Pagkatapos sumayaw ay officially na pinakilala ni Cath si Nash sa tatlong kaibigan.
Lumipat muna ng table si Nash kasama ang mga kaibigan niya din.
"Finally, kayo na ni Nash. We're so happy for both you, girl." Ani ni Ysa.
"Thanks girls. Alam ko naman na suportado niyo kami diba?" wika ni Cath.
"Oo naman. Sumbong mo lang saken yan si Nash kapag pinaiyak ka at uuwi talaga ako agad dito." matapang na sabi ni Ai.
"Uuwi? Bakit? Saan ka pupunta?" tanong ni Cath na gulat sa sinabi ni Ai.
"Girls, sasama na ko kila Mama and Papa pabalik ng Canada. Tutal graduate na naman ako. At napagkasunduan namin na dun na din ako kasama sila." paliwanag ni Ai.
Halatang gulat ang tatlo. Pero tanggap nila dahil alam naman nila na magkakahiwalay sila ng landas after grad dahil sa bagong yugto ng buhay nila.
"Mamimiss ka namin Ai. Pero sa tingin ko dun mo mahahanap si Mr.Right. Kapag nakita mo na sya, wag mo na pakawalan. Hahaha!" Pang-aasar ni Ysa.
"Loka-loka ka talaga!:)" sabi ni Ai.
"Ako uuwi din sa Laguna. Sa akin na kasi pinapa-manage nila mama yung business namin." dagdag ni Cath.
"Paano si Nash?" tanong ni Ysa.
"Pwede naman siya bumisita. Isang sakay lang naman yun at may gift daw na car ang parents niya sa kanya. Kaya pwede niya ko puntahan. Hahaha" sagot ni Cath.
"Ako itutuloy ko ang plano kong mag-aral muli. Architecture naman ang pag-aaralan ko." Sabat ni Ysa.
"Go mo yan girl. Magaling ka talaga magdrawing at magpinta. Kapag magpapatayo kami ng bahay ikaw ang damit gumawa." Masayang wika ni Ai.
"Ikaw Aica? Huwag mong sabihing itutuloy mo na yung dream mong maging singer." tanong ni Cath.
"Medyo. Hahaha! Ako, pumirma na ko ng contract sa channel9. Mag-aartista na ako habang magbubusiness. At hulaan nyo kung sino ang kasama ko sa 1st project ko?" masayang balita ni Aica.
"Sino?" sabay-sabay na tanong ng tatlo.
"Sino pa ba? Edi ang ultimate crush ko na si Enrique Gil Morales." sabi ni Aica.
"Nice! Baka magkagusto siya sayo at ligawan ka." Pang-aasar ni Ysa.
"Oo naman. Sasagutin ko siya agad kung ganon. Hahaha" wika ni Aica.
BINABASA MO ANG
Single Ladies
Fiksi RemajaThis story is dedicated to my friends. You know who you are. :)