabait at napaka-gentleman. Yan ang hanap ni Cath sa isang guy.

Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon