Chapter 8

8 3 1
                                    

Fryle’s POV

Pagkabalik ko kinaumagahan ay napansin kong hindi pa rin kumakain si Rhys ng inihain kong pagkain sa kanya. Kinuha ko na ang pagkain sa labas ng pinto nya, nang akmang aalis na ako may narinig akong sigaw mula sa loob ng kanyang kwarto.

Papasok na sana ako nang maalala ko ang sinabi nya sa akin kahapon. Nung sumigaw siya ulit ay agad na akong pumasok sa loob kahit magalit pa siya sa akin. Pagkapasok ko sa loob ng kwarto nya napakagulo ng buong paligid at napakadilim. Nilapitan ko siya, nakahiga pa rin siya sa kanyang kama at natutulog, tinapik ko ang kanyang braso para magising siya.

“Rhys gumising ka, nanaginip ka lang.” saad ko sa kanya habang ginigising siya.

Patuloy pa rin siya sa pagsigaw kaya nilakasan ko ang pagalog sa kanya pero hindi pa rin siya nagigising.

“Rhys.” Saad ko pero bigla nya na alng ako hinila pahiga sa tabi nya saka nya ako niyakap.

Nabigla ako sa ginawa nya sa akin, naamoy ko ang kanyang hininga. Amoy alak ito, malapit ang kanyang mukha at ang kanyang hininga ay tumatama sa aking mukha. Napatingin ako sa kanyang mukha, mahahalata mo sa kanyang mukha ang kanyang paghihinagpis at sakit nanararamdaman. Hinawi ko ang kanyang buhok, kung pupwede lang sanang ako na lang.

“Ano bang pinagsasabi mo Fryle, this person is inlove like hell to Carmen.” Saad ko sa sarili ko.

Naramdaman ko ang paghigpit nya sa pagkakayakap papalapit sa kanya. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko at pamumula ng pisngi ko. This can’t be, I can’t fall for him. Napansin ko tumigil siya sa pagsigaw nang yakapin nya ako.

“Carmen.” Saad nya sa akin habang natutulog siya.
Nakita kong may luhang lumandas sa kanyang mata, pinunasan ko ng daliri ko ang kanyang luha. Ang sakit makitang lumuluha ang isang tao dahil sa taong mahal nya. Aalis n asana ako nang mas lalo nya akong hinail ay yakapin papalapit sa kanya.

“Carmen, please stay with me and never leave me.” Malungkot nyang saad habang sinisiksik ang kanyang matangos na ilong sa pagitan nga aking leeg at balikat.

Kinilabutan ako sa ginawa nya. I will never leave you Mr. Rhys Volcaro until the time you can get over with your ex-lover. But please help me that I will never fall for you.

Ilang minuto pa ang nakalipas na nasa ganong posisyon kaming dalawa, naramdaman kong lumuwag ang pagkakayakap nya sa akin kaya dali dali akong umalis sa pagkakayakap nya sa akin at lumabas ng kwarto nya bago pa man siya makagising. Pagkalabas ko ay agad akong nagluto ng umagahan nya, pinagluto ko siya ng chicken soup para lang man mahimasmasan siya sa hang over nya.

Tama tama nang makatapos ako ay lumabas siya ng kwarto nya, nakita ko ang bagong gising na Rhys na natatakpan ng kanyang mahabang buhok ang kanyang mukha.

“Goodmorning.” Bati ko sa kanya habang naka ngiti.

Wala akong natangap na sagot mula sa kanya sa halip ay naglakad lang siya at umupo sa lamesa. Agad ko naman hiniain ang kanyang pagkain, nang tikman nya ang pagkain ay deredertso lang siyang kumain. Umalis ako sa kusina para ligpitin ang mga kalat sa kanyang condo.

“Nga pala gusto mong sumama?” pagaanyaya ko sa kanya habang inaayos ang kanyang condo.

“Saan?” paos nyang tanong sa akin.

“Mag grogrocery lang ako wala kana kasing stocks.” Sagot ko sa kanya.

“Sure, antayin mo lang ako makapagligo aalis tayo.” Sagot nya sa akin at akita ko siyang pumasok sa kwarto nya.

Yes akala ko pa hindi siya tutugon sa pagaanyaya ko sa kanya. Kasi napapansin ko hindi siya lumalabas ng condo nya kahit kailan simula nanag magtrarbaho ako sa kanya, parati lang siyang nasa kwarto nya o di kaya doon sa kabilang kwarto.

Pagkatapos kong maglinis ng condo nya ay umupo muna ako sa sofa ng sala nya habang inaantay siyang lumabas ng kwarto nya. Ilang minuto pa ay nakita ko na siyang lumabas habang nakasuot ng puting t-shirt at striped black pants habang nakatali ang kanyang buhok. Nakita ko ring may suot itong mask na kulay itim, oo nga naman sino bang sikat sa buog mundo ang lalabas ng lunga nya nang walang disguised?

Bumaba na kami sa parking lot habang tahimik lang kaming naglalakad papunta sa kotse ko at nagdrive papunta sa mall para mag grocery. Pagkarating namin sa grocery ay agad siyang kumuha ng cart.

“Sure ka na ikaw ang magdadala nyan?” tanong ko sa kanya habang papasok kami sa loob ng grocery, napatango naman siya sa tanong ko.

“I’m not disabled Ms. Amandaris.” Sagot nya sa akin.

“Ok.” Sagot ko at naglakad na kaming dalawa papasok ng grocery.

Hindi nga disabled mentally ill lang. habang nag grogrocery nakaisip ako ng paraan para ngumiti naman siya kahit papaano. Agad akong tumakbo papunta sa seafoods, hinabol nya lang ako agad akong kumuha ng dalawang hipon at nag tago sa isang sulok. Nakita ko siyang dumating at hinanap ako, lumabas ak sa pinagatatguan ko at ginulat siya.

“Mr. Volcaro would you prefer shrimp on a sushi?” masayang tanong ko habang itinuro sa kanyang harapan ang shrimp na hawak ko.

Napaurong naman ang kanyang ulo nang itutuok ko iyon sa kanyang harapan, mukhang nagulat siya sa ginawa ko kaya napatawa ako ng kaonti. Umatras ako at inilgay ang isang hipon sa harapan ko.

“What are you saying shrimp?” pagmamaang maangan kong tanong sa hipon habang kaharap ito at medyo inilapit sa tenga ko na para bang may sinasabi.

Nakita kong napailing lang si Rhys sa akin pero nakita ko sa kanyang mata na ngumiti siya sa ginawa ko. Finally he smiled.

“You want.” Masayang saad ko kasabay ang pagharap ko kay Rhys.

“How about Mr. Volcaro?” tanong ko sa kanya kasabay ang pagturo ulit.

Lumapit siya sa akin kaya napalunok ako ng aking  laway, pagkalapit nya sa akin ay inihawi nya ang aking kamay kasabay ang pagtingin ng masama sa akin.

“Ms. Amandaris, pwedeng umayos ka nagmumukha kang tanga.” Saad nya sa akin.

Napangiti naman ako sa kanya, nakakatawa siya kung magalit pero at least napangiti ko siya kahit papaano.

“I will take it as a yes though.” Saad ko sa kanya kasabay ang pagalis ko.

Pagkatapos naming mag grocery ay niyaya ko siyang kumain sa restaurant namin, na agad rin naman siyang pumayag. Pagkarating namin sa resto ay agad ko siyang pinaupo sa isang table saka ako pumasok sa loob ng kusina para kumuha ng meal.

“Sir may I present you the chef choice for today buttered garlic broccoli and taste crab cakes and our best tropical Buko pandan shake.” Pag prepresinta ko sa kanya habang ibinababa nang mga pagkain sa kanyang harapan.

“It surely looks good.” Komento nya sa akin habang tinitingnan ang pagkain.

Ngumiti lang ako sa kanya at saka ako umupo sa kanyang harapan. Habang kumakain kami ay kinuwento ko sa kanya ang mga kalokohan ko nung bata pa ako, napangiti naman akong nakikita siyang tumatawa sa mga kwento ko.

“Alam mo hindi ka lang pala tanga, lokoloko ka rin pala.” Natatawang komento nya sa akin.

“Ngayon mo lang nalaman tsk. Ito pa.” Pagbibiro kong saad sa kanya kasabay ang pag facial expression ko na ikinatawa nya.

Ngayon ko lang nakitang ganito kasaya si Rhys, naramdaman kong bigla namang tumibok ng mabilis ang puso ko habang nakikita kong tumahimik ang paligid habang tanging tawa lamang ni Rhys ang naririnig. Is this can be?

“You’re so funny Fryle.” Komento nya sa akin, don pa lang ako napabalik sa riyalidad.

Geez, am I slowly falling for him? Please say no.

“I can be like this if you promised me that you will never attempt to kill yourself.” Saad ko sa kanya.

“Not unless you do me a favour.” Saad nya sa akinkasabay ang paglapit nya sa akin agad naman akong napaabante kasi napakalapit nya.

“About?” naiilang kong tanong sa kanya.

Umayos na siya ng pagkakaupo habang nakangiti pa lang at pinaglalaruan ang kanyang kamay.

“On Sunday it is the birthday of Carmen I want you to pretend as her just for that night, I want to experience her presence by you.” Saad nya sa akin.

Wala naman masama don, kung yun ang makakatulong sa kanya bakit naman hindi.

“Sure, why not if it could help you.” Masaya kong saad sa kanya.

“Thank you Fryle.” Saad nya sa akin kasabay ang paghawak sa aking kamay napatingin naman ako sa kanyang kamay kasunod ang pagngiti ko sa kanya.

“No problem, anything to help you.” Saad ko sa kanya.

Bumitaw siya sa pagkakahawak sa aking kamay. Bakit parang nasasaktan ako? Bakit gusto kong hawak nya ang aking kamay? Ano nab a ang nararamdaman ko para sa iyo Rhys Volcaro?


The chords of my torchWhere stories live. Discover now