Chapter 5

34 0 0
                                    

Matapos ang isang linggo, umuwi na silang lahat ng Manila. Nag-enjoy silang apat at nakapagbonding. Lagi silang nagsosolo. Hindi sila sumasama sa ibang mga ka blockmates.

Sobrang dami nilang napamili at halos lahat ng mga ito ay pare-parehas sila. Mula sa mga accessories, damit, bag at slippers.

Madami din silang mga pictures. Puro stolen, wacky and jump shot.

Walang humpay na kwentuhan at asaran ang nangyari pagbalik nila ng Manila. Isa na dyan ang pang-aasar kay Aica dahil nahulog sa kabayo.

Pagsapit ng 2nd year college, ang next tour nila ay sa Ilocos. May simpleng kompetisyon na gaganapin doon. Yun ay ang Mr. & Ms. Tourism 2009.

Napagkasunduan ng magkakaibigan na sumali sa kompetisyon. Trip-trip lang nila para maiba naman.

Syempre may evening gown competisyon, swimsuit competition, eco-competitio and of course talent competition.

"Ano talent mo Aica? tanong ni Ysa.

"Tinatanong pa ba yan? Of course kakanta ako." Pagmamalaki ni Aica.

"Ikaw Ai? May naisip ka na ba?" Tanong ni Ysa.

"Ahmmm. Magsasayaw nalang ako. Di lang nila alam, nagdance lesson kaya ako nung elementary. Hahaha." Halakhak ni Ai habang di makapaniwala ang tatlo.

"Eh ikaw Cath?" Huling tanong ni Ysa.

"Sing and dance ako syempre. Hindi ako magpapahuli. Sarah Geronimo ang peg." Banggit ni Cath.

"Teka, bakit kami lang tinatanong mo? Ano ba talent mo?" Tanong ni Aica kay Ysa.

"Wala nga eh. Alam mo namang wala akong talent. Pwede bang 'wag nalang sumali?" Seryosong wika ni Ysa.

"Ano ka ba naman Ysa? Ok lang yun. Magandang experience 'to. Lalo na kapag nakita ka ni Enzo na naka-swimsuit. Lalo yun maiinlove sayo." Pang-aasar ni Ai.

"Hahaha. Baliw ka talaga." natatawang sabi ni Ysa.

Hayy..

Di pa din makapag-isip ng talent si Ysa. Ayaw niya ng sumali kaso baka isipin naman nila na KJ sya kaya sumali nalang din siya.

Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon