Nasa Canada ang parents ni Ai. Dahil graduation, uuwi ang mga ito sa Pinas. Pero hindi nila pinaalam kay Ai.
Plano nilang i-surprise si Ai dahil almost 4yrs na din silang hindi umuuwi. Last na uwi nila noong graduation ng high school.
Ang alam ni Ai ay hindi sila uuwi sa graduation niya dahil sa work nila. Naiintindihan niya naman ang mga ito.
May biglang huminto na sasakyan sa harap ng bahay nila Ai. Napatingin sila lahat at sobrang nasurprise si Ai sa nakita nya.
"Totoo ba 'to? Sila Mama at Papa ba un?" Naiiyak na sabi ni Ai.
Agad siyang tumakbo para salubungin ang mga ito.
Niyakap nya ng mahigpit ang parents nya. At ang tatlo ay tumulong sa pagpasok ng mga gamit.
Nagkwentuhan sila sa sala at di pa din makapaniwala si Ai. Naiyak talaga siya.
"Tita, ang sabi po samin ni Ai hindi daw po kayo makakauwi sa graduation." sabi ni Aica sa parents ni Ai.
" Pwede ba yun? Syempre graduation ng nag-iisa naming anak tapos wala kami. Binibiro lang namin siya." Pahayag ni tita claire.
Kumain sila ng mga chocolates at ang daming pasalubong para kay Ai.
Sobra talaga ang kasiyahan ni Ai. Namiss nya talaga ang parents niya at tumabi pa sya sa mga ito sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Single Ladies
Novela JuvenilThis story is dedicated to my friends. You know who you are. :)