Isang linggo nalang at graduation na. Wala na silang ginagawa sa school kundi magpractice ng graduation.
Mahilig sa hello kitty si Aica at alam nilang lahat yan. Madami siyang mga gamit na puro hello kitty at halos lahat ng mga ito ay galing sa manliligaw niya.
Nag-iisa lang din siyang anak at spoiled siya sa parents niya.
Lahat ng gusto niya ay nakukuha niya. Kaya kung saan siya masaya ay suportado siya ng parents niya.
Mahilig siya magmodel at noong bata siya ay may mga commercial na siyang nilabasan.
After grad ay plano niyang i-try ang offer sa kanya. Matagal na siyang pinipilit mag-artista pero gusto niya na makatapos muna siya ng pag-aaral.
Ngayong malapit na ang grad, pumirma na agad siya ng contract sa channel9 kung saan nandoon ang ultimate crush niya na si Enrique.
BINABASA MO ANG
Single Ladies
Teen FictionThis story is dedicated to my friends. You know who you are. :)