Chapter 2

43 0 0
                                    

Dahil required, silang apat ay sapilitang sumama para lang hindi bumagsak sa humanities.

3bus silang lahat at sa bus number 3 sila nakasakay. Si Aica at Ai ay magkatabi habang si Ysa at Cath naman sa kabilang banda.

"Hanap tayo ng boyfriend sa Baguio." pabulong na sabi ni Cath kay Ysa.

"Ano? Isang linggo lang tayo dun tapos boyfriend agad?" Wika ni Ysa habang nakangiti.

"Oo. Madami foreigner dun. May itim at may puti." Pang-aasar ni Cath.

"Ewan ko sayo Cath. Masaya na ako sa buhay single noh. Kung ikaw nalulungkot. Edi sagutin mo na si Nash." Seryosong banat ni Ysa.

"Eto naman di na mabiro. Of course I'm super duper happy sa pagiging single. Wala ng luha na papatak." Wika ni Cath.

Napaisip ng malalim si Ysa. Gusto niya maranasan umibig pero ayaw niya. May pag-aalinlangan siya na pumasok sa isang relasyon.

"I'm feeling sexy and free..." kanta ni Aica habang nakikinig ng kantang domino ni Jessie J sa bago niyang Cellphone.

"Hinaan mo naman boses mo. Natutulog yung tao teh." wika ni Ai na halatang nagulat sa pagbirit ni Aica.

Medyo traffic kaya nakatulog na sila sa biyahe.

Mahilig silang maglakwatsa lalo na kapag maaga ang uwian. Sa bahay nila Ai sila kadalasan tumatambay kasi bukod tanging si Ai lang ang tao sa bahay at ang isang kasambahay.

Nag-ssleepover na din sila kapag walang pasok kinabukasan sa school. 1st year college palang sila at 4yrs na silang magkakaibigan.

Kilala na nila ang bawat isa at ang lihim at sikreto ng bawat isa.

"Malapit na ba tayo?" tanong ni Ai kay Aica.

"Medyo. Mga 30 minutes nalang." sabi ni Aica.

"Kaya pala giniginaw na ko" ani ni Ai.

"Penge akong oreo Aica." wika ni Cath na nakajacket ng floral.

"Ako din penge." Habol ni Ysa.

"We're already here in Baguio."

Pahayag ng tour guide nila.

"Yehey!" Sigaw ng isang classmate nila na kulang sa pansin.

Single LadiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon