Chapter 1

30 4 17
                                    


Rhys' POV 4 years ago

"Bro congrats ikakasal kana next week." Masayang saad ni Von na drummer ng banda habang nag kakatuwaan kaming apat rito sa band room kakatapos ang naming mag practice para sa tutugtugin naming sa kasal ko next week.

"Thank you bro, hindi na ako makapaghinatay na masasbi ko nang asawa ko na talaga si Carmen ang tagal namin tong hininatay at sa wakas next week ikakasal na rin kami." Masaya kong saad sa kanila.

"Hindi na ako makapaghintay na magkaroon ng maliit na Rhys." Pagbibirong saad ni Dave na siyang based guitar naming.

Sasagutin ko pa sana siya nang biglang nag ring ang phone ko at nakita kong tumatawag ang nanay ni Carmen, kaya agad kong sinagot iyon.

"Hello ma." Sagot ko sa tawag, nagpatuloy naman nag kwekwentuan ang mga ka bandmate ko habang kausap ko si mama.

"Anak wag kang magugulat." Kalmado nyang saad sakin pero ramdam ko ang pag biyak ng kanyang boses.

Pinilit kong kumalma pero may pakiramdam akong may hinding nangyayari.

"Ano po yun ma?" nalilito kong tanong habang kinakabahan ako sa ano mang sasabihin nya sa akin.

"Si Carmen." Saad nya kasabay ang pagkapiyok ng kanyang boses.

Mas lalong kumalabog ang dibdib ko nang bangitin nya ang pangalan ni Carmen, anong nanguyari kay Carmen?

"Bakit ma anong nangyari sa kanya?" kinakabahang saad ko sa kanya.

"Anak patay na si Carmen." Saad ni mama kasabay ang paghagulgol.

Pakiramdam ko binuhusan ako ng malamig na tubig nang marinig ko iyon, sabihin nilang prank lang ang lahat ng ito.

"Ma wag kang magbibiro nang ganyan ma, sabihin mong buhay pa si Carmen ma." Pinilit kong tumawa habang sinasabi iyon at kasunod nun ang pagtulo ng luha ko.

Napatingin naman sa gawi ko sila Alec nang marinig nila ang ang aking sinabi, kita ko ang pagaalala nila sa akin habang inaantay ang ano man ang sasbiin ko.

"Anak sorry pero totoong patay na siya, ayaw nyang sabihin sa iyo na may cancer siya 2 years ago dahil ayaw nyang magalala ka sa kanya, ang buong akala nga namin makakaabot pa siya sa kasal nyo pero kagabi isinugod namin siya sa hospital dahil hindi nya maintindihan ang kanyang nararamdaman hangang kanina lang hindi nya na kinaya at tuluyan nang kumalat sa buong katawan nya ang cancer at hindi nya na nakayanan pa, anak patawad." Magiyak ngiyak na saad ni mama sa akin.

Pakiramdam ko pinagsakluban ako ng langit at lupa, napabitaw na lang ako sa telepono ko nang nalaman ko iyon. Dali daling lumapit sina Alec sa akin habang may sinasabi pero para akong napipi at nabangi nang malaman kong matagal na palang may sakit si Carmen pero hindi nya man lang sinabi sa akin iyo at ngayon patay na siya nang hindi man lang kami naikakasal.

Dumating na yung araw na ililibing na si Carmen at sa araw rin na ito ay ang dapat na araw na ikakasal kaming dalawa pero ang kinahinatnan ay ang naging libing ni Carmen, sinabi ko sa pari kung pupwede sanang ikasal kaming dalawa kahit patay na si Carmen pero hindi siya pumayag kung kaya't inilagay ko na lang ang singsing sa kanyang kamay hindi ko ininda ang baho ng gamot na itinurok sa kanya basta't mailagay ko lang ang singsing sa kanyang kamay. Nang ibaba ni si Carmen sa kanyang huling hantungan ay tinitingnan ko lang na dahang dahang ibinababa ang kanyang kamaong sa ilalim ng lupa. Parang gusto kong sumunod sa kanya, parang gusto kong tumalon sa hukay na iyon at isama sa paglibing kay Carmen.

Carmen bakit hindi m lang man sinabi sa aking may sakit ka, bakit tinago mo sa akin? Mamimiss kita mahal ko, mamimiss ko ang bawat notang lumalabas sa bibig mo habang tumutogtog ako ng piano. Ang daya mo naman mahal iniwan mo ako kaagad nang wala man lang pasabi.

The chords of my torchWhere stories live. Discover now