Chapter 3

38 0 0
                                    

Binitbit nila ang lahat ng gamit papunta sa bahay sa tutuluyan nila. Magkakasama sila sa isang kwarto. Kasi dalawang double deck kada isang kwarto.

"Tara, pasyal na tayo." pag-aaya ni Ysa na halatang sabik mamasyal.

"Wait lang huh! I'm not yet ready." Ani ni Aica habang nagsusuot ng jacket.

"Iwan na yan. Chos!" pang-aasar ni Ai.

Sumakay sila ng kabayo at sumayaw kasama ang mga igorot. Nagpicture-picture din sila at namili.

1st day palang nila sa Baguio pero kala mo matagal na silang nakatira doon.

Bumalik na sila sa camp at nagbonfire.

Grabe ang halakhakan nila. Kala mo wala ng bukas. As usual, ang topic nila ay ang mga manliligaw nila.

"Kelan ba tayo magbboyfriend?" Iniba ni Ai ang usapan.

"Ako anytime. Si Ai lang naman ang inaantay naten eh. Ang tagal kasi ni Mr.Right. Hahahaha!"

Pang-aasar ni Aica.

"Baket? Ikaw Ysa? Meron ka na ba?" tanong ni Ai.

"Meron na. Kaso di nya ko kilala. Chos!" Tawa ni Ysa.

"Hay naku, huwag nyo na balakin pang umibig. Masasaktan lang kayo." Paalala ni Cath.

Si Cath ang pinakamatured sa kanila when it comes to love. Siya lang kasi ang may experience.

Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon